Chapter 2

105 1 0
                                    

        On July 28, 2012, naisip kung subukang tanungin si Martha kung puwede manligaw.

        Noong oras na ng lunchbreak, tumabi ako kay Martha. "Musta araw mo?" tanong ko.

        "Okay lang, ikaw?" sabi niya. "Okay lang rin." sagot ko. Sabay kami kumaing dalawa.

        Habang in-eenjoy niya ang kanyang baon, nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko ba ito o hindi. "Tama ba na itanong ko sa kanya, oh gulatin ko na lang?" mungkahi ko sa sarili ko.

        Noong tapos na kami kumain. Sabi ni Martha "Adrian, tara na. Magpapang-apat na subject na, ma-lalate na tayo."

        Tumayo ako, tumingin ako sa mga mata niya at nagtanong, "Martha, puwede bang manligaw?"

        "Ano, seryoso ka?" sabi niya. "Oo, seryosong-seryoso ako, Martha." sagot ko.

         "Uhmm... Okay lang sa akin. Wala namang mali doon, diba?"

      "YES!!" sigaw ko, "Thank you!" Ang saya-saya ko noon. Hindi ako makapaniwala. Akala ko "Hindi" ang sasabihin niya. Sabay na kami bumalik sa classroom.

        (Alam ko late na para dito pero-) Si Martha ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Hindi siya gaano katangkad (alam ko 4'8 siya noong first year kami), hindi rin siya maputi pero, may nakakakilig siyang ngiti na kapag tinignan mo ng matagal, mahihinimatay ka. Mayroon siyang mga mata  na sa sobrang ganda, nagniningning tuwing nakikita ko siya. Napakabait pa niya sa iba. Ngiti pa nga lang, sobra na, ipagsama-sama mo pa kaya ang mata't ugali niya, anghel na yata siya.

        Sa mga sumusunod na linggo, palagi ko siyang kinakausap, binibigyan ko siya ng mga bulaklak at mga tsokolate kahit kapos sa pera, pinapatawa ko rin siya kapag mayroon siyang problema. Lahat ginagawa ko para sa kanya, para malaman niya kung gaano ko siya kamahal.

        Noong August 15, 2012, nagplano ako ng isang "Special day" para mapasagot ko si Martha. Nag-arrange ako ng time at venue para sa plano. Bumili ako ng balloons para sa decoration. Nag-hire ako ng mga assistants (Nakiusap lang) para tulungan ako. Nagsulat ako ng malaking sign na may nakalagay na "Will you be mine so I can be yours?", kahit corny. Nag-isip din ako ng mga sasabihin para kay Martha.

        The Special day came. Handa na ako. Maayos na ang lahat, decorations, and lines to say. Tatawagin ko na lang si Martha para pumunta rito.

        Noong dumating na si Martha, nagulat siya. "Adrian, ano ito?" tanong niya.

        "Martha, mahal na mahal kita. Ayaw kong mawala ka sa mundo ko. Hindi ko na kayang maghintay para sabihin sa'yo ito. Martha, will you be mine forever and ever?" sinabi ko sa harap niya.

        Umatras siya. "Adrian, sorry pero, mahal ko pa rin si Rob at saka, hindi pa ako handa sa mga ganito. I hope you can understand me, I hope we can still be friends. Goodbye."

        Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Mahal niya talaga si Rob. Ginawa ko na ang lahat, hanggang friends lang pala kami. Noong wala na si Martha, hindi ko mapigilang umiyak.

        "Palpak na naman ako!" sigaw ko. Hindi pa ba sapat? Kulang pa ba ang ginawa ko?

        Nakauwi na ako sa bahay. Nilinis ko na ang mga decorations at iba pa. Humiga ako sa kama. Inisip ko kung itutuloy ko pa ang panliligaw, o ititgil ko na.

        "Don't give up." sinabi ni Nanay habang papalapit sa akin. "Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo kaagad. Pinaghihirapan iyan, lalo na ang pagmamahal." sabi niya.

        "Eh, bakit hindi pa ngayon?" tanong ko.

        "Adrian, love is patient. Maghintay ka. Wait for the right time and the right place. Timing is everything. Makukuha mo parin iyan, kahit hindi ngayon." sabi niya habang inaayos ang higaan kong magulo.

My Impossible Girl (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon