Chapter I: NEW LIFE

94 0 0
                                    

Tok…tok…

“Nandito na tayo baby!”

Pupungay pungay pa ang mata ni Zia habang nakikita niyang kumakatok ang Ama niya sa bintana ng kotse. 

“Nandito na tayo.”

Excited na bumaba siya sa sasakyan nila at tatalon talon pa siya habang pinagmamasdan siya ng kanyang Ama.

“Wow Daddy ang ganda ng bagong house  natin!” nilibot niya ang kanyang  paningin sa bagong bahay nila. May 2nd floor ito at kulay puti at ang kinatuwa niya ay ang bagong garden nila. Unang napansin niya ay ang maliit na puno ng buko na hulatang bagong tanim pa lamang.

"Daddy....ang ganda naman po ng punong yun." tinuro pa niya ang maliit na puno ng buko.

 Unti unting nilapitan ito ng Daddy niya..

"Buti napansin mo ito anak..ito talaga ang pinakahighlight ng garden natin. Sabi kasi nila baby ang puno ng buko ay ang pinakamatayog na puno sa lahat ng puno. Minsan malapit ng bumigay dahil sa kalamidad pero tatayot tatayo parin ito dahil matatag ang punong ito. Parang buhay lang natin to baby, minsan puno ng kalungkutan pero kinakailangan parin natin tumayo at ipagpatuloy ang buhay"

"Don't worry dad hinding hindi ko po kalilimutang diligin itong baby coconut natin. Titiyakin ko pong lalaki ito sinlaki ng mga building!" giliw na giliw pa niyang sabi sa daddy niya.

"Sige ba..Daddy will help."

Niyakap pa niya ang daddy niya. 

"I'm happy po para sa new house, new tree at sa new life natin."

“I’m happy that you’re happy baby. Paano pa kaya pagnakita mo na ang kwarto mo?”-Dad

Sila nalang dalawa ng kanyang daddy dahil pumanaw na ang kayang Mama noong 8 years old pa lang siya. Namatay ito sa car accident habang sinusundo siya sa school niya. Noong nawala ang mama niya parang ayaw na niya pumasok sa school dahil baka dumating nalang ang araw na pati ang daddy niya ay mawala na rin. Kahit super lungkot ng daddy niya ay pinilit siya nitong mag-aral dahil malulungkot daw ang mama ko kapag nalaman nitong tumigil na siya sa pag-aaral. After 2 years ay doon lang sila nagdisisyon ng Papa niya na lumipat na ng ibang bahay para narin sa makapatuloy na sila sa kanilang buhay. Pinapaalala lang kasi ng una nilang bahay ang Mama niya at sobrang lungot talaga ang nararamdam nila kapag umuuwi ng bahay.

Hindi ganoon kalaki o kaenggande ang bahay nila pero tamang tama lang yoon sa kanilang mag-ama. Aanhin pa ang sobrang laking bahay kung sila lamang lang ang nakatira. Tatlo lang ang kwarto sa bahay kasama na roon ang kwarto ni Yaya Bining ang yaya ng Papa niya noon at ngayon ay yaya na niya. Nagpaalam itong pumunta muna sa Cavite para bisitahin ang mga kapatid nito. Hindi na iba sa kanila si Yaya Bining dahil parang lola na niya ito at nanay naman ni Papa. Iniligot uli niya ang paningin sa bagong bahay nila.

"Ang ganda.....maaliwalas!" - zia 

“Baby, alam kong excited ka na sa kwarto mo kaya eto na yung kwarto mo….Dyaran!” sabi ng daddy niya habang nasa harap ito ng pink na pinto sa 2nd floor.

Hindi makapaniwa si Zia sa nakita. Ang cute cute kasi ng kwarto niya, masasabing SIYA talaga ang nagmamay-ari ng kwartong yun. Makulay kasi ito at maaliwalas. Ang kama niya ay parang pang prinsesa dahil may kurtina pa sa gilid. May sarili pa siyang banyo...

“Wooooooooow! Papa talagang alam na alam mo na ang gusto ko kaya nga love na love kita e!”- Zia

Pinaghahalikan niya sa magkabilang pisngi ang Daddy niya.

“I’m glad you like it baby. Maya maya pagkatapos mo maligpit ang gamit mo ay bumaba ka na dahil nagtake out ako sa paborito mong restaurant. Alam mo naman si Daddy konti lang alam sa pagluluto.”

“Konti ba yun Daddy?

“O sige na nga, wala akong alam sa pagluluto. Hehe.”-Dad

“Wag kang magalala Daddy, pag-aaralan ko po magluto para ako na magluluto ng pagkain natin.”-Zia

“Sige baby, pero wag mo muna isipin yan dahil bata ka pa at tutal masarap naman magluto si Yaya Bineng.”-Dad

“Okay po! Ah Papa,..... malapit lang po pala yung play ground ng village natin dito sa bahay. Pwede po ba kong pumunta roon pagkatapos ko rito?” Pagpapaalam niya sa Papa niya.

“Di ba delikado lang na ikaw lang mag-isa pupunta doon? Gusto sana kitang samahan kaso darating pa yung mga gamit nating iba galing sa dati nating bahay.”

“Don’t worry Daddy, I can handle myself well. I don’t want Daddy to get worry diba? Atsaka I’m turning 9 next month e Papa.”

“O sige na nga but you’ve better be safe. Ayaw mo nag-aalala si Daddy diba?”

“Yes po! Don’t worry just trust me Daddy. Zia is a good girl. Makikipaglaro lang po ako sa mga kapitbahay natin sa playground para po magkafriends na ko”

“Okay baby.”

ANG PRINCE CHARMING KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon