Chapter VIII: IKAW LANG PROMISE!

42 0 0
                                    

Disappointed habang naglalakad si Zia pauwi galing sa bahay ng mga Lim. Nakalimutan niya nga pala na umalis ang mga ito para bisitahin sa ospital ang nanay niTita Suzy na sa pagkakaalam niya ay naoperahan sa mata dahil sa katarata. Nasabi naman ito sa kanya ni Chance pero para atang naging ulyanin na siya nitong nakaraang araw.

"Psss....sayang lang ang time ko sa pagpunta. Bago pa naman ang damit ko, sayang lang ang effort na magpaganda kay mi pag-ibig." sagsisimyemto pa niya.

Bago naman talaga kasi ang damit niya at binili pa naman niya iyon dahil alam niyang babagay talaga sa kanya ang kulay sky blue. Pinag-ipunan pa kasi niya ito sa baon niya dahil ayaw na niyang humingi pa ng pera sa daddy niya para lang sa kapristo niya. Madami naman siyang damit at halos bigay iyon ni Tita Suzy pero gusto parin niyang bumili ng damit na sa kanya galing at talagang pinili niya. Nagayos pa siya at nagmakeup ng konti para tumerno sa dress na binili niya.

Habang parang pinagsakluban siya ng langit at lupa sa istilo ng paglalakad niya ay napagdisiyunan nalamang niyang pumunta sa playground.

"Dapat kasi hindi ko munasinoot ito..tuloy hindi na bago pagnakita ito ni Papa P." sabi pa niya ng umupo sa swing.

"Matawagan nga...matanong ko lang kung wat time uuwi para masight naman nito ang look ko. Hehe"-zia

Kinuha niya ang cellphone niya sa maliit na sling bag na dala-dala niya. Kaagad naman niyang tinawagan si Chance.

Ring...ring...ring...

Chance: Ano kailangan mo? Busy ako.

Zia: Sunget....ano ba ginagawa mo?

Chance: Nakahiga. Bakit?

Zia: Wow super busy ka nga..nakakahiya naman manghingi ng konting time sa iyo.

Chance: What? Ano gusto mo?

Zia: Kuya mo! Hehe..Anyway, tatanong ko lang kung what time kayo uuwi? Namiss na kasi kita e...hmmm

Chance: Makikita mo rin si kuya bukas don't worry.

Zia: Bukas?

Chance: Oo. Bukas palang kami uuwi dahil masyadong malayo ang Pampanga sa Albay.

Zia: Ay? Ganoon ba? Kaasar naman sayang lang beauty ko na niready ko sa kuya mo. hmmp!

Chance: Sige. Bye.

Zia: Wait! Kwento mu...

Toot---toot---tooot

Pasalamat talaga ito dahil best friend niya ito kundi inupan na niya ito. Gusto pa sana niya itong kausapin dahil sa naiinip siya pero binabaan lang siya nito ng cellphone. Agad naman siyang nakaisip ng plano para makaganti rito.

ANG PRINCE CHARMING KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon