Chapter 1: Witness A Heart Break

67 1 0
                                    

<Cami's POV> 

Pagkapasok na pagkapasok ko sa C.R., may narinig akong umiiyak. Nilapag ko yung bag ko sa may sink at nilapitan yung cubicle.

HAAAAY. Kung di ko lang alam ang nangyari dito, iisipin ko na mumu toh. Kung makahagulgol kasi eh. WAGAS. Kumatok ako... 

"Mika?" Sabay tulak sa pinto nung cubicle.. 

Sinugod ako ni Mika at niyakap. Ako naman 'tong tanga. Di alam ang gagawin. Palibhasa kasi hindi marunong magcomfort ng ibang tao. -_- 

Humigpit yakap ni Mikaa! O.O 

"M-mi-kaaa~!" Nasasakal akooooo! X_x 

Binitawan niya ako at hinawakan ang magkabilang braso ko at hinarap ako. 

Yikes! Yung eyeliner ni Mika... Ang panget na... O.O 

Kalat na kalat na make-up niya tapos ang gulo ng buhok niya. Singhot din siya ng singhot. Alam ko umiiyak siya pero.. Parang pinagsisihan ko na lapitan siya. Puro sipon na kasi damit ko eh. -___-" 

"Cami.. Panget ba ako? May m-mali ba sakin? Masama ba akong t-tao? Kinamumuhian ba ako ni Cupido?" Singhot ng singhot si Mika habang nagsasalita siya.

Eew. 

HAHA. Di. Joke lang.  

Pinunasan ko luha niya. "Mika, maganda ka. Walang mali sayo. Mabuti kang tao, sadyang mali lang ang pana ni Cupido." Nginitian ko siya. 

Humagulgol ulit siya. (*A*) HAAAAAY. 

"Ginawa ko lahat.."bulong niya."Pero bakit.."*sniff*"bakit di niya ako magawang mahalin?" 

Di ko masagot yung tanong niya. Kasi ako..

"Mika! Ano nangyare?!" 

Nagmahal siya.. Tapos nasaktan ng sobra.. 

---

Umalis na ako ng C.R. dumating na kasi mga kaibigan ni Mika. Kaya na nila yun. Di naman kami super close eh. 

So eto ako, kasalukuyang kumakain sa canteen ng Piattos. *u 

My FAVORITE. HAHA!

*PAK!* 

"Aray!" Lumingon ako para tignan kung sino yung bumatok sakin. 

Sabi na nga ba...

"Narinig mo na ba yung nangyari kay Brent at Mika?" 

Si Julie.. Haaaaaaaaaaaay! Ang brutal kong bestfriend. Maganda. Mabait(pag tulog). Matalino.

YUN NGA LANG, BRUTAL MASYADO. 

May tatlo ba naman kasing kapatid na lalaki? 

Araw-araw nung bata sila, nag-re-wrestling sila para sa remote! 

Either siya daw yung maaagawan o siya yung mang-aagaw. 

Pero kahit ganyan siya... Mahal ko yan! Since highschool, ang tatag na ng pagkakaibigan namin! Peksman! >u<

*PAK!* 

"Aray Cami! MASAKIT AH?!" 

"Hindi-hindi. MASARAP! GUSTO MO ULITIN KO?!" 

"Ano problema mo? Meron ka ba?" 

"Eh namamatok, ang aga-aga. Magtatanong ka lang naman kung alam ko na yung tungkol kay Mika at Brent." 

"Hahaha! Sus. Edi Sorry!" Umupo siya sa tabi ko. 

Magandang example kami ng magkaibigan noh? OHA! >u< HAHAHA. 

I'm Not Just Another Mistake!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon