Long before everything was created, even before the human creation took place. Olympus, the Home of the Gods and Goddesses, stood in all its glory. At the highest peak that overlooks the whole world, they stood there, the Olympians. Zeus, Hera, Poseidon, Aphrodite, Demeter, Hestia, Apollo, Artemis, Hermes, Ares, Athena, at Hephaestus, sila ang labing-dalawang mga Diyos at Diyosang kumakatawan sa Olympus. Sila ang labing-dalawang nagmamay-ari ng mga tronong pumapalibot sa Hearth kung saan mula dito’y pinagmamasdan nila ang mundo. Habang kay Hades naman nila ipinaubaya ang katiwasan sa mundong tanging mga yumao lamang ang nakakasilay. Pinapamahalaan nila ang mga minor gods, deities at pati na ang mga mortal.
Daang taon din ang lumipas, unti-unting nauubos ang mga naniniwala sa kanila, unti-unting naging alamat ang dati nilang reyalidad at hindi nagtagal ay isa-isa silang nanghina. Lumaganap at dumami ang mga tao gayun din ang mga kinikilalang Diyos nito hanggang sa unti-unti nang natatabunan ang mga Olympians. Sa lahat ng Diyos at Diyosa, si Hades lang ang pawang hindi naapektuhan sa hindi rin nila malamang dahilan.
Bago pa man tuluyang mawala ang kanilang mga kapangyarihan ay nagpasya ang mga Olympians at ang ibang pang minor gods at deities na isuko ang kanilang estado at mamuhay bilang mga mortal na tao. Sa tulong ni Hades at dahil na rin sa hiling ng kanyang mga kapatid ay mula sa mga alikabok bumuo siya ng dito ng siyam na pigurang kawangis ng tao tulad ng ginawa ni Prometheus ngunit nakatakda silang mabuhay na kaiba sa nakagawian. Binigyan niya ang siyam na nilalang ng buhay na taliwas sa kanyang pagiging Diyos ng kabilang buhay kung saan niya sinasalubong ang mga yumao. Bawat isa’y may kanya kanyang katangian, ngunit bago niya pakawalan ang nasabing siyam na nilalang ay kanya itong pinangalanan. Ang una’y---
Natigil ako sa pagbabasa ng biglang may nakita akong pumasok dito sa restricted section ng library. Pinatay ko agad ‘yung flash ng cellphone na ginagamit kong pang-ilaw, kung hindi siguradong patay din ako at hindi na ulit makakatapak sa loob ng library na ‘to. Napatigil ako sa balak ko sanang pagtatago ng mapansin kong hindi naman staff ng library ang bagong dating, sa halip ay kapwa ko din ‘tong estudyante sa Academy. Napansin ko kasing wala siyang mala-spotlight na flashlight tulad nila. Nakahinga ako ng maluwag ng makilala ko kung sino ang bagong dating. Sinutsutan ko agad ito pero bigla siyang napatago sa isang shelf.
Bahagya akong napangiti, napagpasyahan kong lapitang siya. “Trace, anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya na ikinabigla niya.
“SHIT! Rish, gusto mo ba akong patayin? Kung saan saan ka nalang sumusulpot,” anas niya saka ako umupo sa tabi niya, hawak hawak ko pa din ‘yung librong binabasa ko kanina.
“So, ano ngang ginagawa mo dito?” pag-uulit ko sa tanong ko.
“The usual, humahanap ng thrill. Nakakainip na kasi,” pacool niyang sabi. “Ikaw ba?”
“Naghahanap ako ng may sense na libro dahil puro cliché na ‘yung nababasa ko sa labas kaya triny ko dito and guess what?” saka ko ipinakita sa kanya ‘yung librong hawak ko. Amoy luma na talaga ang mga pahina nito at parang konting lukot lang magpipirapiraso ito. Hardbound naman at intact pa din ang mga stitches pero ang mas agaw pansin dito ay ‘yung mismong cover na itim tapos ‘yung title embossed siya na nakasulat sa Greek kaya hindi ko mabasa pero ‘yung laman naman niya taglish. Ang weird.
Kinuha niya ito at tinitigan, “The Lost Olympians.”
“Nababasa mo?!” medyo nagulat ako’t napalakas ‘yung tanong ko, tumungo lang siya. “Paano?! Marunong ka bang mag…” ipinalupot niya sa ulo ko ang bisig niya’t tinakpan ‘yung bibig ko. Noon din ay narinig kong mga yabag na papalapit sa amin. Dumasog kami papalapit sa pader at nagsumiksik sa gilid ng makita namin sa tapat ‘yung dalawang staff ng library.
BINABASA MO ANG
The Lost Olympians: Sin Of The First Woman
Historische RomaneWhen immortals came to live as mortals, they left Olympus for a world swarming with the seven deadly sins.