Chapter 3

106 1 0
                                    

September 3, 2012, Friday, magkaibigan na ulit kami nila Martha at Rob. Hindi na namin iniisip ang nangyari dati. Past na iyon and past is past.

Noong dismissal sa school, kinausap kami ng mga kaibigan namin. Nagyaya sila na pumunta sa bahay nila Martha (Kasi sa kanila na lang ang hindi pa namin napupuntahan.) Tumawag kami sa mga magulang niya kung puwede bumisita, pumayag naman sila.

Kasama ko pumunta sa bahay nila ay sina Joseph, Rob pati ang iba pa naming kainigan na sina Jerome (mataba), Benjie (bestfriend ni Martha), Maya (cute na half-Japanese, half-Pinoy at crush ni Joseph) at siyempre si Martha.

"Ang ganda naman ng bahay niyo!" ani ni Joseph habang nakanganga ang bibig.

"Hindi naman, thank you na lang." hiyang-hiyang sabi ni Martha.

"Bibili ako ng pagkain, sinong gustong magpabili?" tanong ni Rob. Nag-ambag na lang kami para sa snacks at drinks. Nakakahiya naman kasi kay Martha.

Pagkatapos naming kumain, nag-movie marathon kami. Ang dami naming napanood! Puro horror movies, nakakatakot. Nandiyan na ang The Ring, The Call, at The Grudge 1, 2 at 3.

Noong paalis na kami, may dumating na isang lalaki. Nakaporma pa! Maayos ang buhok, may suot na tuxedo at pants (wow!), at naka-cologne. May hawak pa siyang flowers at chocolates.

"Oh, Aaron, di ba sabi ko huwag ka sa bahay manligaw? Pinapagalitan na ako ng Mommy ko." sabi ni Martha.

"I love you Martha. Can you be my girlfriend?" tanong ni Aaron.

"Ayaw ko pa talaga Aaron, sorry." sagot ni Martha.

"Sino ba ang lalaking iyan?" tanong ko, nagtataka at nagulat sa sinabi ng lalaki.

"Ah, Adrian, siya si Aaron San Juan, kapit-bahay ko. Nanliligaw din siya katulad niya ni Rob. Naka-arranged marriage ako sa kanya dati. Nagkasunduan yung tatay niya at ang tatay ko na sa paglaki namin, magpapakasal daw ako sa kanya pero ikinansela na iyon ng tatay ko dahil mali daw ang pilit na pagmamahalan." sagot ni Martha, "(Sigh)" parang namomroblema si Martha. Sino ba naman ang hindi mamomroblema kung naka-set na ang gagawin mo sa buhay? Yung alam mo na kung sing mamahalin at pakakasalan mo. Mayroon bang may gusto noon? Wala! Wait.... Balik tayo sa topic- Ha? Nanliligaw siya? May bago na naman akong katunggali? At.... Arranged Marriage!? Totoo ba itong naririnig ko?

"Ha!? Arranged Marriage!?" tanong ko. Gulat na gulat sa sinabi ni Martha, napa-upo ako sa malamig na sahig.

"Oo nga, pero dati pa iyon, noong first year pa tayo noon." ani niya. (Uso pala ang mga ganoon dati.)

"Anyway, Aaron, umalis ka na. Hindi puwede ngayon. Hindi talaga puwede sa bahay." sabi niya.

"Okay. I will wait, whenever and wherever. Goodbye, Martha." sabi ni Aaron.

"Sige, goodbye rin." sabi ni Martha. Nagulat talaga ako. Bakit sa lahat ng babae, siya pa ang nakaranas ng sapilitang pagmamahalan? And, may isa pa siyang manliligaw! Nahihirapan na nga ako sa isa, may dumagdag pa.

Pagkatapos ang pangyayaring iyon. Umuwi na sila. Ako ang hindi. Naglakad-lakad pa ako. Iniisip ko ang nangyari kanina. "Martha, ganyan pala ang buhay mo dati."

Hindi kasi pala-saya si Martha noon. Lagi siyang malungkot. Lagi siyang umiiyak. Ilang beses ko lang siya nakitang ngumiti dati. Noon, hindi ko alam kung bakit siya ganoon, but now, I know. I know why she was sad. Alam ko na kung bakit hindi siya nakasagot sa mga manliligaw niya dati noong first year kami. Hindi pala siya puwede magka-BF noon. Pero puwede na ngayon at gagawin ko ang lahat, ibibigay ko ang lahat para malaman niya na mahal ko siya.

A few days later, dumating ang birthday ni Martha, noong September 8, 2012. Ininvite kami sa bahay niya dahil may handa daw sila.

"Happy Birthday Martha!" sabay-sabay naming sinigaw habang kumakain ng luto ng mommy ni Martha. Ang daming handa! May pansit, fried chicken, lasagna, pizza, spaghetti at cake. Nakalimutan ko pang idagdag ang hotdog on a stick. Masarap silang lahat! Magaling magluto ang mommy ni Martha eh. Mananalo iyan sa Master Chef Philippines kapag sumali siya.

My Impossible Girl (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon