Chapter 2: The Reason

39 1 0
                                    

[A/N: Merong part doon sa Chapter 1 na hindi nasama nung una kasi nagloko wattpad pero okay na ngayon. yun yung part sa may flashback. yun lang. Naayos ko na. :) ]

<Brent's POV>

"B-Brent.. Mahal kita."

Haaay. Eto nanaman tayo. Akala ko wala nang ganito. 3 weeks na kasi walang nagcoconfess sakin. Kala ko ligtas na ako. Yun pala dahil lang kay Mika. 

Akala ko naman kasi.. friends lang talaga turingan namin..

*flashback* 

"PARE! Ang ganda nung Mika na nanliligaw sayo aah! Iba ka talaga!" Sabi sakin ni Alex. Classmate/Roommate sa apartment na tinitirhan naming magkakatropa.

Nakahiga siya sa kama nung pagpasok ko sa kwarto. 

Si Lance, isa ko pang roommate, nag-co-computer.

"Pinagsasabi mo?" Binaba ko bag ko at tinaasan siya ng kilay. 

"Tourism student, pare. Maganda! Sexy! At BALIW NA BALIW SAYO!"

"Sayang yun, p're. Patulan mo na." Sabat ni Lance. 

"Hindi pwede. Tsaka ano ba? Kaibigan ko lang si Mika!" 

"Sus. Kaibi-kaibigan daw.. Bakit ba kasi hindi pwede? Laging ganyan. " Tumayo si Lance sa harap ng computer, nilapitan ako at umakbay sakin. "Bakla ka ba p're?" 

Tinulak ko siya. "LOKO! Hindi ko mahal si Mika, bakit ko liligawan? Ano yun? Trip?" 

Nagtigninan yung dalawa at sabay sabing "Oo!"

*PAK!* 

*PAK!* 

"Mga bugok! Tigilan niyo 'ko.. Isa pa, ang babae, nirerespeto. Hindi niloloko!" 

Tumawa lang yung dalawa habang hinihimas yung ulo nilang pinalo ko. 

"Ang tanga mo talaga, pare! Papalagpasin mo lang yun?! Ang swerte mo nga eh, ikaw nililigawan ng mga babae!"

Psh. Sino kaya samin ang tanga?

Masisisi ba nila ako? 

Mahal ko Mama ko eh! At tinuro niya sakin na ang mga babae ay dapat irespeto. Hindi yung gagamitin lang na parang bagay.

Oy! Oy! Hindi ako mama's boy!

*end of flashback* 

Namumula si Mika. Haaay. Pano ko ba gagawin 'to?

"Mika.."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Sorry na. Yun na ang the best na magagawa ko eh.

"Mika.. Sorry. Pero kaibigan lang turing ko sayo eh."

Napansin ko na madami nang tao sa paligid. Di ko namalayan. Nako! Ano ba 'to. -___-

Tumalikod na ako at dumiretso sa gate. Siguradong usap-usapan nanaman 'to..

--- 

Lumagpak ako sa sofa sa apartment naming pag-uwi ko. Grabe. Nakakapagod maglakad. Wala kasi bike ko eh. Kahit walking distance lang yung school, mas sanay parin ako magbike.

"Oh, Brent! Ang aga mo aah?" Asar sakin ni Lance. "Balita ko nagpakatanga ka nanaman!" 

"Tigilan mo ko. Sa tignin mo gusto ko magpa-iyak ng babae?" 

"Pare.. Wala naman kasing iiyak kung papatulan mo!" Tumawa siya at inakbayan ako. "Haay nako pare. Ayusin mo nga sarili mo. Wala ka pang lovelife sa tanang buhay mo! O baka naman... Bakla ka talaga?"

I'm Not Just Another Mistake!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon