Isang linggo na ding patay si Raynee at may dalawang araw na simula nung ilibing siya dito. Dala ang isang bouquet ng white roses ay tinahak ko ang daan patungo sa puntod niya. Walang gaanong tao ngayon tulad ng inaasahan pero hindi ko inaasahang makikita ko sya sa harap ng puntod ni Raynee. Kahit nakashades pa siya, nakilala ko pa din agad siya.
“Trace,” mahina kong tawag sa kanya. Nagulat naman siya ng makita ako saka niya sinabing umupo ako sa tabi niya. “Bakit ka nandito?” Hindi siya sumagot, instead kinuha niya ‘yung roses na dala ko’t inilagay sa ibabaw ng puntod saka muling bumalik sa pagkakaupo. Hindi pa din siya umimik at diretso pa ding nakatingin, wala talaga siyang balak na sagutin ang tanong ko.
“Hindi ko alam na close pala kayo ni Raynee,” muli kong sabi saka inakap papalapit sa akin ang mga binti ko. Oo, ‘yun ang sa tingin ko. Gabi gabi siyang nasa burol ni Raynee at napansin ko ding malapit siya sa nanay nito. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong meron pero parang nakakahiya naman. Napansin ko din namang hindi unusual ‘yung presence niya dun kasi madami ding nagpunta sa burol ni Raynee na galing sa Academy.
“Can I hug you?” Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at inakap ako. Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko, pinilit ko namang kumawala sa yakap niya. “No. Let’s stay like this,” lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya.
“May mali ba akong sinabi?” nag-aalala kong tanong sa kanya pero umiling lang siya.
“Let me tell you a story, Rish,” huminga muna siya ng malalim. “There’s a man whom married a woman, but that man lead an unhappy life.”
“T-Trace?”
He hushed, “Alam niyang hindi siya magiging masaya pero kahit ganoon ay pinakasalan niya pa rin ‘yung babae. And just as expected nagkaroon siya ng iba’t ibang affair sa iba’t iba ding babae. Until that man met the woman destined for him. Destiny, my ass.” Pabulong niya lang sinabi ang huling tatlong salita, “Damn that destiny, he loved that woman with all his heart at nagbunga ang makasalanang pagmamahal nila na ‘yun.”
Niluwagan niya ang pagkakayakap niya at saka ako tinignan ng mata sa mata, “At ako. Ako ang naging bunga ng pagmamahal nila na ‘yun.”
“Pero bago pa ako ipanganak, he died. My mom, after learning my father’s death, she committed suicide and leaving her son, an orphan at a young age,” pagpapatuloy niya.
“Then, Raynee was your sister…” Wala sa loob kong sinabi.
“Half-sister,” he assured. “Walang gustong tumanggap sa akin kaya iniwan nila ako sa ampunan, but after 10 years bumalik sila. No. Scratch that. Bumalik ‘yung nagpakilalang servant mula sa father side ko, in-adopt niya ako at doon ko nakilala si Raynee. Her mom died, seconds after she gave birth to her.”
“Pero hindi ba’t si Tita, siya ‘yung nanay ni Raynee? Close na close sila and…” Saglit akong napaisip, “…and never kitang nakita sa bahay nila.” Hindi ko naalam kung ano ang susunod kong sasabihin, naguguluhan ako. Bakit itinago sa’kin ‘to ni Raynee?
“You met Raynee, 3 years ago. At that time, 14 years old ako nung sabihin kong gusto kong maging independent. A 14-year-old kid wants to be independent, pinagtawanan ako ng legal wife niya pero in the end ibinigay niya din ang gusto ko. Kaming dalawa lang ni Raynee ang anak sa labas but despite that fact na produkto kami ng panloloko sa kanya ng asawa niya ay hindi naman siya nagkulang sa financial support sa’min kahit alam kong kinasusuklaman niya kami,” pilit siyang ngumiti sa ‘kin. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam na ganito pala siya kalungkot.
BINABASA MO ANG
The Lost Olympians: Sin Of The First Woman
Historical FictionWhen immortals came to live as mortals, they left Olympus for a world swarming with the seven deadly sins.