Chapter VI: BOLERONG MAKISIG

32 0 0
                                    

"Ang laki mo na Coco. Di na talaga kita mareach!" sabi pa ni Zia habang dinidiligan ang puno ng buko. Pinangalan niya iyong Coco as in coconut. Sampung taon gulang narin kasi si Coco kaya magkasingtangkad na ito ng bahay nila. Pinalagyan narin ng Daddy niya ng net ito para hindi daw kami mabagsakan ng mga buko nito.

"Zia?"

"Bakit po Dad? Nasa garden po ako!" sigaw niya sa Daddy niya. Narinig kasi niya mula sa loob ng bahay na hinahanap siya nito.

"Anak nandyan ka pala." -dad

Nasa garden narin ang kanyang Daddy hawak hawak na malaking tupperware.

"Bakit po?" sagot niya sabay patay sa  faucet. 

"Pwede ka bang ibig ito sa mga Montero? Busy kasi si Yaya Bining kaya ikaw muna ang magbigay nito." sabay bigay ng tupperware.

"Ah..sige na nga po." napipilitan pa siya nang tanggapin iyon. Ayaw kasi niyang pumunta sa mga Montero bahay kasi iyon ni MakMak. Siguradong bobolahin lang siya niyo na parang wala ng bukas. Noong nakaraang araw kasi ay nagbigay ang mga ito ng pagkain dahil hindi sila nakapunta noong kaarawan ng Papa nito na kararating lang mula sa New Zealand.

"Sige po Dad, alis na ako." pagpapaalam niya rito.

Kahit naka shorts at simpleng T-shirt lang siya pero okay lang iyon dahil hindi naman kina Papa P ang punta niya kundi kay Makisig a.k.a Mak. Malapit lang ang bahay nila sa bahay nito mas malapit pa nga sila sa mga Montero kaysa sa mga Lim.

Ding...dong......

Pagkapindot niya ng doorbell ay lumabas ang katulong ng mga ito at sumilip sa gate saka binuksan ito.

"Hi po Manang! Isasauli ko lang po sana itong tupperware."sabi pa niya saka itinaas ang hawak niya.

"Ma'am kayo po pala. Pasok po. Wala po sina Sir at Ma'am pero nandiyan ho si Senorito may kinuha lang po sa bahay ni Senorito Prince."

"Ay hindi na po ibibigay ko lang po talaga ito." habang inaabot ang tupperware ay saktong may kumalabit sa kanya. 

"Ay!"nabitawan niya tuloy ang hawak hawak niyang tupperware sa gulat. 

"Hi my labs! ^_______^"  sabi pa ng damuhong lalaki.

"Mak! Muntikan na ko madedbols sa gulat a! Wag mo uli gagawin yon." panenermon niya rito.

"Sorry ^__^ Ikaw naman kasi labs sumosobra sa kape." tawa tawa pa ito.

"Eto pala yung tupperware na ipinahiram ninyo pinababalik na ni Dad e. Salamat nga pala."-zia

"Sus, ang sabihin mo ay namiss mo ako..miss naman din kita e maylabs. Payakap nga!" yayakapin sana siya nito ng akmang susuntokin niya ito.

"Suntok gusto mo?"- zia

"Sa susunod nalang. Hehe. Anyway pasok ka muna."-mak

"Hindi na...." hinila na siya sa loob kaya wala na siyang nagawa pa. Pinaupo lang siya nito sa sala at kinuha ang tupperware na hawak niya kanina.

"Pasara nalang po ng gate manang...salamat ^__^. O my labs ano pala gusto mo inumin?"-mak

"Kahit ano bastat walang gayuma." sagot naman niya rito.

"Sige dadasalan ko nalang. Hehe" pagkasabi non ay umalis na ito.

Ngayon lang siya nakapasok sa sala ng mga ito. Mula sa labas ay makikita na mayaman ang mga ito dahil malaki rin ang bahay ng mga Montero. Sa bahay lang talaga ni Papa P niya siya naggagagala. Maganda rin ang sala dahil sa mamahaling furniture at sa lawak na rin siguro nito. Sa pagkakaalam niya ay nasa construction industry ang family business ng mga ito at nakatira na sa New Zealand. Nagpumilit lang umuwi ito noong magkokolehiyo ito kaya ito lang mag-isa ang nakatira sa malaking bahay kasama ang isang katulong nito. Kauuwi lang ng mga magulang nito noong nakaraang buwan kaya may kasama na uli ito sa bahay kaya hindi na masyado itong nagpupupunta sa mga Lim. Katulad din niya kasi ito, nakikiampon kina Prince. Kaya ganoon nalang silang apat nagka-clash. Kahit parang asar na asar na siya dito ay alam niyang mabait ito kaya hindi niya kayang magalit dito kahit parang araw araw ay binubola siya. Gwapo naman ito at matangkad at laging nagiismle pero wa epek siya roon dahil pag si Papa P ang nagsmile wala na siyang maalala dahil sa pagkahimatay sa kagwapuhan nito.

"Dyaran! Eto na ang masarap na masarap na orange juice na gawa ng makisig na tao na si Makisig!" sabi pa nito sabay inilapag ang juice sa coffee table.

"Orange juice? Ahmm salamat na rin."-zia

"Bakit di ba yan yung favorite mo labs?"- mak

"Makatawag ka ng labs e hindi mo nga alam ang favorite ko. -__________-     "-zia

"Hindi ba?" kakamot kamot pa ito ng ulo.

Kaya nga kahit matagal na itong inaasar o binobola siya ay hindi siya nagpapabola kasi alam niyang PAMBOBOLA lang talaga iyon. Natutuwa kasi ito sa kanya sa tuwing "nililigawan" niya ang best friend nitong si Papa P kaya parang ginagaya siya nito. Ewan nga ba niya kung anong trip nito sa buhay kahit alam naman nitong loyal siya kay Papa P. PAPA P. FOREVER! PRIZI!

"Yan na nga ba sinasabi ko e...buti pa ako alam ko lahat ang gusto ni mi pag-ibig." -zia

"Hindi ba orange? Grapes? ah alam ko na...Strawberry! Gusto lahat yun ng mga girls e." -mak

"Alam mo talaga yun no? Babaero ka talaga..."-zia

"Wag ka na magselos..kahit naman may gusto sila sa akin ay ikaw lang ang may labs ko ^__^"-mak

"Ewan ko sayo...bastat kay mi pag-ibig lang ang puso ko. Kung sanang tinutulungan mo nalang ako dun sa bff mo edi sana masaya na ko."-zia

"Edi ako naman ang nasaktan...ouch" sabi pa nito habang nasa bandang puso ang kamay wari talagang nasaktan.

"Tigil tigilan mo nga ako Mak. Alam ko naman talagang di mo ko type dahil type mo lang ako bwisitin. Dami mo kaya kafling sa school no." pagtataray pa niya rito.

"Syempre magiging badboy naman ako kung di ko sila ieentertain diba? Pero don't worry sayo ko lang irereserve ang puso ko kahit ilan pang babae ang magpacute." -mak

"Ewan ko sayo! Hala at aalis na ako. Babye! Salamat sa juice!" tumayo na siya at direderetsong naglakad papunta sa gate.

"Selos ka naman my labs. Ah! Alam ko na...ang favorite mo pala ay Apple! Apple!"-mak

"Bahala ka na nga dyan. Bye." pamamaalam niya rito.

"Ingat ka lagi my labs! Mwaah!" pahabol pa nito.

Tsk..tsk...darating din ang babaeng magpapatino sa iyo.

ANG PRINCE CHARMING KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon