>KYLE'S DIARY<
Ang sakit ng ulo ko.. Tsk. hangover nanaman.. Aynako..
Opo, hangover.. Nag-inom ako kagabi.. Problem? Tsk. Nakita ko na nga kasi silang magkayakap, tapos nakita ko din silang magkasabay mag-lunch. Tapos nung niyayaya ko sya na ihahatid ko na sya ang sinabi nya sakin inaantay nya si Renz? Argh!! >____________<
Ayoko. Di muna ako papasok. Ayus lang na Idle muna ako sa school ngayon.. Magpa-Pasko kasi.. Maraming activities ang clubs eh.. Which means nasakanila ang atensyon ng teachers. Kaya wala masyadong klase..
Basta di muna ako papasok.. Masakit masyado ang ulo ko. Susubukan ko nalang mamayang hapon..
>PATRISHA'S DIARY<
Binalik ko na kay Renz yung diary..
Ang aga aga eh may gerahan dito sa school namin!!!!! Oo gerahan.. ginegera ko si RENZ.. Kahit hindi nya alam kung bakit gegerahin ko sya.. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!
"Araay!! Ano ba?! Ano bang ginawa ko sa'yo?!" -Renz
"Wala." -Ako
"Wala pala eh. Eh ba't mo ko kinukurot?!" -Renz
"Ehh.. BASTAAAAAA!!!!!" -Ako
"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!!!!" sabay pa kaming napasigaw ni Renz..
"ORDIZANO!" sigaw nung isang teacher..
"Ma'am?" -Ako
"Wag mong kurutin ng kurutin si Mr. Nuestra!" -Teacher
"Pero Ma'am-- "-Ako
"Ano po kasi.. Ano.." Ano nga ba? T_____________T
"Ano? Wala? Then stop it! Ang ingay mo!" -Teacher
"Eh Ma'am bakit ako lang? Nasigaw din po sya ah!" -Ako
Natigilan yung teacher.. Napaka-biased kasi! Nasabi ko na ba sa inyo na sa sobrang kagwapuhan nitong si Renz eh mpati teacher nalalaglag ang panty pag nakikita sya? Well, ako hindi tinatablan ng karisma nya. =____________________=
"One more word and you'll meet me in the guidance office!" -Teacher
"But--" -Ako
"No." -Teacher
"Ma'am wag nyo na pong pagalitan si Sharee..." sabi ni Renz dun sa masungit na teacher sabay kindat..
Eto naman kireng teacher na to biglang bag-blush.. Aba! Ang kire!!
BINABASA MO ANG
Reading my CRUSH's DIARY. ♥ [COMPLETED]
HumorNabasa mo ang DIARY ng crush mo. Gusto ka nya. O ano nang mangyayari ngayon? PROPERTY OF: DontBelieveMe