Umuwi na ako pagkatapos ng usapan namin ni Max sa opisina ng coffee shop. Mas lalo pang hindi gumana ang paglulublob ko sa sarili ko sa trabaho, dahil hindi mawala-wala sa isip ko ang lahat, lalo pa't nagpunta don si Max. Kaya naisipan kong umuwi.
Heto... Buong araw na naka lublub sa kama. Hindi ko pa rin alam kung ano nang mga ginagawa ko. Kung anu-ano nang mga sinubukan ko para makalimutan ko lang ang lahat, pero hindi pa rin gumagana, at hindi ko rin alam kung tama pa ba ang mga ginagawa ko. Bakit ba ganito? Galit ako sa kanya, alam ko, pero hindi ako sigurado.
"Elly, hindi mo ba tiningnan ang ref?" Sabi ni mama na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.
"Hindi pa ako nagugutom ma." sagot ko habang nakahiga at nakapulupot sa comforter ng kama.
"Nagkakaganyan ka ba dahil sa kanya?" Biglang sabi ni mama.
Biglang nag init ang tenga ko. "Ho?"
Hinila ako ni mama mula sa kama at kinaladkad papuntang kusina. Pina upo niya ako at inilagay niya ang cookies and cream na ice cream na halatang hindi pa nabubuksan.
"Ma ano to?"
"Hindi pa ba halata? Pumunta dito si Max kanina."
"Ho?"
"Hindi kita sinabihan dahil galit pa ako kay Max. But, he explained everything... and..." Umupo si mama sa tabi ko.
"I have... something to confess... Nung sumama ka sa akin sa Newyork, hinanap ka niya."
"Ma, anong pinagsasabi niyo?" Nagtatakang kong tanong.
"Tinaboy ko lang siya. Hindi ko sinabi sayo. Sorry anak."
Wait... What's this? Bakit parang feeling ko, naaawa ako kay Max?
"Wala siyang kasalanan. Mabuting tao si Max. Mahal na mahal ka niya. Naaawa nga ako sa kanya eh. Nawalan na siya ng ama, iniwan pa siya ng walang hiya niyang ina, at... linayo pa kita sa kanya."
Hinawakan ni mama ang kamay at pisngi ko. "Elly, I want you to go to him."
"Ma what are you saying?" Tanong ko.
Biglang nag-iba ang expression ni mama.
BINABASA MO ANG
A Once Forbidden Love
RomanceThis is just but a crappy story that I once wrote in my jeje days haha. I found it just recently and thought that I should probably post it so people could agree when I say that this is quite a cringe fest and that we often grow realizing how silly...