Quote:
''It's all right... I can stand up again all by myself... Even if im all alone... I will survive."
~Kurt's P.O.V.~
Pagkagising ko ng madaling-araw, sumasakit buong katawan ko kasi malikot matulog si Cyrell.
7:30 am na ngayon ng Saturday... Bumalik ako ulit sa kwarto para gisingin si Cyrell. Nakatayo ako ngayon sa harap ng kama at nakapameywang, "Cyrell!"
"Ma ano ba?! Tutulog pa ako." 'Ma' daw...Nakalimutan niya siguro na asa bahay namin siya. Lumapit ako sakanya at kiniliti...."Sa wakas minulat mo na mga mata mo."
"Che! Nangiliti ka pa!" Umupo siya sa kama at tinabihan ko siya, sumandal ako sa braso niya, "Cy, ang sakit ng katawan ko sa kasisipa mo saakin."
"Ah talaga? Sinisipa kita? Malikot ba akong matulog?" Ginulo-gulo niya buhok ko.
"Oo super!" Tumayo ako at hinalok ko sakanya ang kanang kamay ko sakanya, "Tara na? Kaen na tayo."
Humawak siya sa kamay ko at itinayo siya.
--
Habang nagluluto kami ng almusal may nagbukas ng front door namin. Pero hindi ko na pinansin yun.
"Kyaaah~!!! Ang sweet niyo." Dumating na si Ate Mayumi. Naglakad siya papalapit saamin at niyakap niya si Cyrell, "Cyopot, dito ka natulog?"
"Ah oo eh.... he~ he~ he~"
"Oh siya magpapahinga na ako baboosh..." Naglakad na siya papuntang kwarto niya at lumingon ulit siya sa direksyon namin, "Si mama, uuwi na niyan daw." Pumasok na siya sa kwarto niya.
--
"Haaay! Nabusog ako sa niluto mo Cy." Kakatapos lang namin mag-almusal.
"Ahahaha...." Siniko niya ako, "Kurt."
"Hmm?"
"Wala lang."
"Ano nga?"
"Wala!"
"Kayong mga babae puro wala wala. Nagpapapilit kayong tanongin kung ano nga eh."
"Love mo pa rin ba ako?"
"Shempre naman."
"Bakit di nalang si Allyson pinili mo?" Nagulat ako ng sinabi ni Cyrell yun. Napalingon ako sakanya.
"Shempre mahal kita Cy. Kaya di ko pinili si Allyson dahil ikaw lang ang nandito." Tinuro ko yung dibdib ko.
*PFFFT* "Ahahaha.... Sweet mo talaga Kurt." Kinuha niya kamay ko at hinigot ko naman siya at niyakap siya. "Cy... Unti-unti kang bumibilog at nagiging mundo ko."
Niyakap niya in ako ng mahigpit, "Hehehe. Kaw ah!"
"Tara ligpitin na natin tong mga toh," tinuro ko yung nakatambak na hugasan ng mga pinggan.
"Ah okay." Nagsimula na kami.
--
"Ah cge Kurt babye. Thanks sa paghatid saakin dito sa train station." Kumaway-kaway siya at pumasok na sa train.
Naglakad na ako pauwi, "Ah.... Ang cute niya talaga." *Click* tinignan ko yung cellphone ko, "12:00 na."