Chapter 11

101 2 0
                                    

By the way,trip ko lang po yung mga quotations.HAHA.Pero related naman po 'to sa storya kaya okay lang.Haha

Chapter 11

Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is growing up.

Gabie Cui

"Arrgh!" Binagsak ko yung dalawang kamay ko sa mesa ng armchair kasabay ang pagyuko ko.Hindi ko na talaga kaya...Ang daya talaga.Naabutan na nga ako ng umaga para lang magreview tapos wala man lang ako maisasagot? Bilis naman mawala ng silbi ang memory plus o sadyang di lang ako nakikipagcooperate kay memory plus?

"Ayoko na...Suko na ako." Mangiyak-iyak kong sabi...Siyempre,sino ba naman ang hindi susuko lalo na't MATH ang tinetake niyo?

Bigla naman ako nakaramdam ng kung ano sa ulo ko pero binaliwala ko nalang yun.Ilang segundo ang lumipas,meron nanamang nangbato.Napabangon ako bigla at hinanap yung nangbato ng mga crumpled paper.Dami kasing nagkalat na papel sa ibaba ng upuan ko.

"Alam mo,wala kang mahahantungan diyan sa ginagawa mo.Ano pa nga bang silbi ng scholar at katalinuhan mo kung sa Math lang eh,susuko ka na." Napatingin ako kay Zachary ng may halong pagtataka.Bigla bigla nalang magsasalita with his oh-so-famous-words-of-wisdom.Words of wisdom nga ba? lol.

Bigla namang nagliwanag ang paligid ko.Nabigyan ako ng pagaasa.Bigla ko kasing naalala yung scholar kaya ayun.Sa di sinasadyang pangyayari eh napatawa ako habang pangiti-ngiti.Wala eh masaya lang ako.

Tinapik ko sa balikat si Zach. "Salamat Zach." Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis with matching ngisi at beautiful eyes.

Bumalik na ulit ako sa pagsasagot.Determinado akong matapos 'to ng maaga.

Kahit anong iwas ko sa headache,babalik at babalik din ito.Pagkatapos ng madugong exam sa Math sumunod naman ang P.E.Pagod na nga ang utak ko,mapapagod pa ako physically.

"Uy,alam niyong may babaeng umiyak daw sa seksiyong 4 - A? Halos hindi na nga sila nagklase eh sa pumunta daw dun si King B para patahanin yung babae."

    "Huh? Sino daw yung babae?"

     "Ewan ko.Tanging ang 4 -A lang ang may alam."

Kaaga-aga eh tsismis na kaagad.Ang bilis talagang lumaganap ang tsismis eh noh.Halos buong campus alam na nila.Mga chukchakera talaga...Tiningnan ko lang sila when I passed by...Siguradong 4th year din sila eh sa nakaP.E uniform sila eh.

Naglalakad na ako papuntang Gymnatorium.

"Uy,saan ka pupunta?! Alam mo namang hindi ka namin papayagang gumala diba?!" Hindi pala ako nag-iisa.Nasa likod ko sina Ely,Ela at Raven na nagaaway-away dahil lang sa hindi pinapayagang gumala itong si Raven.Kumbaga 2 vs 1 ito.

"Eehh,payagan niyo na kasi ako...Gusto ko lang bumili ng ice cream dun sa bagong ice cream parlor." Pagmamaktol ni Raven.Wala na akong magawa kundi takpan ang dalawang tenga ko gamit ang mga kamay ko.Magratatatat nanaman kasi yang dalawang kambal na yan eh.

"Oh tapos sa Pangasinan ka nanaman mapapadpad niyan?! Ha?! Alam mo namang magpP.E tayo ngayon tapos kakain ka ng ice cream?! Ano nalang ang mangyayari sa tyan mo nyan? Ha?! Grabe ka! Alam ko namang matakaw sa ice cream eh! tsk." Kahit anong gawin ko naririnig ko parin ang sigawan nila Ela.Hanggang sa pagpasok ko sa Gymnatorium,ganun pa din sila.

"Hindi ka nga namin papayagang gumala,Raven! Ang kulit mo! Gusto mo ishoot kita dun sa-"

"Sa?"

"Sa...OMYGEE!!! S-si Maze...Haayy,so dreaammyy~" Napatingin kaming lahat sa mga nagbabasketball.Ibig ba sabihin nun,nandito din si Jaycee? Hinanap siya ng mga mata ko.Nagulantang silang lahat dahil nakita nilang nakikihalubiho si Zach sa mga nagbabasketball kasama si Jaycee.

The Hardest Thing To DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon