Chapter 3

176 3 0
                                    

Chapter 3

Jaycee Shin Vega added you as a friend...

Yan ang mga katagang nagpabago sa buhay ko.Nagbigay saya sa puso kong nababalutan ng lungkot.Di ko inaasahang hahantong sa ganitong sitwasyong akala mo'y napakalabong mangyari para sa isang babaeng nagkagusto sa lalaking alam mong hindi ka naman papansinin.

Nakaramdam naman ako ng parang naiihi,naiihing hindi ko maipaliwanag.Ito ata yung sinasabi nilang...kilig. Choss.

Icliclick ko na sana yung 'Accept' button ng nabigla ako sa biglaang pagmessage sa'kin ng isang babaeng hindi ko naman kilala.

Ganun na ngayon yung mga tao,kahit sino inaaccept.

Gabie pinapasabi ni Jaycee na iaccept mo daw siya.Siya daw kanina yung nakabanggaan mo sa hallway. :)

Ahh..Ganun ba? Sige! :)

Agad ko namang inaccept si Jaycee.Wala eh.GRAB THE CHANCE.

Kailangan pa ba niyang utusan kaibigan niya para ipagpaalam na iaccept ko daw siya at siya yung nakabanggaan ko?

Grabe,alam naman nating lahat na kilala ko na siya simula pa nung una ko pa lamang pumasok dito.Kaya di na yun kailangan...

Saktong pagaccept ko,nagmessage siya kaagad.Di halatang excited eh noh. Choss

Hi :)

Kahit simpleng 'Hi' lang napapatalon na ako sa kilig.Alam niyo naman yang feeling na yan noh kaya intindihin niyo nalang ako.

Hello! :D

Nanginginig pa ako niyan sa pagtype.Di ako makapaniwalang kausap ko ngayon ang 1 week crush ko.

Ako na ata ang pinakamasayang magandang babaeng nilalang.Choss

Sorry talaga kanina ah? Nagmamadali kasi talaga ako eh.Hehe.Kamusta nga pala?

Kyaaahh ! Kachat ko na ngayon ang Ultimate Crush ko! Akalain niyo yun?! May pagkaFC din pala siya.

Okay lang.Naiintindihan ko naman... Ito,masaya . Hehe! Ikaw? :)

Nakaramdam naman ako ng 'nauubusan ng sasabihin'? Ewan ko sa sarili ko.Parang wala na akong masabi dahil kinakain ng kilig ang sasabihin ko.

Masaya din.Sige,chat you next time.May gagawin pa kasi ang dakilang gwapo eh.Haha! See you tomorrow,Gabie!

Nabilaukan naman ako ng mabasa ang mensahe niya sa'kin kahit wala akong kinakain.Teka,kakapit lang ako ang hangin eh. Grabe ! Alam ko naman yun eh,kaya hindi na kailangang sabihin yun. Choss

Ang hangin ! Haha! Sige,thanks sa time. Bye! :)

It feels so good ng makita ko ang pangalan ko.Kahit hindi ko man 'to narinig galing sa voice box niya,akala mo'y nakainom ako ng DATU PUTI sa sobrang kilig.May bagong balita nanaman akong kailangan ibalita kay bruha.

Natapos ang buong gabi na parang videong automatikong nagreREPLAY.

Gumising ako ng maaga dahil hindi parin ako mapakali sa nangyari kagabi.Ginawa ko ang lahat ng makakaya kong hindi siya isipin pero wala eh patuloy parin siyang tumatakbo sa isipan ko.Parang TSUNAMIng bigla nalang umaatake at patuloy nagfloflow ang tubig. Okay,ang waley.

"Oy panget,anong iniisip mo? Kanina ka pang lutang eh." Biglaang tanong ni Ely sa'kin.

Tumambay muna kami sa garden ng school na ito dahil vacant namin ngayon.May sakit daw kasi yung teacher namin.

The Hardest Thing To DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon