Chapter II: FRIENDS?

45 0 0
                                    

Charming’s POV:

“Broom! Broom…Pshhh…” tahimik lang sa paglalaro si Charming sa gilid ng swing ng playground nila. Iniwan kasi siya ng kuya niya sa playground kahit kabilin bilinan ng Mama nila na wag siyang iiwan dahil nagdayoff ang Yaya nila at walang magbabantay sa kanila. 

“Nakipaglaro nanaman si Kuya kay Mak-Mak. Susumbong ko siya mamaya.” Pagdadayalugo niya habang hawak ang kotse kotsehan niya.

Arf! Arf! Arf!.....

Napaupo pa siya sa gulat  ng makita niya ang asong nasa harapan na niya. Isa itong german shepherd na pagmamay-ari nina Mr. and Mrs. Castro. Baka nakatakas ito sa mga amo nito kaya pati siya ay parang kakagatin. Takot na takot pa naman siya sa mga aso.

“Shooo! Shooo! Ahhh! Shooo! Kuya!!!!!!” sigaw niya ang kaso siya lang mag-isa ang naglalaro sa playground kaya lalo siyang natakot.

Naiyak na talaga siya ng biglang may babaeng mga kasing edad niya ang umagaw sa atensyon ng aso.

“Bad dog! Bad dog! Shoo! Arf! Arf!” tahol pa ng bata sa aso habang may hawak na stick at baton a akmang ibabato sa aso.

“Ayaw mong umalis o babatuhin ko sayo to! Alis sabi e! Shoo! Arf!” sabi ng babae. Hindi niya alam kung may lahi itong aso dahil tumatahol din ito.Natakot siguro ang aso kaya dali dali itong tumakbo palayo sa kanila. Sa sobrang takot ay napaupo siya sa damuhan. At unti unting tumulo ang luha.

“O bata bat umiiyak ka? Nakagat ka ba ng aso?”tanong nito sa kanya habang pinagmamasdan siya. Tinulungan siya nitong tumayo.

“H—hin—di k---kaso tak—kot talaga a—ko sa aso e. Huhuhu” pangingiyak niya.

“Sus para aso lang umiiyak ka na! Ako ngang girl di natakot ikaw pa kaya?”

“Pasensya na hindi na ko iiyak.” Pinalis niya ang kanyang luha dahil nakakahiya ng rito na sa harap nito siya umiiyak kahit di naman siya nakagat. “Salamat pala.”

“Wala yun.  Bastat sa susunod mag-iingat ka na at wag ka masyado iyakin." panenermon pa nito.

"Promise! I won't cry...sometime?"

"Sige na nga. Anyway, ano pala pangalan mo bata?” tanong nito.

“Charming Vince Lim, 10 years old...ikaw?” sagot ko.

“Ha? Charming? Hahahahaha!” tawa tawa pa ito waring nagbibiro ako sa pangalan ko.

“Oo Charming….Charming Vince Lim pangalan ko.” Nagtataka pang sabi ko.

“Kala ko nagbibiro ka lang. Pero ba’t Charming? Parang pambabae na di ko alam.”

“Kasi si kuya pangalan niya ay Prince Kier Lim kaya Charming yung name ko. Sabi ni Mama maganda daw yun para alam nilang magkapatid kami ni kuya at dahil daw gwapo raw kami bagay ang Prince Charming sa amin.” Pagpapaliwanag ko sa babaeng hindi pa sinasabi ang pangalan.

“Ah ganun ba? Sorry. Hihihi Anyway, my name is Zianna Montemayor but you can call me Zi, turning 9 next month. Bagong lipat lang kami dun sa bahay na yun o.” turo pa nito sa isang bahay malapit sa playground. Nice to meet you!” sabi ni Zi habang nakipagkamay ito sa kanya.

“Nice to meet you Zi. Ako dun ako sa kabilang street nakatira.”

“Cha—ahm—Charming? Pwede pang tawagin kitang Vince nalang? Ang pangit kasi na Charming ang itawag ko sa lalai e.”- Zi

“Ha? Pero ikaw lang ang nagsabing panget ang pangalan ko e.”

