<Julie's POV>
I'm impressed. I didn't realize na pati ako, kikiligin sa ginawa ng pinsan ko for Cami.
It's about time na nga naman na kumilos yung bugok na yun. Nakakapagod na kasi magpigil ng manliligaw ni Cami.
I keep making up excuses and such. Buti na nga lang talaga, okay lang kay Cami na magpigil ako ng manliligaw niya.
Akala niya kasi, kaya ko pinipigilan ang mga manliligaw niya ay para protektahan ang puso niya. Which is only half the truth.
I want her to have my cousin. He's the best guy for her.
Ako mismo ang naging witness sa mga pagluluksa ni Brent para mapansin ni Cami.
And unlike Xander, Brent would never hurt her. I'm sure of it. If he does, sigurado akong hindi intentional.
He highly respects women and he's a great guy. Kumbaga.. Nasa kanya na ang lahat.
That's how much I trust my cousin.
I don't want to sound like I'm selling him, pero that's how he really is.
Kakaiba kasi ito. Chick-magnet. -__-
Ni-hindi pa nga niya girlfriend yung mga dating umaaligid-aligid sakanya eh ang dami niyang nagawa para sa mga ito.
May hatid-sundo.. Open ng door.. The usual gentleman acts ba..
Pero dahil doon sa mga acts niyang yon, na-fa-fall ang mga babae.
That's why I made him promise me to limit his "Sweet Prince abilities" until he gets a chance with Cami..
and use those abilities with Cami.. AND ONLY CAMI.
Oo, kina-career ng pinsan ko yung pagiging Sweet Prince niya!
Flattered daw kasi ang Lolo niyo.. -___-
"JULIE!"
Sigaw ni Brent habang hinahabol ako sa hallway. Papunta na sana ako sa 3rd class ko.
"O Brent? Nasan si Cami?"
Kanina kasing umaga, ako ang nagsilbing taga-bantay nung dalawa para magka-privacy. Pinaalis ko lahat ng tao sa paligid para masolo ni Brent si Cami for the first time.
At yun nga, nagkahiwa-hiwalay na kami. Pero ang alam ko, magkasama 'tong dalawang 'to. Pero bakit wala si Cami?
"Ahh.. Ehh. Yun nga sana itatanong ko sayo.." Nagkamot si Brent ng ulo niya na para bang nahihiya sa nangyari.
"Ha? Bakit? Ano ba nangyari?"
"Tinakbuhan ako eh.." (^.^)V
"EH?!"
"Hindi mo ba siya nakita?"
"Pano ka niya tinakbuhan?! Kailan? ANO NANGYARI?"
SAYANG YUNG CHANCE NI BRENT.
Sa bagay.. I kind of saw this coming.. Hindi kasi nag-eentertain si Cami ng suitors..
It reminds her of someone..
Someone I hate for breaking her.
Someone she buried in the ruins of her heart, with their memories that she couldn't throw away..
"Hindi na importante yun! Alam mo ba ang next class niya?"
"Uhh.." Tiningnan ko yung phone ko. Naka-save kasi dito ang schedule ko at ni Cami just in case we need to find each other. "She's having... PDPR next."
BINABASA MO ANG
I'm Not Just Another Mistake!
RomanceNasaktan ng sobra si Cami.. at nagmamatigas na ang puso niya.. Matagal na naghintay si Brent pero huli na kaya? May nakakuha na kaya ng puso ni Cami? Anong nangyari kay Xander? Anong ginawa niya kay Cami? Bakit kahit nasaktan na si Cami, siya parin...