3

2 0 0
                                    

"Family reunion?" tanong ko sa mama ko habang nagmamaneho ng sasakyan galing sa airport papuntang bahay. Kaka-sundo ko lang sa kanya. Galing siya sa New York. Isa kasi siyang fashion designer don at nagpapatakbo sa isang maliit na boutique 

"Kaya nga ako umuwi diba. Bakit ba hindi ka nainformed? Buti pa ang mga tiga ibang bansa" sabi ni mama. 

"Kailan ba yan?"

"Sa susunod na araw. Sa Boracay!" na talagang na e-excite pa sa tono ng pananalita niya

"Ha? Naku, hindi ako pwede"

biglang tumingin sa akin ng masama si mama "Kailangan mong pumunta. Most of our relatives are expecting you. Kung anu-ano pa naman ang mga pagmamalaki ko sa FB, Twitter, at IG"

"Eh, hindi ko po pwedeng iwan yong coffee shop, at hindi ko pa natatapos yong mga trabaho kopaliwanag ko sa kanya

"Kailangan mong pumunta!" pabagsak niyang pahayag na halatang nagagalit

ano ba tong si mama, naninindak, kailangan pa talaga akong takutin "Okay, gagawan ko nalang ng paraan. Tatapusin ko nalang kaagad yong mga trabaho ko" sabi ko sa kanya para tumigil na siya sa pangungulit niya

"Then that's good" biglang gumanda ang mood niya

"But hindi pa ako sigurado kong matatapos ko agad ang mga yon. Andami ko pa kasi---"

Nakatitig siya sa akin na para bang any time eh pwede siyang umatake

"Okay, matatapos ko yon promise, cross my heart, family die" nanginginig kong sagot sa kanya

"Very Good" agad namang nag abot tenga ang ngiti niya

Ano ba tong si mama, bipolar much, pa-iba-iba ang mood. Ganyan nga siguro pag tumatanda na. "Kung tumatanda nga naman" mahina kong pahayag

bigla siyang tumingin sa akin "What did you say?"

naku lagot na, mukhang narinig niya yong sinabi ko "Ah... ah... ah, ang ibig kong sabihin eh... ah, hahaha nandito na tayo. Yan ang bahay ko ma. Maganda no. Malapit lang dito yong coffee shop ko. Diba gusto mong pumunta don. Okay bumaba na tayo at ipapakita ko sayo yong coffee shop ko mamaya ma, Hahaha" muntik na ko don ah. Buti nalang malabo ang pandinig niya

A Once Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon