Chapter 1

531 14 0
                                    

Mag dadalawang oras na mula ng umandar ang bus na sinasakyan but yet until now, hindi pa rin ako nakakarating sa pupuntahan ko.

Mapaumaga o gabi kasi, hindi nawawala ang traffic kaya parang hindi halos umuusad ito. Napabuntong hininga na lamang ako at nagsuot na lang ng headset.

Mag aalas otso na ng gabi ng makarating ako sa bagong tutuluyan ko.
Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ng isang ale. I nearly scream buti na lang napigilan ko. I looked at her. Long white hair , pale wrinkle skin and not to mention her long white dress. Sino bang hindi magugulat kung ganon ang tatambad sayo?

"Anong kailangan mo?" Pati boses nito. Nakapangingilabot talaga. Buti na lang wala akong sakit sa puso. Inayos ko muna ang sarili ko bago sumagot.

"Ako po yung tumawag sa inyo na makikitira" ipinakita ko naman ang Id student license ko. Binasa naman niya at pinatuloy na ako.

Mapapansin mong sakto lang ang laki ng apartment but the designs you can tell are all equisite. Carpeted ang sahig at parang bagong gawa lang ito. I think they really put a lot of money just to make this just the way it is now. Pero ang kapansin pansin talaga ay ang mga painting na nakasabit sa bawat pintuan. Binalewala ko ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa tapat ng isang pintuan. Marahil ay yun na ang titirahan ko pansamantala. Tulad ng mga pintuan na nauna naming nadaanan, meron rin itong maliit na nakasabit na painting. Memoir.

"Pasensya na kung ikaw ang nasa pinakadulo. Isa na lang kasi ang available. Buti nga umabot ka pa." ani nito habang sinususi ang pintuan. Nginitian ko lang siya at pumasok na.

Nilibot ko ang mga mata ko. Isa lang siyang simpleng apartment na mayroong dalawang pintuan. Isa ang para sa tulugan at isa naman para sa banyo. Mayroon ring maliit na lamesa at lutuan.

"Linda nga pala. Sige maiiwan na kita. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka." Binigay niya sakin ang susi ng kwarto at pati na rin isang duplicate ng pintuan sa labas. Incase na umalis ako o gabihin daw ako ng uwi at baka hindi niya daw ako mapagbuksan. Nagpasalamat na ako kay aling linda at umalis na ito. Inayos ko ang mga gamit ko. I put all my clothes inside the closet. Wala pa kong stock ng pagkain kaya hindi muna ako kumain. Naglinis ako ng sarili ko at pagkatapos ay humiga na.

Mahigit isang oras na ngunit hindi pa rin ako makatulog. Paano nga ba napunta dito ang desisyon ko? I close my eyes tight. Those are all in the past. I shouldn't be bothered by it. But the pain, it felt like it is stuck inside me. A past that will keep haunting me. Pinapangako sa sarili ko na hinding hindi na ko uling iiyak ng dahil doon. Simula ngayon, kakalimutan ko na ang lahat ng mga nangyare at Mas magfocus sa kung ano ang ngayon. Hindi ko namalayang nakatulog na ko.

--

Kinabukasan, maaga pa lang ay gumayak na ko. Kinuha ko ang twalya ko at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. I chose to wear black t-shirt and leggings with ap pair of black adidas na sapatos. Tinali ko na rin ang mahaba kong buhok dahil tinatamad akong ayusin ito. Kinuha ko ang wallet ko at susi saka lumabas.

Mapapansing sobrang tahimik ng pasilyo na pagkakamalan mong walang ibang tumitira dito. Idagdag mo pa na konting ilaw lang ang nakabukas. Parang nasa isa akong horror film isip isip ko. Binalewala ko na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang pintuan. Binigyan naman ako ni aleng linda ng duplicate ng pintuan. Binuksan ko na ito. Ramdam ko ang malakas na simoy na hangin na dumadampi sa aking balat. Why didn't I think of bringing my jacket with me ? Hinayaan ko nalang tutal andito na rin naman ako. 5:30 pa lang kasi ng madaling araw kaya malamig. Meron naman ng konting liwanag kaya kampante na ko.

Naghanap ako ng tricycle. Buti na lang maaga gumigising ang mga tao dito kaya may nasakyan ako. Sinabi ko kay manong na ihatid ako sa malapit na palengke dahil hindi ko naman kabisado masyado tong lugar na to.

Pagdating namin doon ay binayaran ko na si manong. Kung kanina ay sobrang tahimik, ngayon naman ay maingay dahil sa dami ng tao. 5 pa lang pero marami ng tao. No choice ako kundi ang makisiksik. Bumili ako ng mga pwedeng lutuin at stock sa apartment. Hindi naman kasi ako maarte sa mga kinakain kaya ok na sakin ang mga to.

Hindi ko na namalayan ang oras. Alas diyes na pala kaya nag arkila ako ng tricycle dahil marami rami akong pinamili at nagpahatid na sa apartment.

Mystery FILES #Wattys2016Where stories live. Discover now