Pagdating ko sa apartment ay agad kong nakasalubong si aleng linda. Tinulungan niya akong magbitbit at ilagay sa apartment ko. Nagpasalamat naman ako at umalis na ito. Nagluto na ko ng pang umagahan at kumain.
Pagkatapos kong kumain at hugasan ang pinggan ay dumiretso na ko sa banyo upang maligo uli. Masyado kasing malagkit ang pakiramdam ko. Ikaw ba naman ang makisiksik sa maraming tao at naghalo pa yung amoy ng pawis at ng mga baboy at isda na nandon. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis naman ako ng t-shirt na puti at black na pantalon. Sinuot ko naman yung isa ko pang sapatos na adidas, kulay pula naman ito dahil nadumihan kanina yung isa. Kaylangan ko pang linisin yon.
Kinuha ko yung mga kakailangan ko sa pupuntahan ko,payong, wallet at susi at umalis na.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako. Hailwood Academy Basa ko sa malaking sign at nasa tapat ng isang malaking gate. Para namang nanakawan itong school na to na kailangan pa ng sobrang laking gate. Natawa na lang ako sa isip. Pagpasok ko ay may humarang saking guard.
"Anong kailangan mo?" Tanong sakin. Nakakatakot naman to.
"Mag eenroll po sana ako para sa grade 11" tinignan niya muna ako at hinayaan na. Mapapansing labas pa lang ay ang ganda na. Paaralan pa ba to? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok na ko. Mas nakakamangha ang arkitektura nito. Parang hindi siya paaralan kung tutuusin. Base sa structure nito, isa itong Antillean style na may halong Neo-classical style.
Mahigit isang oras na ata akong naglalakad pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita yung registrar office. Marami rami na rin akong nakikita na siguro ay nag enroll rin. No choice kundi ang magtanong na lang. Kinalabit ko yung isang babaeng nagtetext sa phone. Pano pag nakabangga siya niyan? Inis naman akong tinignan nito"Uhm pwede mo bang ituro kung nasan ang registrar office?" Tanong ko. Kahit inis siya ay sinagot naman ako. Kumaliwa daw ako pagdating sa pangalawang hallway at kumanan sa unang hallway.
Sinunod ko naman ang sinabi nito at nakarating naman nako. Isang babaeng nasa mid 30's na binase ko sa kung pano siya manamit at itsura nito ang bumungad sakin.
Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at sinabing mag eenroll ako. Binigyan naman niya ako ng form at listahan ng utang ay este listahan ng babayaran.WHAT?!1 MILLION ANG TUITION DITO?!HINDI PA KASAMA YUNG UNIFORM! Nagulantang naman ang buong diwa ko. Hindi naman kasi sinabi sa website nila na ganito kamahal ang tuition edi sana sa iba na lang ako pumunta. Ok lang sana kung..nevermind.
"Uhm hehe ang mahal pala ng tuition dito?uhm alis na po ako"nakakahiya. Napataas naman ang kilay nito sa akin. Paalis na ko ng tinawag niya uli ako
"Ano po iyon?"tanong ko
"Gusto mo bang makapag aral dito ng libre?" Tanong nito. Teka libre?!
Tumango lang ako. Ngumiti ito at may binigay saking form.
"Scholar hiring! Just past the test and you'll be 100% enrolled!"
Napaisip naman ako doon. Wala naman sigurong mawawala kung magtetest ako. Pumayag naman ako at finill upan na ito. Pagkatapos ay sinabi niyang sundan ko ito. Tahimik kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang classroom ata. Pagpasok namin ay mayroon akong nakitang 3 nakaupo at isang lalaking matangkad. Teacher ata? Tig one seat apart sila at napatingin naman sila sa gawi ko.
"Umupo ka na uhm what's your name miss?" Tanong nung teacher ata
"Hailey" sabi ko at umupo na.
"Since kayo lang ang nakaabot sa cut off ng scholar ay aasahan kong kahit isa man sa inyo ang makapasok. Matagal tagal narin ng may huling maging scholar. Ako nga pala si Sir Apollo. Incase na makapasa kayo, magiging teacher niyo ko" ani nito. Matagal tagal na ng huling may scholar?ganun ba kahirap ang test dito?sabagay sobrang mahal naman kasi ng tuition
"Before we start. Iinform ko lang sa inyo na mayroon kayong 5 subject na itetest at kaylangan niyong ipasa lahat. Science,math,english,philosophy at logical and solving questions. Each subject ay composed of 50 questions except sa logical and solving questions. Yon ay composed of 100 questions"
Mukang mahirap nga talagang makapasa dito. Tinignan ko isa isa ang mga taong kasama kong magtetest. Dalawang lalaki at isang babae. Yung isang lalaki ay halata mong bored na para bang basic lang yung sinabi ni sir. Apollo. Yung isa naman ay halatang kinakabahan. Samantalang yung babae naman ay nakangiti lang. Weird
Binalewala ko ang lahat at nakinig na lang kay sir.
"Each subject ay kaylangan niyong tapusin sa loob ng isang oras. While yung logic and solving questions ay 1hr and 30 mins. And oh, to make this more exciting, hanggang 5 wrong answers lang ang pwede. Pag lumagpas kayo, i'm sorry but you will not be qualified" nakangiti pa nitong sabi. Nakakapressure man ay tinanggal ko ito sa sistema ko. Wala namang mawawala kung susubukan.
"Now, lets begin"
■■■■■
HELLO GUYS! Just edited this chapter. Ieedit ko rin yung iba para mas maganda lol. Lalagyan ko lang naman ng mga small details but yun pa rin yung flow. Iniba ko lang yung name ng teacher nila :) yun lang hope you like my stories
![](https://img.wattpad.com/cover/79156170-288-k235525.jpg)
YOU ARE READING
Mystery FILES #Wattys2016
Misterio / SuspensoHaunted by her past, Hailey decided she can no longer live the life she was before because of what happened. that is why she decided to leave. Coping up with a new environment is not easy. She was hoping to have a peaceful and quiet life. Doing stuf...