Isang katok mula sa pintuan ng kwarto na inilagi sa'kin ang nagpabalikwas sa akin.
Dito na talaga nila ako nilagay. Habang hindi pa raw kami nakakasal ni Kenjie ay dito muna raw ako.Tumirik ang mga mata ko, baka masakal ko lang siya 'tsaka kahit ikasal kami mananatili ako dito dahil wala akong balak tumabi sa kaniya. Hindi naman kasi kasal ang habol ko, gusto ko lang panagutan niya ang bata.
Tumingin ako sa orasan, gusto ko tuloy mapamura dahil eight o'clock na ng gabi pero tulala pa rin ako!
Holy queen mother of God!
Dahil 'to kay Kenjie Tokugawa. Naiinis ako sa kaniya. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Sa katawan niya. Sa kilos niya. At lahat ng tungkol sa kaniya.
I sighed then count to ten to control my irritation. Hindi pwedeng paglihian ko si Kenjie dahil baka maging impaktong haliparot ang anak ko. I cringed at my thoughts then sighed again.
Kumatok ulit ang kung sino mang ponsyo pilatong nasa kabilang pinto ng kwarto ko. Tumayo ako sa kama at agad na binuksan 'yon. Nagulat ako pero sandali lang nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko.
"Kurt?" Nakangiting sabi ko.
One corner of his mouth tipped up for a smile and that made my heart skipped a beat. Shit. Ang gwapo niya. And he's still wearing his three piece suit. Sanay na naman akong makita na nakasuot siyang ganoon pero kakaiba pa rin talaga ang dating no'n sa'kin.
"Bakit?" I asked him.
"Have dinner with me?" He asked nonchalantly.
Oh my God! Kurt Tokugawa is asking me on a date! Ay no! Dinner pala. But still! Kinilig ang bone marrow ko. Kulang na lang isarado ko sa pagmumukha niya ang pinto at magtatalon sa kama at magtitili.
"Should I wear a gown?" Biro ko.
Tumaas ang isang kilay niya. "Your clothes are fine." Pagkatapos ay pinasadahan niya ng tingin ang suot kong summer dress. Suot ko pa rin kasi hanggang ngayon.
I felt myself blush but it was not for long because I heard someone snorted. Napatingin ako sa kaliwa at nakita kong naglalakad palagpas sa'min si Kenjie. Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo pagkakita sa haliparot na 'to. Nakasuot siya ng tight-fitting black shirt and a black pants. He's wearing a black motorcycle gloves. On his feet were motorcycle boots.
"Join us to dinner, Kenj." Sabi ni Kurt.
He waved his hand and said without turning, "Baka masira lang ang t'yan ko kapag makasama ko 'yang pisa na 'yan."
Aba't! Sinusubukan ata ako ng lalaking 'to?! Putulan ko kaya 'to ng kaligayahan?!
Humarap sa'kin si Kurt, he kind of looked sorry. "Pagpasensiyahan mo na si Kenjie, minsan talaga immature siya."
Palagi kamo! Ang sarap niya kamong ipakain sa mga koi niyong nasa fish pond!
"Okay lang." Peke akong ngumiti sa kaniya.
"So shall we?"
•••
Having dinner with Kurt Tokugawa last night was fun. Kahit hindi siya gaanong nagsasalita at puro ako lang ay nakakatuwa pa rin. Shit. Gusto ko tuloy siyang bihisan, painumin ng gatas. Painumin ng tiki-tiki. Pakainin ng cerelac tapos oatmeal. Pag-aralin. Bilhan ng kotse. Ng bahay. At maging ama ng isang dosenang anak ko.
I giggled then sighed dreamily while combing my hair using the brush. Nakaharap ako ngayon sa tokador ng kwarto.
Nahinto ako sa ginagawa nang may kumatok sa pintuan. Ibinaba ko ang suklay pagkatapos ay tinungo 'yon.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko kay Kenjie. Umagang umaga, siya agad bubungad sa'kin.
