A/N: Maglalagay ako ng Author’s Note kahit ilan lang ang nagbabasa. Ok. LATE UPDATE. Pasensya na po. Hihi. Alam ko na pakiramdam ng sobrang busy na authors. Haaaaaayssss.. Hindi naman ako busy eh.. Pagod lang lagi from school. Tapos nawalan pa kami ng net for almost two weeks kaya sorry. T______________T
--- -- -- - -- -- -- -- - -- -- -- --
Magsisimula tayo dun sa part kung saan lumabas si Kyle ng library at nakita nya si Patrisha..
>KYLE’S POV<
Wala naman talaga akong pakealam sa mga babae eh. And yes nagkaron ako ng pagka-rami raming crush dati.. Pero hindi naman ako nagiging apektado eh.. Kay Patrisha lang ako naging apektado..
Ewan kung bakit.. Pero nung nakita ko silang magkayakap, tumalikod nalang ako bigla.. Hindi ko alam kung nabigla lang ako.. Oh sadyang di ko kayang makita sila nang ganon..
Sa kabila nalang ako dumaan and I tried to be as silent as possible para hindi nila ako mapansin.. Pero habang naglalakad ako di ko maiwasang ma-depress at sumimangot..
“Uyy Pre! Anong problema mo?” sabi ng isang lalaki tapos umakbay sakin..
Tumingala ako at nakita ko si Seven..
“Wala Pre.. Gutom lang..” sabi ko.. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako nagkakaganto..
“Weh? HAHA! Tara sa canteen. Maghahanap ako ng bagong biktima..” sabi ni Seven.. Babaero kasi tong si Seven eh.. Alam nyo na siguro ibig sabihin nung biktima diba?
BINABASA MO ANG
Reading my CRUSH's DIARY. ♥ [COMPLETED]
HumorNabasa mo ang DIARY ng crush mo. Gusto ka nya. O ano nang mangyayari ngayon? PROPERTY OF: DontBelieveMe