“Baka natatakot o nahihiya lang sila. Sabi kasi ng Mama ko noong nabubuhay pa ito ay sabihin ko daw yong totoo kaya sinasabi ko lang” sabi pa nito habang umuupo sa swing.

“Wala na mama mo?” tanong ko rito habang umuupo na rin sa tabing swing nito.

“Oo,kami nalang ni Papa. Namatay na siya noong 8 palang ako. Pero sabi ni Papa nasa heaven na daw siya. Hindi na naming siya nakikita pero hindi ibig sabihin noon ay hindi niya kami binabantayan.” Sabi nito habang nakatingin na sa langit.

“Ako may Papa, Mama at Kuya pero kung gusto mo pwede ko silang ishare sayo kasi si Mama love daw niyang magkababy sister kami ni kuya pero hindi na daw pwede. Si kuya naman laging na kay Mak-mak kaya ako lang mag-isa naglalaro kasama si Yaya. If you like, pwede tayo maging friends?”

“Syempre naman Charming Vince---Cha---vin. Cha—nce. Chance!” tuwang tuwa pang sabi nito.

“Ha?” nagtatakang tanong niya.

“Tatawagin nalang kitang Chance. Yung 3 letters sa unang name mo at 3 huling letter sa huling name mo kaya CHANCE nalang nickname mo.”

“O sige! O sige! Chance nalang pangalan ko ngayon. Hi ako nga pala si Chance.” Pagpapakilala ulit niya rito.

“Wow Chance ang ganda ng pangalan mo. Ako nga pala si Zi. Nice to meet you.”

Nagkamayan sila ni Zi. Alam niyang magiging matalik niyang kaibigan ito kaya sobrang saya niya ngayon kahit iniwan siya ng kuya niya at muntik na siyang makagat ng aso kanina.

“Charming! Charming! Umuwi na tayo.” Wika ng lalaking naglalakad papunta sa kanila ni Zi.

“Kuya hindi na Charming ang pangalan ko simula ngayon.” Sabi pa niya sa kuya niya.

“Ha? Anong Chance chance..magagalit niyan sayo si Mama dahil iniiba mo pangalan mo.” –kuya

“Basta’t Chance na pangalan ko! Kuya muntik na pala akong makagat ng aso kanina susumbong kita kay Mama"-chance

"Ha? Nasaan na yung aso?,..Wag ka na magsumbong tutal di kanaman ata kinagat e."-kuya

"Sige na nga bastat simula ngayon Chance na pangalan ko ha? Ah kuya may bago na kong friend, Zi si kuya--Kuya si Zi. Siya yung nagtanggol sa akin sa aso.” Pagpapakilala sa dalawa.

“Buti may kaibigan ka na. Hi Zi! Salamat pala.” sabi pa ng kuya niya kay Zi na ngayoy tahimik at namumula na.

“Ahm..hi po Kuya Prince. Walang anuman po.” Nahihiya pa ito sa sinabi. Ibang iba na ito sa babaeng matapang na kasama niya kanina. Bakit kaya?

Zia’s POV:

“Ahm..hi po Kuya Prince.Walang anuman po.” Hindi siya makatingin ng deretso dito dahil napakagwapo nito. Ngayon lang siya nagkacrush ng matanda sa kanya. Dati rati kasi e kasing edad lang niya ang mga crush niya at lagi niyang inaaway ang mga ito para mapansin siya pero ngayon nahihiya talaga siya.

“Uwi na po ako. Ahm sige..bye!” pagpapaalam niya rito sabay takbo sa bahay nila.

“Sandali Zi! Papakilala pa kita kay Mama.” Sigaw pa nito sa kanya.

“Ah sige sa susunod nalang Zi. Salamat!  Bye!”- Chance.

Pagsara niya sa gate nila ay agad siyang nagsmile dahil alam niyang magiging Masaya ang pagstay nila sa bago nilang bahay.

ANG PRINCE CHARMING KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon