The Lost Olympians: Sin Of The First Woman

285 6 3
                                    

Unti-unti niyang naramdaman ang sakit mula sa balang tumama sa kanyang kalamnan. Masyado itong masakit. Muli niyang tinignan ang lalaking may hawak ng baril at doon niya napagtanto na  mga kamay  ng lalaking ito nanggaling ang balang tatapos o tumatapos na sa kanyang buhay. Sumilay sa labi ng naturang lalaki ang isang kurbang hindi sinasalamin ang kaligayahan o kalungkutan. Isang ngiting tila puno ng pagsisisi. Bakit? Ito ang unang salitang namutawi sa kanyang isipan. Bago pa man siya makahanap ng sagot ay muling kumirot ang sugat mula sa balang tumama. Mas lalong nag-ibayo ang sakit, kirot pati na rin ang pagtulo ng masagang dugo mula dito. Sa bawat pagtulo ng kanyang dugo ay tila kasama nitong hinihigop ang kanyang lakas. Bumabagal na ang kanyang paghinga at pahina na din ng pahina ang tibok ng kanyang puso. Sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman at mga luhang hindi niya na mapigilang umagos ay pilit siyang ngumiti kasabay noon ang pagkawala ng kanyang balanse. Pumikit na lamang siya upang hintaying tumama ang kanyang katawan sa malamig na semento, wala na rin siyang pakialam kung masasaktan man siya. Ngunit sa halip na malamig na semento ang sumalubong sa kanya ay mga bisig kanyang kinabagsakan. Mga bisig ng lalaking bumaril sa kanya. Nakakapagtakang kahit anong gawin niya’y hindi siya makahanap ang galit na dapat sana’y maramdaman niya ngayon. Naisip niyang siguro nga’y ganoon ang pag-ibig. Gamit ang kanyang natitirang lakas ay pinilit niyang magsalita.

“Z-Zeus… M-Mahal k-kita,” pinilit niyang maabot ang pisngi ng lalaki upang nang sa huling pagkakataon ay maramdaman niya ang init na nagmumula sa dito kahit alam niyang konti nalang ay malapit na din siyang maging isang napakalamig na bangkay. Sa huling pagkakataon ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Nakakapagtakang wala man lang siyang maramdamang pagsisisi kahit ang mga kamay ng lalaking mahal nya ang naging dahilan upang matapos ang kanyang buhay. Totoo ngang pilyo ang Diyos ng Pag-ibig na si Eros, pinana niya ang puso ng babaeng ito kahit alam niyang ganito ang kahihinatnan.

Pagkatapos ng ilang sandali ang dilim na pinamalas sa kanyang pagpikit ay unti-unting kinakain ng liwanag. Malapit niya ng masilayan ang mundo sa kabilang buhay. Marahil ay tulad ng ibang yumao’y malalaman niya na din kung totoo nga ba ang Diyos ng mga Romano o baka mapatunayan niyang totoo nga ang mga Diyos at Diyosa ng Olympus, naisip niyang siguro’y hinihintay na siya ng bangkerong si Charon ng Ilog Styx upang ihatid kay Hades.

Kahit ano pa ang totoo sa dalawang nabanggit, sigurado siyang sa kabilang buhay na papatutunguhan niya ay pagbabayaran niya pa din ang isang kasalanang walang katumbas na kapatawaran. Ang kasalanang may karampatang parusa sa mundo man ng mga buhay o patay. Ang mortal na kasalanang kanyang minana. Ito ang kasalanan ng dalagang si Pandora.

The Lost Olympians: Sin Of The First WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon