Chapter 1

375 7 0
                                    

Chapter 1

GABIE CUI

 Nagsimula ang aking storya ng...

Mabuhay ako noong dekada 1997,pinahiram at binigyan ng pagkakataong mabuhay ni hesu kristo.Nagiisahang anak at nagiisahang prinsesa nina Rosa at Ernesto.

Minahal at inalagaan ng sampung taon.Tinuring na "ONE AND ONLY DAUGHTER." Walang makakalarawan sa kung anong meron ang buhay ko noon dahil ang buhay ko'y parang paraiso.

Ako'y nagagalak na ako lang ang biniyayaang mabuhay sa pamilyang ito.Walang kahati,walang kaagaw.Pero bigla nalang nagbago ang lahat...

Ang atensiyon ay nawala miski pagmamahal walang natira.Siya ang dahilan ng lahat ng iyon,Si Gabe Cui.Magkasunod lang kaming ipinanganak.

Lahat ay INAGAW sa'kin pati na din ang pagkatao ko.

"Anak,patawad,sumama ka na.Wala kaming karapatang hindi ka ibigay dahil hindi kami ang mga totoo mong mga magulang."

Nagising akong, ako ang PRINSESA at ng ako'y pipikit,isa akong AMPON sa mundo nila.

Gusto ko mang hindi sumama pero napagtanto kong wala na akong karapatang tumira pa sa pamamahay na ito.

Mahirap mang gawin pero napagdesisyunan kong magLET GO.

*

"Yieee!!! GABIE!!!!!" Bigla nalang sumulpot si Trixie sa harapan ko at yinuyog ang balikat ko.

Mukhang masaya ang bruha ngayon ah.Bakit kaya? Crush nanaman ata.Lahat nalang ng kwinikuwento ng bruha sa'kin puro love life eh.

"Oh,ano?" Patuloy parin siya sa pagyugyog ng balikat ko.Bubukas tapos sasara nanaman yung bibig.

"Crush noh?" inunahan ko na siya kasi alam kong yan nanaman ang ikwekuwento niya eh.Napasimangot ang bruha at nagpout.

"Hindi! Naman eh! Tumingin ka kasi sa bulletin board!" Hinila niya ako papuntang bulletin board at may tinuro dun.

"Passers for the SCHOLARSHIP of Faith University:

1.Gabie Cui - 95.6%
2. Jonathan Uy - 93.645%
3. Leslie Ricaplaza - 90.45%
4. Jenny Rose Torres - 89.9%
5. Trixie Reyes - 89.6%

Hindi ako makapaniwala,napasama pa talaga ako sa top 5 (top 1 pa talaga) ng mga passers ng Scholarship for that famous school at nasali pa talaga si bessie bruha!

Hindi naman ako makagalaw at nakatuon pa din ang aking mga mata sa papel na nakapaskil sa dingding.Pinaghirapan ko talaga para makapasok sa eskwelahang iyon.Nagaral ako ng mabuti dahil sa pagaaral ko nakilala ko ang sarili ko kung ano talaga ako.I was made to bring my dreams to reality and only for me.

The Hardest Thing To DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon