Kinabukasan ay nag uwian na ang mga relatives ko. Hanggang sa bahay ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga nangyari. Kaya sinubsub ko nalang sa trabaho ang sarili ko. Hayyy!!! nababaliw na ata ako. paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi niya. Ikalawang araw na mula nong makabalik ako mula sa reunion. Hindi pa ako nakakatulog. Hindi na nga ako naka uwi mula nong nag overtime ako kagabi. Nandito pa rin ako sa opisina dito sa coffee shop.
(tok tok tok) Biglang may kumatok.
"Pasok." Sabi ko.
"Elly."
Tiningnan ko. Nakita ko si "Max?..." Paano niya ba ako nahanap? "Anong ginagawa mo dito?... at... Paano mo nalamang nandito ako?"
"Si Paula... hindi Sila lumipat. Kaya madali ko siyang nahanap." Sagot niya.
"Bakit niya naman i---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"Huwag kang magagalit sa kanya. Hindi niya sana sasabihin kong nasaan ka. Pero sinabi ko kung ano ang mahalagang bagay na kailangan ko." Isinara niya ang pinto at umupo as harap ng table ko. "Elly I'm getting married."
Tama ba ang narinig ko. Mas lalo akong nalilito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko.
"Ano ngayon?" Buong tapang kong sagot. Ngayon, mas lalo kong hindi alam kung ano ang ginawa ko. Parang hindi ko alam kung ano bang pinagsasabi o kung tama pa ba ang mga ginagawa ko.
"Elly, Mahal mo pa ba ako?"
"Hindi ka bobo Max para hindi mo pa rin makuha ang sagot."
"Hindi eh. Alam kong meron pa rin eh." Sabi niya. "Tumingin ka sa mga mata ko habang sinasabi mo ang gusto mong sabihin."
Tumingin ako sa kanya at "Kailangan ko pa ba talagang ipa mukha sayo ang katangahan mo?" sabi ko "at ikakasal ka na." I added.
"My fiancé, the friend that I was telling you about in Boracay, knows everything about us. Para lang din siyang ako. Nagpapakatotoo lang siya as sarili niya. Sinusunod lang niya ang puso niya. Kaya niyang isakripisyo lahat para lang sumaya ang taong mahal niya. Alam niya nga na nandito ako. Alam niya kung gaano kita ka mahal. Willing siyang gawin lahat just to make me happy. Para lang ding ako sayo. I will do everything just to make you happy. I will respect your decision, just to make you happy. If you say yes, I will be very happy to have you back. But if you say no, I will be very lucky to marry a very nice girl." sabi niya at pagkatapos ay tumayo na siya.
"I know there's still something. I'll still wait for your answer until..." He paused at may inilagay siyang card sa mesa ko. "then." He added.
Bigla akong natulala. Hindi ko na namalayang umalis na pala siya. Hindi ko na alam. Nababaliw na ba ako? Bigla nalang nagumpisang tumulo ang mga luha ko. Ano na bang nangyayari as akin? Bakit di ko makontrol ang sarili ko?
BINABASA MO ANG
A Once Forbidden Love
RomanceThis is just but a crappy story that I once wrote in my jeje days haha. I found it just recently and thought that I should probably post it so people could agree when I say that this is quite a cringe fest and that we often grow realizing how silly...