Chapter 3 :Your Name, Hobbies, Talents

8 1 0
                                    


Teya's POV

                   "Good! Morning Class" bati ng class  adviser namin. "yeah whayever" sa isip ko sabay irap sa mata. "Hindi magtatagal sasabihan nyo rin kami ng 'worst section'."  isinaisip ko nalang yun baka kasi 1st day palang expelled na ako agad. 

              "So let's start this day with introducing ourselves. Then I'll start with myself" Sinulat nya yung pangalan niya sa board. "I'm Ms. Cris Constantine" "What da!...sa ayos niyang yan Miss pa siya?!" 

"Next..." sabi nung teacher.

"Ma'am! Pero halos magkakilala na po kami" sabi nung sip-sip last year.

" But I still don't know you guys-"

"Ha! buti nga. Ang slow kasi"

"So let's start with you" turo ni mam dun sa babaeng nasa harapan.

"I'm Alyanna Yvled, my hobbies are reading, surfing on the internet"

"Ito si Yana, yung geek. lagi siyang naka upo sa harapan, malabo kasi yung mata. Kainis din 'to minsan pabebe kasi"

"Hi I'm Bryant Dela Paz, my hobby is playing basketball" sabay kaway-kaway na para bang may fans.

Ito si Bryant aka Mr.Typhoon. Sayang pogi pa naman kaso 'matyphoon' mahangin kumbaga.

"Hi I'm Nicole Jane Padilla, my hobby is..... sus pinabitin pa niya "- staying pretty!"

       Kala niya ata nakakatawa. Si Nicole lang naman ang pinakamalanding nakilala ko sa buong buhay ko. Kahit boyfriend na niya ang mahanging si Bryant lumalandi pa siya sa iba, at ng harapan pa!

           Teka ako na pala. Nakaupo ako sa 3rd row. Sa may corner. Ayoko kasing may mangopya sa answers ko.

"Hi I'm Athea Gladys Morgana, my hobbies are writing and using my gadgets then my talent is playing guitar" casual kong pagpapakilala, saka upo, sabay tayo nung katabi ko.

"Hi I'm Glade Anthony Renante" sabay upo. "Huh? yun lang"

                Tiningnan ko siya. Siya yung nakita kong pangalan kanina transferee siguro sya. Naalala ko pinagtawanan ko pala yung pangalan nya kanina, yung 'spray ng lamok'. Tiningnan ko ulit siya. hmm infairness gwapo siya, chinito, maputi, tsaka alam kong may tinatago yang abs- Ay! erase-erase. To' talagang si Teya pinaiiral nanaman ang paglalandi.

            Hindi ko nalang siya  tiningnan. Baka mahuli pa niya ako, at baka isipin pa niyang pervert ako. Kuuuu! hindi bagay sa ganda kong to!




Live Laugh LoveWhere stories live. Discover now