Chapter 4

110 4 0
                                    

[Joseph’s POV] -- September 28, 2012

           Pagkatapos noong away namin ni Adrian sa bus, wala akong ginawa kundi bumili ng pagkain,  pampalamig ng ulo ba. Kinakain ko iyon habang nag-didiscussion. Nag-aalala pa rin ako para kay Adrian. Paano kung tama ang hinala ko? Paano kung napilitan nga si Martha? Sigurado ako, masasaktan na naman si Adrian. Ayaw ko naman siyang makitang broken-hearted.

           Noong lunch, hindi ako tumabi kay Adrian, dahil sa nangyari kanina. Umupo ako sa di-kalayuan. Nakita ko sila Adrian at si Martha. Hindi ko na lang sila pinansin, tinuloy ko na lang ang pagkain ko ng baon.

           Noong patapos na ako kumain, tumingin ako kina Adrian para mag-check kung anong nangyari. 

           "Parang mag-kikiss sila ah.." sabi ko kasi malapit lang ang mga mukha nila sa isa't isa. Pero mali pala ako, "Nag-jojoke lang pala si Mar--" Hala! Napatid si Martha! Nadaganan pa si Adrian! Kawawa naman siya.

           After lunch, I attended my fourth period, nag-aalala pa rin ako para kay Adrian. Parang may masamang mangyayari, na kung hindi ko nilutas, pati ako maaapektuhan, pati ako masasaktan. Ano ba ang dapat kong gawin? Bakit ba ako kinakabahan? Tumingala ako sa classroom, trying to find an answer to my unsolved problem. After some time, *TING*, may naisip ako, "Nagdesisyon na ako, kakausapin ko si Martha.

           I tried my best to talk to Martha, "Joseph, kaya mo ito." sabi ko sa sarili. Palapit ako ng palapit sa kanya. "Ito na Joseph, ito na." kinausap ko si Martha.

           "Martha, hey, may sasabihin lang ako." ani ko.

           "What is it, Joseph?" sabi niya. Hindi ako makapag-isip ng mabuti, may mga tanong na lumilipad sa isipan ko. Gagawin ko ba? Tama ba ito? Makikielam ka ba talaga sa love life nila?

           "Anong oras na?" tanong ko. Hindi ko na nagawa. Masyado akong takot na baka pumalpak ako, kaya iba na lang ang tinanong ko.

           "3:30 P.M." sabi niya.

           "Okay. Thank you." ani ko.

            Weeks went by, I tried my best to ask Martha, yet, I still am a coward. One month later, I now have the courage to do it. I got it from eating too much sweets. I walked straight to Martha. Itatanong ko kung mahal ba niya talaga si Adrian? Kung hindi  siya nagsisinungaling.

           "Martha..." nagdadalawang-isip kung itatanong ko o hindi.

           "Ano iyon, Joseph? ani niya habang inaayos ang mga books sa bag.

           "It's really inappropriate to ask you this but, do you really love Adrian? tanong ko.

           Tumaas ang kilay ni Martha, tila nagulat sa sinabi ko. "Huh? Bakit ka nagtatanong?"

           "I'm worried about Adrian. I need to confirm some things. I hope you understand." ani ko.

           Ngumiti siya, parang natuwa siya na may ganitong friend si Adrian. Yung kaibigan na gagawin ang lahat basta hindi masaktan ang best friend niya. "Oo Joseph. Mahal na mahal ko siya." sabi niya, "Kung hindi ka pa rin naniniwala, magkita tayo bukas. Kasama ko si Adrian."

           "Sige." sabi ko, "Puwede ka ng 11:00 A.M. sa park?"

           "Ah, okay. Doon tayo magkita sa may bench, malapit sa fountain." ani niya.

           "Great, then we'll meet there." sabi ko. Agad akong umalis kasi hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko.

           The next morning, nagbihis ako ng maayos, kumain ng almusal, naglaro ng sandali (kasi masyado pang maaga), at umalis para mag-meet kina Martha at Adrian.

My Impossible Girl (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon