Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa isang kwarto. Ang kwartong nasa pinakadulong bahagi ng library, tamang-tama para isagawa niya ang balak. Alam niya din kasing wala ng nakakaalala sa kwarto na ito dahil maging siya ay nagulat noong madiskubre ang naturang kwarto na nakaugnay sa restricted section.
Napangiti siya, alam niyang nandito na ang pakay niya. Kahit alam niyang imposible ang ideyang naisip ay isinugal niya pa rin ang tsansa na maaaring alam na niya kung nasaan ang kanyang hinahanap. Bago pumasok ay inihanda niya ang patalim na itinago niya. Gawa ito sa porselana dahil mahihirapan siya magpasok ng baril o kahit anong pwedeng magpaalarma sa metal detector ng guard dito sa library.
“Rejoice, Fire Thief!” Magiliw na pagbati ni Zeus dito kaya agad niyang nakuha ang atensiyon ng lalaking nadatnan niya sa kwarto.
“How may I help you, Zeus?” Naiinip na sabi nito, habang nakasandal sa pader at hawak sa isang kamay ang sulat na natanggap niya kagabi.
Tulad pa din ng dati ay hindi niya pa rin ito kayang pasunurin sa kanya kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, “Prometheus, do you know where is Pandora?”
Imbes na sumagot ay tumawa lang ito, “Bakit sa tingin mo ba sasabihin ko sa’yo? Bitch, please!”
Ginantihan niya naman ito ng isang ngiti saka niya inilabas ang patalim na kaninang-kanina niya pa gusting isaksak sa kaharap. Mukhang nagkamali nga siya dito, napailing-iling siya. “Gusto mo ba munang makipaglaro bago magsalita?”
Ang ngiti ay naging pagngisi, humakbang siya papalapit sa binatang tinawag niyang Prometheus. Ni hindi man lang bakas sa mukha ng huli ang pagkabigla o kahit takot dahil alam niya ng ganito ang mangyayari sa oras na makita niya ang sulat na may kidlat sa kanyang kwarto.
Patuloy sa paghakbang si Zeus hanggang sa napakalapit na nila sa isa’t isa. Nagsukatan ng tingin ang dalawa at inilahad ni Prometheus ang kanyang mga kamay na parang hinahamon na saksakin na siya nito. Kaya’t ganoon nga ang ginawa ni Zeus, inundayan niya ito ng saksak sa may tiyan. Umagos mula doon ang dugo.
Napangiti lang si Prometheus sa ginawa ni Zeus, ngunit nanatili pa rin siyang kalmado dahil balewala lang sa kanya ang sakit na nagmumula dito. Hindi niya maikukumpara ang sakit na ito sa naramdaman niya noong pinarusahan siya dahil sa pagnanakaw niya ng apoy pero kahit kaylan ay hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang ‘iyon.
“Ito lang ba? Ito lang ba, Zeus?!” pagsigaw niya dito. Alam niyang naiinis na si Zeus, kaya’t pumikit siya upang hintayin ang pagtama ng patalim sa kanyang katawan. Isa… Dalawa… Tatlo… Apat… Lima... Anim na mga saksak hanggang sa hindi na niya mabilang ang mga sumunod dito. Nakangiti lang siya noong mga oras na iyon at naging musika sa kanyang pandinig ang palahaw na nanggagaling kay Zeus. Kung hindi lang, ganito ang sitwasyon ay marahil matatawa siya dahil siya ang dapat na sumisigaw at hindi si Zeus.
Saglit na itinigil ni Zeus ang pagsaksak kaya’t nagkaroon siya ng pagkakataong magsalita, “Zeus… Hindi bagay sa ‘yo ang pangalan na iyan,” muli ay nakita niyang nagsiklab ang galit sa mga mata nito. Bago pa siya nito muling saksakin ay pinigilan niya gamit ang kanyang natitirang lakas, “Huling hirit, alam mo bang hindi ko alam kung nasaan si Pandora?” pagsisinungaling niya rito. Noon din ay muli niyang naramadaman ang parang walang katapusan na pagsaksak ni Zeus.
Malabo na ang patingin niya ngunit naaaninaw pa rin niya ang itsura nitong tila nanggigigil pa din kahit halos lumabas na ang lamang-loob niya. Kita niya ang mga dugong tumatalsik sa buong kwarto. Tumigil sa pagsaksak si Zeus nang sa tingin niya ay naghihingalo na si Prometheus kaya’t pinunasan niya patalim saka umalis at tinahak ang daang alam niyang walang makakakita sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Lost Olympians: Sin Of The First Woman
Narrativa StoricaWhen immortals came to live as mortals, they left Olympus for a world swarming with the seven deadly sins.