Chapter 13

76 2 0
                                    

Next na ang epilogue. XD (Minadali,sorry.)

Chapter 13

Love is worth fighting for but there comes a point when fighting for it is just futile.

Gabie Cui

Nakauwi na ako matapos ang Ice cream adventure namin nina Ely.Ewan ko ba pero nagtataka ako kay Zachary,parang...Iba siya ngayon kung kumilos.Ang lalim din ng iniisip...

Pumasok na ako sa aking silid at humiga.

Haaay~ Palagi nalang si Jaycee ang laman ng isip ko.Paggising sa umaga,sa school,sa pagtulog,gabi't araw siya lang ang tumatakbo sa isipan ko at minsan pagnaalala ko ang mga moments na nangyari sa'min bigla nalang ako napapangiti't kilig.Hindi ko alam pero parang gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.Alam mo yun? Yung tipong nahihirapan ka na sa dinadala mong napakabigat sa pakiramdam parang konti nalang bibigay ka na.Ang hirap kasing itago,gusto ko nang ilabas 'tong nararamdaman ko.Gusto kong gumaan ang pakiramdam ko.

Pero may mga oras na nauunahan ako ng takot.Duwag kasi ako,natatakot akong isabi ang nararamdaman ko sa iba.Hindi kasi ako madaling magtiwala,lahat kinikim-kim ko kaya takot akong isabi ang lahat,takot ako sa mangyayari lalo na't ako na babae ang gagawa ng first move,nakakahiya.

Pero kung ito lang ang magagawa kong paraan para sa ikakasaya ko.

Gagawin ko...

                                                        ***

"-Ito ito ito! Isa pa! If vegetarians eat vegetables, what do humanitarians eat?" tanong ni Raven sa'min.

Nandito kami sa library,tambay lang.Wala kasi yung teacher namin kaya ayun.Ilang beses na din kami napapagalitan ng Librarian dahil sa kagaguhan ni Raven.Ang ingay kasi!

"Hmmm...Omnivore Foods? HAHA!" tawang sabi ni Ela.Hindi naman nakakatawa.

"Wrong!"

"Eh ano?" Tanong ni Ely at Zachary.

"HUMAN FOOD! HAHAHA!" At nagtawanan nga ang dalawang waley queens na sina Raven at Ela.Nakarinig nanaman kami ng tunog ng kung anong pinipindot ng librarian na usually nilalagay sa counter.

"Sshhh! Observe silence!" sita nung librarian habang 'tong sina Raven eh pinipigilang tumawa.Actually,kanina pa akong nakatingin lang sa kanila.Hindi ako nakikijam in.Bakit? Dahil iniisip ko nanaman si Jaycee,habang tumatagal eh parang bumibigat ang nararamdaman ko everytime na nakikita ko siya.Hindi ko na din siya maialis sa aking isipan.Ewan ko ba,in love na nga ata ito.

Honestly to tell you,naiinggit ako kay Trixie.Sa "lovelife" ko kasi walang improvement.Ang huling kwento niya sa'kin eh magM.U na daw sila.Oo,nagkikita kami ni Jaycee,naguusap.He's giving me a care not just a friend but a lover.May pinaparamdam siya sa aking kakaiba parang may meaning.Kaya nahulog ako kaagad sa kanya.

Nakarinig ako ng palakpak sa harap ng mukha dahilan kung bakit nagising ako sa malalim na pagiisip. "Uy,nagpalit ba kayo ng espirito ni Zachary?"

"Oo nga,ba't ikaw nanaman ngayon ang naglakbay ang kaluluwa?"

"Hala! Baka...Baka...Pinasukan siya ng Alien?!" aniya ni Raven at parang baliw na inaalog alog ako at taboy na sabing "Umalis ka na sa katawan ni Gab! Umalis ka!" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at walang imik na inub-ob ang ulo ko sa mesa.

Tumahimik silang lahat,wala ni-isa'y umimik di nagtagal narinig ko ang boses ni Ely na tinawag ako pero mas pinili kong hindi nalang muna makipagusap.Naguguluhan na ako eh,nahihirapan na ako.

The Hardest Thing To DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon