<Brent's POV>
Badtrip. Ano ba yan. Hanggang uwian ba naman, Malas ako?
---
Ayun. Excused ako sa english lit. kaninang umaga kaya nagliwaliw muna ako.
Di ba nga dahil ayaw kong mahirapan si Mika sa pagfocus dahil sakin?
Kaso mukhang lalong lumala eh. T_T
Bandang hapon kasi, bumalik ako ng school tapos pinag-uusapan nanaman kami.
...Bakit daw ako umalis.
...Iniiwasan ko ba daw si Mika.
..Ano daw problema ko sabi ni Mika.
Balita ko pa nga may nang bubully kay Mika dahil sa nangyari eh, pero syempre nalaman ko kagad
kung sino yung mga yun kaya ako na mismo kumausap sakanila.
Badtrip naman oh. Pero sabi din sakin ni Alex na nakausap na daw niya si Mika at okay na daw sakanya ang lahat kaya naman nung free period ko, hinanap ko siya at saktong free period niya din.
Napahamak nga lang ako ng konti...
"Mika!" Lumapit ako sakanya. Nasa tapat siya ng locker niya at nag-aayos ng mga libro niya.
"B-Brent.." Namumula nanaman siya. Haaay nako, Mika. Hayaan mo makaka-move on ka rin tulad nung mga nauna sayo. Sorry talaga.
"Pasensya ka na kung naisip mo na iniiwasan kita ah?"
"A-ah.. O-okay lang. Nasabi na ni A-alex yung dahilan." Buong time na sinasabi niya yun, nakatignin lang siya sa kamay niya kahit nakaharap siya sakin.
*Sigh..* "Ano.. Mika, about dun sa nangyari.."
"H-ha? Ah! WALA! KALIMUTAN MO NA YUN! TAPOS NA YUN DI BA?" Nagpapanic yung boses ni Mika at mas lalo siyang namula.
Yung mata niya, kung saan-saan napapadpad ng tignin kasi di siya makatignin ng diretso. Hindi ko tuloy napigilang tumawa.
Tumungo lalo si Mika.. Nako! Baka naisip niya na pinagtatawanan ko yung nangyari!
"Ang cute mo pag nagpapanic ka Mika. HAHAHA! Nakakatuwa ka talagang tignan."
Yun naman kasi talaga yung reason kung bakit ako tumatawa eh.
I patted her shoulder which made her look at my hand. Nakikita ko parin na namumula siya.
"HOY, DE LA VEGA!"
Sabay kaming napatignin ni Mika sa sumigaw na babae. Isang grupo ng mga babae yung papalapit samin.
Kilala ko sila.. Sila yung madalas kasama ni Mika.. Barkada ata.. Nako po..
Inalis nung babae yung kamay ko sa shoulder ni Mika.
"Hoy! Wag ka nga lumapit kay Mika! Ano nanaman gagawin mo?! PAAASAHIN MO NANAMAN SIYA?!" Sigaw sakin nung babae.
"Aahh.. Ehh. Clarisse, tama na." Awat ni Mika dun sa babae na dinuduruan na ako.
Ano nanaman ba kasalanan ko?! >.<
Patuloy lang sa pagsigaw yung babae habang yung ibang tropa niya, pinipigilan siya. Pero lahat sila, nakatignin sakin ng masama.
Eeehhh! Ano baaaaa!
"Anoo! --AAH! B-Brent! Alis ka na!" Sigaw ni Mika habang pinipigilan yung Clarisse.
"HOY! ANONG AALIS?! WAG KANG AALIS!--"
Naglakad na ako palayo ng palayo sakanila.
Grabe naman kasi.
Inaayos ko lang naman yung nangyari samin ni Mika.
BINABASA MO ANG
I'm Not Just Another Mistake!
Roman d'amourNasaktan ng sobra si Cami.. at nagmamatigas na ang puso niya.. Matagal na naghintay si Brent pero huli na kaya? May nakakuha na kaya ng puso ni Cami? Anong nangyari kay Xander? Anong ginawa niya kay Cami? Bakit kahit nasaktan na si Cami, siya parin...