Chapter 2

264 4 0
                                    

Chapter 2

Akala ko'y si Trixie lang ang makakapagbahagi ng kanyang love life.Di ko inaasahang darating ang araw na ako din pala,magmamahal ng tunay sa unang pagkakataon.

Muntik nang mawala ang tiwala ko sa pagmamahal ng dahil sa pamilya.Ayoko ng makaranas maglet go nanaman ng isang taong mahalaga sa'kin.Pero anong magagawa ko? Di ko naman maiwasang magmahal dahil tao parin ako.Walang taong hindi nagmamahal.

"Alam mo Trixie,ito ang unang pagkakataong tumibok ang aking puso sa isang lalaki." sabi ko habang nakatingin sa wala.

Natapos ang pangyayaring iyon na parang fairytale.Tinamaan ata ako ni kupido sa puso kaya ako nagkakaganito,siya lang ang tumatakbo sa isip ko,siya lang palagi ang bukambibig ko.Ang lakas ng tama niya sa'kin.

"Yiiee,i'm happy for you bessy! Ako din,I've found the man of my dreams! Kinikilig ako! Haha! Ilang oras din siyang nakatitig sa'kin kanina.Omygee!"

Sino nanaman kaya yang 'The Man of her Dreams' na yan? Akala ko ba'y walang ganyan sa bokabularyo niya?

Oh well,i'm happy na-attract na din siya sa isang lalaki at sana siya na yun.Ang dami kasing kwinekuwentong mga lalaki ng babaitang ito.Parang wala nang bukas.

"Oh,sino nanaman yun? Siguradohin mong siya na,ah? tsaka saang lupalop ka ba pumunta kanina? Di kita nakita eh!"

Bigla naman niya akong binatukan.

"Saang lupalop? Eh nasa likod mo lang ako kanina sa gymna ah!"

"Ha? Eh ba't di mo nalang ako inapproach kanina kung nandun ka lang pala sa likod ko?" sabi ko habang hinimas himas ang batok ko.

Ito talagang babaeng 'to,di nalang ako pinuntahan kanina pero okay na din yun,nakawala din ako sa mga masasakit niyang sampal dahil alam kong nagwagwapuhan at kilig na kilig din siya kanina sa mga basketball players ng school na ito.

Sino ba namang hindi mamemesmerize sa mga gwapong nilalang na iyon,eh parang mga anghel na bumaba sa mundong ito.

"Eh,may mga bagong kaibigan ka na eh.Hehe! Nga pala,di tayo classmates,section A kasi ako eh! Ba't ba ang talino mo?" sabay tusok ng hintuturo niya sa utak ko mismo.

"Puro nalang kasi love life inaatupag mo wala ka man lang oras para sa studies mo.Ang bruha mo talaga!" sabay tusok din ng hintuturo ko sa utak niya.

Magmula ngayon ito na palagi ang aming pinaguusapan.Lahat ng mga lalaking nakakapagbibigay ng inspirasyon sa amin and that's how we enjoy each others company more. (o⌒.⌒o)

Dahil nasa ibang seksiyon na siya at may kanya-kanya kaming inaasikasuhan,hindi na kami ganun kastick like we were twins but that's not a problem dahil naging matatag parin ang aming relasyon bilang best friends.

"Sige bye na bessy! Kailangan ko ng pumunta sa classroom.Let's talk about our lovey dovey pag may time.Hehe!"

Nagpaiwan naman muna ako dahil hindi ko pa nauubos ang aking pagkain.Gawa 'to sa sobrang daldalan eh.

Sa kalagitnaan ng aking pagkain hindi ko na namalayang siya nanaman ang iniisip ko...

Anong year na kaya si Jaycee? Don't tell me he's younger than me.Aba't pumapatol na ako sa bata ah pero crush lang naman eh.

Will he ever notice me? or... Ba't ba ang dami kong tanong?

Nabigla naman ako sa biglaang pagbell ng ring.Kinuha ko na kaagad ang aking mga libro pati na din ang bag ko.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makaabot sa klase pero sa kasamaang palad nga naman at may nakabangga pa ako dahilan kung bakit nahulog lahat ng mga dala kong libro.

"Sorry po!" Kinuha ko kaagad ang mga libro sa sahig kasabay din nito ang pagtulong sa'kin nung nakabangga ko dahilan kung bakit nahawakan niya ang kamay ko.

Kinuha ko kaagad ito.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin pero nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa mga kamay ko.

Biglang tumigil ang mundo ko.Nakita ko siyang kinukuha lahat ng libro ko.The way his hair just stays makes my heart beat,running a way beatin' like a drum and it's coming your way,can't you hear that~ Ay,Leche!

"Sorry! Nagmamadali din kasi ako eh.Huli na din ako sa klase." sabay abot niya ng mga libro ko.

Dahan dahan ko 'tong kinuha at sa di sinasadyang pangyayari nahawakan ko ang kanyang mga kamay.

"O-o-o." Shete! Di ko masabi ! Pwede bang magsign languange nalang? Kasi sabi nila actions speaks louder than words.

"Oh?" sabi niya na parang hinihintay ang sasabihin ko.

Huminga muna ako ng malalim para naman lumuwag ang aking dinadalang kilig.

"O-okay lang!" Binigyan ko kaagad siya ng pinakamatamis na ngiti.

Ngumiti naman siya pabalik sa'kin.

"Nga pala,I'm Jaycee Vega!" sabay abot niya ng kamay niya.

Wala nang atrasan 'to.Kaya Grab the chance!

Inabot ko naman kaagad yung kamay niya.

"Gabie Cui! Nice to meet you!" Nakangiti kong sabi. (o⌒.⌒o)

Napatingin naman ako sa kamay namin.Biglang nagslow motion ang paligid.Nakangiti parin ako.Parang nasa heaven ako.

"Uhm...Sige Gabie,kailangan ko ng umalis.Nice to meet you! Kitakits nalang!" Tumango ako na nakangiti.

Pinagmasdan ko siyang naglalakad.Hindi ako makapaniwalang mapapansin niya ako.Ang sarap sa pakiramdam parang ako'y lumulutang.

Bigla akong napahawak sa puso ko.

Nagwawala ito kulang nalang lumabas ito at ipakita sa'kanyang ako'y kilig na kilig sa munting gawa niya.

Ito man ay paghanga lang pero habang tumatagal ay nagiging pag-ibig.

Sa'kanya lang ako titingin kahit magkaduling-duling,siya lang ang aking mamahalin.Ako man ay sawi sa buhay pamilya,hindi ko hahayaang masawi din ako sa pag-ibig.

Natapos ang klaseng siya lang ang tumatakbo sa isip ko.Naglalakad na ako pauwi sa di sinasadyang pangyayari ako'y napalingon sa kung saan ako'y unang nakaramdam ng pagmamahal at sakit sa puso.

"Anak pumasok ka na,kumain ka na muna dito."

"Papunta na ma."

Napatingin ako sa'kanya.Ang laki na niya,nagbibinata na.Siya parin yung kapatid kong kinaiinisan.Hindi parin siya nagbabago yang mukha niyang inosenteng sarap kurutin.

Di ko namalayang napaluha na ako.

Ilang taon na ang nakalipas pero habang napapadaan ako sa bahay nila,I still found myself crying.Tama ba ang ginagawa ko?

Hindi parin ako makalimot.Kamusta na kaya si Nanay? Si Daddy? Ba't ba kasi dumating pa yang si Gabe sa buhay namin?!!

Pinunas ko ang aking mga luha.Nagsimula na akong maglakad ulit.Hindi ko sila pinansin.Wala akong naririnig.

Letting Go is not an easy thing to do.And it will never be.

Kaso wala na akong choice eh.

Only to give up.

And to let go.

Second.

I moved on with my life but not the memories that leaves foot prints in my mind and in my heart.

Kahit mahirap sa'kin manatili sa bahay ng totoo kong ina dahil sa nagawa niyang pagiwan sa'kin,tiniis ko nalang.Lahat ng sakit na naramdaman ko ay tiniis ko.Nagparaya ako.

Pumasok kaagad ako sa kwarto ko.Di ko pa din magawang ipatawad siya at ayoko pang makita ang kapal niyang pagmumukha.

Pero kahit ganun nakakaramdam padin ako ng pagmamahal.Pagmamahal ng isang kaibigan at ang pagmamahal ko sa isang binata.

Nang dahil kay Jaycee,kahit papano ako'y napapangiti sa mga munti niyang pakilig.

Di ko inaasahang ang love story namin ay may pagbabago...

~

Sana suportahan niyo po 'to XD

The Hardest Thing To DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon