Chapter VII: WHO'S THAT GIRL?

24 0 0
                                    

Kasalukuyang nakaupo na sa unang subject sina Zia at Chance ng pumasok na ang prof nila. Agad naman umagaw ng pansin ang babaeng kasama nito.

"Good Morning! May bago pala kayong classmate simula ngayon. Katatransfer niya lang galing abroad kaya be good to her.. ha class?" wika sa kanila ni Mr. Aragon

"Yes Sir!" sabay sabay pa nilang sagot rito.

"Magpakilala ka na sa kanila Ms. Castro."-prof

Dahandahang pumagitna ang bagong classmate nila sa harapan.

"My name is Shantel Castro, 20 years old..I transferred form Massey University in Palmerston North, New Zealand." pagpapakilala nito.

Sa unang kita pala mang dito ay mukha na itong mabait at tahimik. Parang yung "di makabasag pinggan" na type na girl. Ibang iba ito sa ugali niya na parang isang factory na ng pinggan ang nabasag niya. Maputi ito, maganda, chinita at mahinhin yun ang unang impresyon nito sa kanya.

"Maupo ka na Shantel sa tabi ni Ms. Montemayor."-prof

Nagulat pa siya sa sinabi ng kanilang prof dahil sa kanya pa talaga ito pinatabi...ang maingay prangka at magandang katulad niya. Nang-aasar talaga yata ang prof niya.

"Kaya ikaw Zianna, sana tumulad ka kay Shantel ng maging dalagang filipina ka."pang-aasar pa ng prof niya.

"Dalagang filipina naman po ako Sir...version 2.0 lang pa ako." nakakalokong sagot pa niya rito.

Sabay sabay naman nagtawanan ang mga classmate niya sa sinabi. Agad naman siyang nagpaPEACE sign sa guro para hindi ito maoffend.

"Kaw talaga Zianna...anyway, i will continue to discuss our previous topic about food sanitation. Get your book and go to page 134."

________________________________________________________________________

***CANTEEN***

"Maganda yung new classmate natin no Zi?" tanong sa kanya ni Chance.

"Yeah." sabi lang niya at patuloy parin nilalantakan ang hopia at lasagna na kinakain niya. Take note, multitasking ang peg niya dahil sabay pa niya itong kinakain.

"Hey! Dahan dahan...hindi ka mauubusan."sabi pa nito ng mapansin siya.

"Masarap kasi e..hmmm."-zia

"Ewan ko sayo." sabi nito at sumubo nalang ng sandwich na binili nito.

Agad naman napukaw ang atensyon nilang magkaibigan dahil nag-umpisa ng magingay ang mga kalalakihan ng dumating si Shantel sa canteen.

"Miss! Dito ka nalang kumain" hirit ng isang lalakeng studyante

"Miss beautiful dito nalang...ililibre pa kita." sabi naman ng isa pa.

"Dito nalang ganda." tawag naman ng iba dito.

Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil talagang maganda naman talaga ito dahil sa haba at pinong kumilos nito. Noong nagkaklase kasi ang mga prof nila ay ni isang beses ay di niya itonarinig magsalita pwera nalang kung hindi ito tatawagin para magpakilala uli sa kanila. Napansin niyang parang nahihiya o parang natatakot na ito dahil sa atensyong natatanggap nito sa mga kalalakihan kaya...

"Shantel!" tawag niya rito. "Dito ka nalang kumain sa table namin."

Narinig naman siya nito at napatingin sa direksyon nila unti unti pang lumiwanag ang mukha nito ng makita siya na para bang nakakita ng magsasalba sa kanya.

"Hindi missdito ka nalang." sabi pa ng lalake na nasa harapang mesa nila.

"Hep! Hep! Hep!" sabi pa niya ng malakas para mapukol ang atensyon ng mga kaschool niya sa kanya.

ANG PRINCE CHARMING KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon