Naglalakad kami ni Paula sa hardin ng coffee shop. May dala siyang DSLR camera. Kinikunan niya ng mga litrato ang mga bulaklak.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya
"di ba obvious?" pilosopo niyang tanong
"Oo nga, pero para saan yang mga kinukuha mo?"
bigla siyang ngumiti na para bang kinikilig "Mag wa-one year na kami ni Acey. Nangungulekta ako ng mga letrato na ako mismo ang kumukuha para sa collage na gagawin ko"
"Talaga, One year na kayo?" walang gana kong sagot
"Ako nga rin eh hindi maka paniwala. Noon Crush ko lang ang isang Acey Valdez, pero ngayon, mag wa-one year na kami" kinikilig niyang pahayag
"Pero teka, Hindi ba photographer naman si Acey, eh bakit hindi mo ipa gawa sa kanya yan?"
biglang nag-iba ang tingin niya sa akin "Grabe ka naman El. Hindi mo ba ma gets? Eto nga yong surprise ko sa kanya diba?"
"Sorry ha kung hindi kita ma gets, pero kailangan ba talaga ng mga pa surprise-surprise na yan?" pilosopo kong sagot sa kanya
"Siempre naman importante yon no" naiinis niyang pahayag "Alam mo ikaw, parati mo nalang linuloko yang sarili mo. Alam mo El, Hindi lahat ng lalaki ay katulad ni--- "
"Hmm... Alam mo, ilang beses mo na akong kinukulit sa bagay na yan eh. Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo na HINDI-KO-KAILANGANG-SAYANGIN-ANG-ORAS-KO-SA-MGA-YAN" naiinis na sagot ko sa kanya
"Alam mo El, you will miss half of your life, kung yan lang ang parati mong sasabihin"
"And I will waist half of my life kung susundin ko ang mga sinasabi mo. Marami pa akong pangarap diba, and this is only for my future"
"Okay, fine. Kabisado ko na ang mga susunod na mangyayari. Alam ko namang hindi ka talaga makikinig sa akin eh. Okay na tong mga shots ko. Sige El, aalis na ko. Naghihintay pa si Acey sakin. Bye" Pagkatapos ay umalis na si Paula na halatang na inis sa usapan namin.
Hindi ko alam. Alam kung madalas kong nabubwesit si Paula, lalo pa't
hindi magkatugma-tugma ang mga utak namin, pero hindi niya pa rin ako iniiwan, parati parin siyang nandiyan, kinukulit niya pa rin ako at kaibigan ko pa rin siya since elementary. Siguro, naaawa lang si Paula sa kondisyon ko, dahil alam niyang wala akong ibang kaibigan at hindi ko kasama ang magulang ko. Oo, kasi, nasa New York at nagtatrabaho bilang isang fashion designer ang mama ko, at siya lang ang nagiisa kong magulang. Kaya thankful na rin ako kay Paula.
BINABASA MO ANG
A Once Forbidden Love
RomanceThis is just but a crappy story that I once wrote in my jeje days haha. I found it just recently and thought that I should probably post it so people could agree when I say that this is quite a cringe fest and that we often grow realizing how silly...