Unang binigay sa amin ay English. Madali lang naman para saking sagutan dahil tinuro naman ito dati na sa pinapasukan ko.
Makalipas ng isang oras ay Science naman. Sumunod ang Math, philosophy hanggang sa matapos namin ang lahat maliban dun sa logic questions. Binigay na ni Sir Apollo ang papel na naglalaman ng 100 questions. Nagtataka nga ako na may ganito palang subject dito. Mukang mahihirapan ako. Hindi kasi ako familiar sa subject na logic although i've read some books that contains logics and situational questions. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at sinagutan. Nasagutan ko naman ito. If you just look at the small details, malalaman mo naman yung mga sagot. Although some of the questions are really hard.
Well I must say, this is kinda fun. Yung iba kasing mga tanong is situational. Para tuloy akong si Sherlock Holmes na kaylangan alamin kung pano nangyari ang isang bagay. Napabuntong hininga naman ako. Ilang sandali pa, natapos ko na yung 99 questions maliban dun sa pang huling tanong.
WKLSHYFENYFQKLG! AKE'DU WKMJNUFUV FRU FUGF!!
Step back and move forward if you know the answer
Sa una ay naguluhan ako. Alam kong may meaning ito at kaylangan ko lang ng clue para malaman ang sequence. Step back and move forward? Parang alam ko na. Isusulat ko na sana yung sagot ng biglang nagsalita si sir. Apollo
"Times up! Pass your papers and we'll just going to send you an email once you've passed the examination. Thank you and have a good day" ani nito
Nagsitayuan naman na kaming apat. Naunang lumabas yung babae. Sumunod yung dalawang lalaki. Naiwan naman kaming dalawa ni sir. Apollo. Inaayos ko pa kasi yung mga gamit ko. Paalis na sana ako ng tawagin niya ako.
"Hailey right?"sabi nito ng nakatingin sa test papers ata namin? Nagtataka man ay sinagot ko naman siya ng bakit po
"You remind me of someone. Anyway goodluck. I hope you pass the test" sabi nito sabay ngiti sa akin. Ginantihan ko naman ito ng tipid na ngiti at nagpaalam na.
Okay? Sino naman kaya yung tinutukoy niya? Kung tutuusin, nasa around 22-25 lang ang age nito base on the built of his body. I also saw his bag which he bought around 2015 so meaning,last year lang siya nagstart ng magwork. You can see that he really loves that bag to the point na he even put a tag with his number and put a little message on whoever will found that bag incase it got lost.
How did I know na last year lang siya nagstart work? Its because on how he care about his belongings to the point na when you look closer into his things, lahat made from 2015 and hindi niya pinapalitan ang mga ito even if hindi na siya bago.
Lumabas na ko mula sa eskwelahang yon at pumara mg tricycle. Sinabi ko naman kung saan ako nakatira at hinatid naman niya ako. Pagdating ko dito ay agad kong hinanap ang susi ng tinutuluyan ko. Hindi ko na namalayang makakabangga ako at pareho kaming napaupo pati ang mga gamit ko nagkalat.
" sorry. Hindi ko kasi tinitignan ang daanan ko." Hingi ko ng paumanhin habang pinupulot ang mga gamit kong nagkalat sa sahig. Agad naman niya akong tinulungan.
"Pasensya na rin. May katext kasi ako kaya hindi ko namalayang magkakabungguan tayo" sabi nito ng matapos naming mailagay lahat ng gamit ko sa bag.
" ok lang sige alis na ko" hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tumalikod na.
Ilang saglit pa ay nakarating na ako. Agad kong nilagay ang mga gamit ko sa maliit na lamesa at agad na nagpalit ng damit. Pagkatapos ay hinanda ko na ang lulutuin ko para sa pang gabi. Hapon na kasi ako ng makarating kaya hindi nako nakapag tanghalian tutal naman busog pa ko. Matapos kong magluto ay hinugasan ko na ang mga ginamit ko at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ko ng pang tulog. Binlow dry ko naman ang buhok ko at humiga na.
Papatayin ko na sana yung lampshade ng mapansin kong tuloy tuloy na umiilaw yung phone ko. Ng buksan ko ay tumambad sakin ang mahigit 500 text messages galing sa kanila.
Pinangako ko na sa sarili kong hindi na ko iiyak kaya tinanggal ko yung sim card at itinapon ito sa basurahan. Bibili na lang ako bukas isip isip ko. Pinatay ko na lang yung phone ko at natulog na.
====
Hello guys! Thank you for reading my story sana po patuloy niyong basahin ito kahit minsan matagal ako mag update. Anyway comment lang po your thoughts. :)Abangan niyo po yung next chapter may mangyayare po :)

YOU ARE READING
Mystery FILES #Wattys2016
Misteri / ThrillerHaunted by her past, Hailey decided she can no longer live the life she was before because of what happened. that is why she decided to leave. Coping up with a new environment is not easy. She was hoping to have a peaceful and quiet life. Doing stuf...