His jaw hardened. Mula sa bulsa ay may inilabas siyang kahita at ibinato sa'kin. Bahagya akong nagulat kaya hindi ko agad nasalo iyon. Bumagsak iyon sa carpeted floor. Naningkit ang mga mata ko, saglit kaming nagtitigan bago ko pinulot 'yon.
"Ano 'to?"
"Engagement ring, ano pa ba?" Paasik na sabi niya. "Papakasalan kita, 'di ba?"
"Pumayag ba akong pakasal sa'yo? Hindi ko ba alam sa'yo at sinusunod mo ang Daddy mo."
"Hey, marry that girl. Hey, buy a ring for her like he was commenting about the fucking weather. That's my... fucking father to you, he does what he wants and you rolled with it or you don't." Pakumpas-kumpas pa siya ng kamay at kung anu-ano ang sinasabi.
Ginulo niya ang buhok sa sobrang inis. "Isuot mo na! Malalagot ako kay Daddy! Tigas ng ulo mo."
Napanganga ako. What the hell? Ganito siya magpropose?! Kung lahat ng lalaki ay ganito, sana hindi na lang dumami ang populasyon nila sa mundo.
Ngali-ngaling sabunutan ko 'tong haliparot na 'to. Naningkit ulit ang mga mata ko, iniisip kung paano i-e-extort si Kenjie Tokugawa.
Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Isuot mo na. Ikaw na nga ang papakasalan, ikaw pa ang may ayaw."
"Para kang tanga!" Sa sobrang inis ay binato ko sa kaniya ang kahita, tumama sa noo niya 'yon bago bumagsak sa sahig.
"What the fuck?!" He grunted. Napangiwi siya nang damhin niya ang kaniyang noo.
Lalapit sana siya ang kaso pabalabag kong isinarado ang pinto sa harapan niya.
"Buksan mo 'tong pinto!" Pinokpok niya pa ang pinto.
"Ulol!"
"Kapag hindi mo 'to binuksan, malalagot ka sa'kin!"
Umismid ako. "Stop whining! Asan ang girlfriend mong anorexic? She needs to take care of her baby, cause it seems you need a breast to suck on."
"Damn you, bitch!" He turned the knob but it was lock. "Lumabas ka dito, papahanginan ko 'yang dibdib mo nang magkalaman!"
"Gago ka, Kenjie! Utak mo pahanginan mo dahil walang laman!"
"Damn it!" Malakas na kumalabog ang pinto, napaigtad tuloy ako.
"Anong ginagawa mo, Kenjie?" Boses mula sa kabilang pinto. Daddy ni Kenjie 'yon.
"W—Wala po."
Humagikgik ako dahil nautal pa siya sa pagsagot. Pagkatapos ay nakarinig ako ng yabag paalis.
"Pasalamat ka, Pisa Sisa." Nanggigigil na sabi niya. "Pasalamat ka dahil mabait ako kundi papatulan talaga kita." Halata sa boses niya ang tinitimping galit.
I snickered. "Oo nga, sa sobrang bait mo pwede ka ng kunin ni Lord."
"Fuck!" He clipped. "Balang araw mapapaiyak kita, Reinalyn Comendador." Tapos nakarinig ako ng yabag papalayo.
Binuksan ko ang pinto, naglalakad na siya paalis. Tinawag ko naman siya at napahinto sa paglalakad, humarap siya sa'kin. He was scowling back at me, while I'm smiling like a lunatic.
"Better luck next time." I raised my middle finger and wiped it under my left eye.
Umigting ang panga niya, lalapitan sana niya ako ang kaso sinarado ko na ulit ang pinto. Hindi na siya sumunod pa.
BINABASA MO ANG
Tokugawa's Secret Scandal (Completed)
General FictionGwapo. Mayaman. Babaero. 'Yan ang tingin ng karamihan kay Kenjie Tokugawa. Gago. Mayabang. Gunggong. 'Yan and tingin ni Reinalyn Comendador dito. He was living his life to the fullest, being the conceited billionaire playboy. Money, alcohol and girl...