Chapter V: Mi PAG-IBIG

38 0 0
                                    

Dali daling binuksan ni Zi ang gate nila pagdating niya sa bahay nila. Kahahatid lang sa kanya ni Chance at Manong Bert. 

"Nandito ka na pala Zia. Kumain ka na ng miryenda" Bungad sa kanya ni Yaya Bining habang nagwawalis ng kanilang garden.

"Opo kumain na pero kung may miryenda jan, why not po? Ano po bang miryenda Ya?" sabay akbay niya rito. Parang lola na kasi niya ito. Maalaga, maalahanin at masarap magluto..tulad ng lola niya.

"Ay lumayo layo ka muna Zia at ako'y amoy araw...Yun nagbake ako ng mango cake, nasa ref." sabi pa nito sa kanya.

O___O OMO! Tiba tiba ang tyan ko ngayong araw na to........Mango cake!

"Saktong sakto! Paborito ko...nagutom uli ako. Alam niya naman pong paborito ko ang gawa ninyong cake lalo na kung mango. Lafang muna po ako Ya" himas himas pa ng tyan niya. Papunta na siya ng kusina ng magsalita si Yaya.

 "Ay siya nga pala Zi! Dalawa yung binake ko diyan. Pinabibigay ng Daddy mo yung isa kina Mr. at Mrs. Lim, pasasalamat daw." bilin pa nito.

"Ah sige po! Later nalang ako kakain..bibigay ko muna kay Mama Suzy at Tatay Jun yung cake." masayang sabi niya.

Meron na naman akong alibi sa pagpunta sa mga Lim....makikita ko nanaman si Papa P nito. May swerte parin ako ngayon. Winner na naman ang PEG!

Pagkatapos magbihis ay dali dali niyang kinuha ang cake sa ref. Hindi man kagandahan tignan yung cake ay siiguuradong winner parin ang lasa. Luto ba naman ni Yaya Bining di masarap?

"Alis na po ako Ya!" pagpapaalam niya rito.

"Bastat para kay Prince e mabilis ka pa alasingko..tsk..tsk...daig mo pa tuloy nanliligaw." wika pa ni Yaya

"Nanliligaw naman po talaga ako pero di ko masyado pinahahalata e...hehe."- zia

"Kaw talagang bata ka. Wag kang gaano pagagabe ha?" habol pa nito sa kanya.

"Opo!"

Panay flip ng hair niya habang naglalakad siya. Dadalawin nanaman kasi niya ang MI PAG-IBIG niya. Hindi naman kasi kalayuan sa bahay nila ang bahay ng mga ito kaya parang araw araw nalang ata ay nasa kanila siya. Gustong gusto naman kasi ng Mama Suzy este Tita Suzy ang pagdalaw niya roon. Wala kasing anak itong babae kaya giliw na giliw ito kapag naroon siya. Parang pangalawang magulang niya na nga ang mga ito. Kulang nalang ay doon nalang siya patirahin dahil kuntoro damit at sapatos ay binibilhan siya.  Kaya naman masaya talaga siya kapag napapasyal roon. Minsan nga gusto niyang sabihin sa Tita niya na pilitin nalang ang anak nito si Papa P na pakasalan siya. Hehehe pero kahit makafal ang fes niya ay di niya gagawin iyon.

Nakarating na rin siya sa mga bahay ng Lim. Malaki ang bahay ng mga ito dahil nasa furniture business ang mga ito at pinasok narin ang pageexport. Mala mansyon na nga sa laki ang bahay ng mga ito idagdag pa ang swimming pool. Meron pa  itong 3 katulong, 1 driver at 1 sercurity guard. Wagi talaga ang soon to be family niya.

Ding.....dong.....

Pagkapindot niya sa doorbell ay dimilip naman sa gate ang security guard ng mga ito na si Kuya Mhon.

"Ma'am Zianna...nandiyan ho pala kayo. Tuloy po."-kuya mhon

Dali dali nitong binuksan ang malaking gate.

"Kuya Mhon, maka ma'am naman po kayo parang ako may ari ng bahay. Zia nalang ho." sabi pa niya rito.

"Sige na nga Zia ^_____^ pasok na po kayo."

"Sige po" pagpapaalam niya rito.

Tuloy tuloy siyang naglakad papunta sa pintuan at pumasok. Sanay na siyang labas pasok sa bahay ng mga Lim para kasing bahay niya na rin ito. Dederetso na sana siya sa kusina para iref ang cake ng makita niya si Chance na nanonood ng TV sa sala.

ANG PRINCE CHARMING KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon