kakarating lang namin dito sa Boracay. Marami na rin akong mga nakahalubilong mga relatives. Ilang oras na rin aking naging plastic. Kung alam lang sana nilang one of my most hated things ay ang sitwasyong maraming dalang ingay. Hindi naman kaysa silent type ako. Marunong din naman akong makipag halubilo. But I just want to keep things calm and at ease. ayuko lang talaga sa mga bothersome na mga bagay. like, I just hate every single thing na maikukunsiderang nakakainis at Hindi calm and at ease, dahil ayuko na, cause I've had enough.
Hayyy naku... Baka san pa mapunta tong mga thoughts na to. gusto ko many magpahinga. Gusto ko nang pumunta sa isang mapayapang lugar. Kung anu-ano kasi ang mga naaalala ko tuwing nakaka kita o nakakarinig ako ng ingay at gulo. Napupunta ako sa ala-ala ng pinakamagulong parte ng buhay ko...
Ayoko ko munang mag-isip. Kaya ito, nandito muna ako sa gilid ng baybayin...
Naglalakad ako habang hinahayaang maabot ng maliliit na hampas ng dagat ang paa ko. Binitbit ko ang tsinelas ko. Mas gusto ko ang pakiramdam ng inaabot-abot ako ng hampas ng dagat. Para bang ako'y kinakalabit nito. Para na rin akong may kasama habang naglalakad.
"ARAY!!!" anak nang... natinik ang paa ko. Naku malayo-layo pa naman yong tinutuluyan ko. inangat ko ang paa ko upang sana'y bunutin yong tinik nang "aaAhHh!!!" bakit ba kasi ang malas malas ko today. Na tinik na nga ako, na outbalanced pa. Arghhh!!! kung minamalas nga naman. Ano pa bang susunod na kamalasan ang mangyayari?
"You okay?" Lumingon ako para tingnan kung sino ang naka hawak as beywang at likod ko at akma akong pinapatayo.
No. Hindi ito totoo. naghahallucinate lang ako. Resulta lang siguro ito ng mga pinagiisip ko kanina. Dahil lang siguro ito as pag-alala ko sa trahedyang yon na kahit si Max eh parang nakikita ko na rin.
I shook my head tapos tiningnan ko siya ulit. Wait bakit hindi siya nawawala?
"Tumayo ka na." Sabi niya sabay pa angat as akin upang makatayo.
"Max?" tanong ko na hindi pa rin makapaniwala.
"Halika. Punta tayo sa clinic nang magamot yang paa mo." agad kinuha niya ang braso ko at... Oh My akala ko aakayin niya lang ako.
"Max ibaba mo ko." Sabi ko.
"Bakit? Kaya mo bang maglakad?" Sabi niya na may parang nagagalit na tono.
Hindi ako makasagot. May kakaiba sa akin. Nahihirapan akong makakibo. Hindi matanggal-tanggal ang mga mata ko sa kanya. Parang alam ko na binubuhat niya ako na parang hindi ko alam. Parang gusto kong bumaba na parang ayuko. Hindi ko maintindihan. Para akong tulog na gising. Natauhan nalang ako nang naramdaman kong ibinababa niya ako at ipinapa-upo sa isang stretcher. Kahit nang ginagamot na ng isang nurse ang paa ko, hindi pa rin ako maka-kibo.
Pagkalabas namin sa clinic ay ipiniupo ako ni Max sa isang bench na naka pwestong nakaharap sa dagat. Iniwan niya ako sandali at pagbalik niya ay may dala na siyang cookies and cream na ice cream. Hindi ko alam, pero hindi ko mapigilan ang mga luhang unti-unting lumalabas mula sa aking mga mata. Ito kasi yong...
"Alam kong paburito mo yan." Sabi niya sabay lagay sa ice cream as kamay ko.
"Dati rati, whenever you don't feel well or whenever you're sad, yan lang ang hinahanap mo, and instantly unti-unti ka nang nagiging okay." Dagdag pa ni Max.

BINABASA MO ANG
A Once Forbidden Love
RomantizmThis is just but a crappy story that I once wrote in my jeje days haha. I found it just recently and thought that I should probably post it so people could agree when I say that this is quite a cringe fest and that we often grow realizing how silly...