1

8 0 0
                                    

"Pau, mauna nako sayo. Ikaw ng bahala diyan. E che-check ko pa ang coffee shop." habang naka tayo sa pinto ng kwarto ni Paula. Natulog kasi siya dito kagabi

"Ha? anong oras na ba?" tiningnan ang orasan  "eh alas 4 palang ah"

"Yon na nga eh, baka kung anu-ano na lang ang ginagawa ng mga tauhan don, baka natutulog lang yong mga yon"

"Ang OA mo naman, wala ka bang tiwala sa mga tauhan mo?"

"Mas mabuti na yong nakakasiguro. Oh, sige na, alam kung inaantok ka pa. Aalis na ko, at kapag uuwi ka na, siguraduhin mong naka lock ang pinto okay?" Sabay lakad palabas

"Ipag patuloy mo yang pagka industrious mo nang maging OLD MAID ka" pahabol ni paula habang naglalakad ako palabas ng bahay.

 Habang papalapit na ako sa coffee shop, napansin ko mula sa labas ng glass wall ang babae at lalake kong empleyado na nag haharutan. Anak ng, Ang landi nga naman. May pahalik halik pa sa pisngi. Pasukin ko kaya.

"Dapat ko sigurong epa emphasize na isa itong coffee shop. Dapat sigurong mas palakihan ko pa ang mga letra nang malaman niyo na HINDI ITO MOTEL"

"naku si ma'am" "anong gagawin natin" "ikaw kasibulong-bulongan ng mga empleyado na halatang halatang pinag papawisan sa takot

 "So?" tanong ko sa kanila?

Bigla nilang itinulak ang dalawa pa harap

Agad na lumuhod ang dalawa at "Ma'am sorry po, hindi na namin uulitin" "Gagawin po namin lahat ng ipapagawa niyo mam. Hinding hindi na po talaga namin uulitin mam" halatang nanginginig at may pa-iyak-iyak pa

"Hmm..." ngumiti ako habang pinapatayo ang dalawa... "Alam niyo, huwag niyo nang sayangin ang lakas ninyo. At ayoko na ring sayangin ang lakas ko para ipa mukha sa inyo na TALAGANG HINDI NA YAN MAUULIT CAUZ YOU BOTH ARE FIRED" naiinis na sigaw ko sa dalawa, pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa opisina ko.

"Ma'am sorry po talaga, hindi na po namin uulitin" sabi ng lalaki na sumusunod sa akin "Ma'am  may sakit po ang lola ko, kailangan niya po ng pambili ng gamotsabi naman ng babae

huminto ako at lumingon sa kanila "Sana ay inisip niyo muna yan bago kayo nagharutan sa loob ng coffee shop konaiinis na sabi ko sa kanila

"Pero ma'am--- " hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita

"Guards" at nagpa tuloy ako ng paglalakad

Terror? Yan ang palaging sinasabi sa akin ni Paula. But no! I insist, hindi po naman. May sense din naman ang ugali ko. Actually, pinili ko talagang maging ganito. Dito kasi sa ugaling to humantong ang buhay ko, at naniniwala kasi ako na lahat ng mga bagay ay may rason. Kaya para sa akin, lahat ng mga nangyari sa buhay ko, no matter how good or bad they went, ay iisa lang ang point o rason, at yon ay ang matutunan ko ang ugaling to. Made sense! Actually, hindi ko natutunan ang ugaling to, I was molded by my life to be like this. Kaya alam ko kung bakit at paano ako naging ganito. Oh, diba, may point naman ako. At kailangan ko ring matutong buhayin ang sarili ko. Kaya dapat matapang ako. Oo, yes, yun lang yon. Kailangan ko lang maging matapang at handa para sa mga bagay na maaaring bumungad sa akin. Dahil alam ko na ang mga trahedya at mga problema ay hindi nagpapaalam bago bumangga. Totoo yon. Let's say, charged to experience. Yes, and they say that there's not a better teacher than experience, and that's true. Kasi, my teacher has taught me well. It made me become the person that I should be... and it is me, Elly Song.

A Once Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon