ACT 2: Lust, the Desirable

59 4 1
                                    

Sa mahigit na isang oras na paghihintay ng dalaga ay ito ang unang beses na makarinig siya ng yabag. Nakaramdam siya ng konting tuwa dahil tapos na ang kanyang paghihintay pero mas nanaig ang kanyang takot siya sa maaaring mangyari. Papalapit ito ng papalapit hanggang sa huminto sa tapat ng nag-iisang pintuan ng kwartong iyon. Matagal niya ng inihanda ang sarili sa ganito pagkakataon pero hindi niya pa rin maiwasang matakot. Sa pagbubukas ng pinto ay iniluwa nito ang presensiya ng isang taong hindi niya inakalang na nasa likod ng sulat na ipinadala sa kanya. Napangiti siya, tama nga ang kanyang sinabi. Walang siyang dapat ibang pagkatiwalaan bukod sa sarili niya at kay Pandora.

Pumalakpak ang bagong dating, “So, you really came Raynee.” Huminto ang ito at humakbang papalapit sa dalaga bago ulit magsalita, “Oh, let’s drop that false name. Should I call you by your real name? Lust, the Desirable…”

Ngumisi ito na taliwas sa personalidad na ipinapakita niya sa personalidad. Naisip ng dalagang lumabas din ang tunay na kulay nito, “Will that give me the right to call you, The Almighty Zeus?”

Humalakhak muli ang bagong dating, “Suit yourself sweetie. Alam mo bang nahirapan ako sa paghahanap sa inyo tapos all this time kasama ka pala nila? Lalo na’t hindi nyo ginagamit ang mga tunay niyong pangalan.” Dahan-dahang kinapa ng dalaga ang baril na nakatago sa likod niya, sadya niyang dinala ito upang kahit papaano ay magawa niyang protektahan ang sarili. “But, my hard work paid off. Alam ko naman na kung nasaan ang iba mo pang kasama.” Pilit niyang itinago ang pagkagulat, “The problem is, hindi ko mahanap kung nasaan siya.”Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Ang gulat kanina’y napalitan ng isang hindi mapigilang ngiti, naisip niyang ligtas pa din ito. “Now, tell me my dear Lust. Where the hell is Pandora?”

“Well, she’s in a safe place,” ngumiti ang bagong dating. “Away from you, asshole!” Saka inilabas ng dalaga ang dala niyang baril at nagwarning shot na dumaplis sa buhok ng kaharap nito. Nanatiling kalmado ang bagong dating at hinipa naman ng dalaga ang umuusok na dulo ng baril. “Sorry, my Lord. Although, you were once the chief God I only respond to the questions and orders of my creator.”

“Then let’s see how far you can go, I don’t want to hurt you but you left me no choice,” nanaig ulit ang takot sa dalaga ng maglabas din ito ng baril at itinutok sa kanya. Wala pang isang metro ang layo nila sa isa’t isa at alam niyang hindi lang warning shot ang kanya nitong gawin sa kanya. At tama nga siya, walang ano-ano’y ipinutok nito ang hawak na baril at tinamaan siya sa balikat. Dugo. Tumulo ang masaganang dugo mula sa tinamo niyang sugat pero pinilit niyang maging matatag at nanatiling nakatayo. Hindi niya pwedeng biguin si Hades, humigpit ang hawak niya sa baril at ininda ang sakit na nararamdaman. Ikinasa ulit ng bagong dating ang kanyang baril kaya’t ganun din ang kanyang ginawa, “Ngayon, alam mo na ang kaya akong gawin. Uulitin ko, where the hell is that Pandora?”

Ngumiti ang dalaga at itinutok ulit niya ang hawak niyang baril sa katapat “I’m afraid you have to find it out by yourself and with all due respect you’re not Hades kaya kahit anong gawin mo hindi ko pa rin sasabihin sa’yo.” Pikit mata niyang kinalabit ang gatilyo umaasang sana sa pagdilat niya’y isa na itong malamig na bangkay.

Pagdilat niya’y hindi nangyari ‘iyon kaya’t kaylangan niya ng isagawa ang plano at huling plano katulad ng napagkasunduan nilang lahat, “So, hindi mo talaga sasabihin sa akin?”

Biglang naging malumay ang bagong dating at tumingin sa kanya, ikinasa niya ulit ang baril na hawak. “I can’t,” hinigpitan niya ang hawak sa baril at itinutok sa sariling sintido. Nanatili namang kalmado ang kaharap niya kaya’t ngumiti ulit siya sa huling pagkakataon, “My death will serve as an admonition to all of them and trust me, Hades and the embodiments will never let you find Pandora.” Muli ay pikit-mata niyang kinalabit ang gatilyo. Agad niyang naramdaman ang sakit pati ang kirot sa pag-agos nang dugo. Nagampanan na niya ang kanyang tungkulin.

The Lost Olympians: Sin Of The First WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon