<Julie's POV>
"Ate Julie, nasan po si Ate Cami?"
"Oo nga po, Ate Julie. Bakit kayo lang? Gusto namin si Ate Cami!"
Pangungulit sakin ng mga bata..
Edi si Cami na love ng mga bata! Haaaay. Ba't kasi kailangan ngayon pa siya tawagan ng company na pinag-sa-sideline-nan niya.
Yan tuloy, wala akong kasama dito sa daycare.
Nag-volunteer kasi kami ni Cami dito nung summer at since gustung-gusto ni Cami yung mga bata, every Friday, Saturday at Sunday kami nandito.
At oo, NAPILITAN LANG AKO.
Si Cami kasi eh, ginamitan ako ng blackmail..
Kinonsensya ako sa lahat ng mga nagawa ko sakanya.
At eto naman akong tanga.. Nagpaapekto. Tsk.
Wala naman kasi ako talagang hilig sa mga bata.
Masyado sila makukulit at maingay.
Yung kapatid ko ngang batang babae, hindi ko matagalan eh. Demanding masyado.
Pag pinagsasabihan ko naman, iiyak tapos magsusumbong. Buti nalang kina Lolo siya nakatira.
Ayaw ni lolo na kay mama siya tumira kasi bad example daw mama namin. Which is true naman.
Ay oo nga pala, half sister ko yung kinukwento ko.
At oo, galing siya sa isa sa mga lalaki ni Mama.
Haaaay. Pero kahit di ko kasundo yung batang yun, mahal ko yung kapatid kong yun.
Yun nga lang, ayaw ko siyang makasama until hindi pa siya tumatanda at nagma-mature!
"Ate Julie! Si Leo kinuha crayons ko!" Sigaw ni Ana.
"Hindi aaah!" Sagot naman ni Leo.
"ATE JULIE!" Sinugod ako ni Jason at napatumba ako.
Dinumog ako nung mga bata.
Yung buhok ko hinihila na.
Yung uniform ko, na do-drawing-an na ng mga crayons at paint.
Hyperactive yung mga bata!
Nagkakagulo na yung mga bata.
Oh Cami! Nasaan ka ba?
Chaos na ata dito sa kwarto, yung mga bata nagtatakbuhan. At yung iba umiiyak.
Ang ingay na at ako nasa sahig parin at naiipit na nung mga bata. T-T
TULONG! HELP ME! PLEASE!
*toktoktok*
Napatignin ako sa pinto nung may kumatok.
Sino kaya 'to?
Bumukas yung pinto...
at pumasok si.. *gulp*
Alex?!
AHHH!! (>///<)
Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako?
Ehhh! Ba't kilig na kilig ako?
Grabe, may oras pa akong kiligin kahit dinudumog na ako ng mga bata no?
"Julie?"
Nagtatakang tanong ni Alex habang papalapit sakin.
AAHH! Bakit ngayon pa?!
Nagkakagulo yung mga bata. Di ko alam gagawin tapos dadating pa 'tong si Alex?
End of the world na ba?!
BINABASA MO ANG
I'm Not Just Another Mistake!
RomanceNasaktan ng sobra si Cami.. at nagmamatigas na ang puso niya.. Matagal na naghintay si Brent pero huli na kaya? May nakakuha na kaya ng puso ni Cami? Anong nangyari kay Xander? Anong ginawa niya kay Cami? Bakit kahit nasaktan na si Cami, siya parin...