Chapter Three

70 4 3
                                    

 The Punishment

- RANZ POV -

Hello. Ako nga pala si Ranz Kyle Viniel Evidente Ongsee. 16 years old and fisrt year college student. Singkit, maputi at gwapo daw ako. Ehem!

Mahilig din akong sumayaw at dahil dito nakilala ko ang tropa ko. Ang Chicser

" Good morning sir. Gising na po pala kayo ". Sabi nong maid namin habang naghahanda ng breakfast.

" Ay hindi, hindi tulog pa ako. Gamit gamit din ng utak pag may time " I hate slow people. Hassle kasi sa buhay. " Pakidala nalang nong bag ko sa sasakyan ".

" Hind po kayo mag-aalmusal ? " Talagang nagkaroon pa sya ng lakas ng loob na magtanong pagkatapos ko syang barahin.

" Ano sa tingin mo? " Nakakairita talaga sya. Bakit kasi sya pa ang hinire ni Mommy.

Di ko na sya hinintay pang sumagot baka kasi di ako makapagpigil at kung ano pang magawa ko sa kanya.

Lumabas na lang ako ng bahay at napangiti ako ng makita ko yong mustang ko na nakapark na sa harap ng gate. Maasahan talaga si Manong Eddie kahit kelan.

Pumasok na ako sa loob nito at nagsimulang magdrive papunta sa school. Wala pa akong license kaya maingat ako. Maingat sa mga taffic enforcer at pulis na pwedeng manghuli saken.

.

.

.

.

.

Hikab ako ng hikab habang nasa byahe. Pahamak kasi yong bwisit na Ms. Price Tag na yon. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako mauubligang gumising ng maaga. Tsk!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-THENA's POV -

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school. Sarado pa yong mga classroom since maaga pa. Kung di kami naparusahan siguradong nasa bahay pa rin ako ngayon at komportableng nakahiga sa kama ko. Bwisit kasi yong Ranz na yon.

Pagdating ko sa classroom ay agad akong kumuha ng walis. Lalabas na sana ako ng may marinig akong humihilik. Tumingin ako sa may bandang likod at nakita ko si Ranz. Hmmmmmmmmmm.... May naisip akong bad idea .. bwahahaahaha

Lumapit ako sa kanya at dinukot ko yong pentel pen sa bag ko. Kinapalan ko yong kilay nya at nilagyan ko ng mga dots yong mukha nya parang malalaking black heads..

Pero infairness ang cute nya pala pag tulog. Para syang anghel. Ang tangos ng ilong nya at perfect ang hugis ng mukha nya. Di mapapagkailangang marami ang nagkakagusto sa kanya.

" Hoy! Bakit ganyan kang makatitig saken ? Pinag nanasahan mo ko no "

" Asa ka! "

" Tanggi ka pa. Eh huling huli ka na sa akto " Sabay ngiti nya na parang aso.

" Hoy! Mr. Tinititigan kita kasi sinisigurado ko lang kung laway ba yang nasa pisnge mo. Ewwww, T.L pag natutulog " Syempre kunwari lang yon. Gusto ko lang syang asarin para di na nya ako kulitin.

" Sadyang mainit lang ngayon kaya pati itong bibig ko ay pinag papawisan rin. Paero aminin mo naakit ka sken no." Inilapit nya yong mukha nya sakin. Parang 1 inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Naaamoy ko na ang hininga nya at pakiramdam ko ay nag iinit na naman ang pisnge ko.

" Kapal mo. Hinding hindi ako maaakit sa katulad mo " Sabay iwas ko ng tingin.

" Kung hindi eh bakit ka nag bublush ? " Shocks! Napansin nya pala.

" Ikaw na mismo ang nag sabi na mainit ngayon. Ganito talaga ang balat ko namumula pag naiinitan " Tumayo na ako at nag lakad palabas. Grrr! Kahit kailan nakakainis talga ang Ranz na yan.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

- RANZ POV -

Naratnan kong nagwawalis na si Ms. Price Tag sa ground. Tumayo lang ako sa harap nya at para akong supervisor na nag o-observe sa kanya.

" Hoy! Anong tingin mo sa sarili mo seniorito ? Ang kapal rin ng mukha mo eh noh!
Ang taray talaga ng babaeng to. Parang lagi syang may dalaw. -:-

" Kaya mo na yan " Tinalikuran ko na sya at nag lakad na ako palayo.

" Ah ganon. Hetong sayo! " * Booggggs *

" Aray! " Binato ba naman ako nong walis na hawak nya. Tsk! Ang sakit tuloy ng ulo ko. May bukol ata.

" Bagay lang sayo yan. Tamad " Nagawa pa nyang mag roll eyes. Pinupuno nya tlaga ako. Lagot ka sakeng babae ka.

" Ah ganon! Magtago kana sa saya ng nanay mo dahil pag nahuli kita, siguradong lagot ka saken " Sumigaw talaga ako para takutin sya. And infairness mukhang effective kasi namutla sya!

" Kung mahuhuli mo ko .. beeeelat " Mukhang nagmakali ako. Di ko pala sya nagawang takutin.

Nag simula na syang tumakbo at syempre hinabol ko sya. Di ko akalain na ang bilis nya palang tumakbo siguro may lahi syang kabayo.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

- THENA's POV -

Heto ako ngayon at nag tatatakbo sa ground habang hinahabol nong halimaw na yon. Medyo kampante ako na di nya ako maaabutan kasi naman ang bagal nyang tumakbo, walang ka energy - energy. Siguro di sya kumakain ng gulay. Tsss.

Pag lingon ko ay wala na sya sa likod ko. Siguro ay napagod na sya. Buti naman hinihingal na rin kasi ako.

Umupo muna ako sa likod ng isang puno para makapag pahinga.

* Inhale
Exhale

* Inhale

* Exha ----

" Huli ka! " Dahil I'm busy catching my breath di ko namalayan nasa harapan ko na si Ranz.

" Ranz ayaw ko na pagod na ako " I feel helpless. Bakit ba kasi naabutan ako ng mokong na to.

" Sorry ka, pero gusto ko pa. Are you not enjoying ? Hmmmm! Ngayon pa lang mag sisimula ang tunay na laro " Hinimas himas pa nya yong baba (chin) nya. Hala! Kinakabahan ako, ano kayang gagawin nya saken.

" Ui! Ano yang nasa likod mo "

" San ? " Sabay tingin sya sa likod. Pagkakataon ko na to para tumakas,

* Isa

* Dalawa

Tak-bo!

Nakaka apat na hakbang pa lang ako ng bigla akong matisod sa bato. Muntik na akong matumba sa lupa. Buti nalang at nasalo ako ni Ranz.

Nakabend yong katawan ko tapos nakahawak sya sa likod ko.

" Bakit ganyan ka makatingin ? I'm sure ineenjoy mo ang position natin ngayon "

" Tse! Bitiwan mo nga ako " Nag pumiglas ako pero di nya ko binitiwan kaya ang resulta pareho kaming natumba sa lupa. And the worse thing is, he's on top of me.

This time ang lapit na talaga ng mga mukha namin sa isa't isa. Anytime pwede nya akong halikan at pag iniimagine ko yon ay nasusuka ako. Ewwwww, hinding hindi ko ibibigay sa kanya ang first kiss ko.

" Your lips are attracting me " Ano daw? Wag mong sabihing hahalikan nya talaga ako..

Ahhhhhhhhhhhhh! No way ...

Inilapit nya ng inilapit yong mukha nya saken at wala akong ibang
nagawa kundi ang pumikit at inguso ang labi ko. Di ko alam kung bakit ko ginawa yon, basta bigla na lang gumalaw yong katawan ko.!

" Asa ka namang hahalikan kita baka mahawa pa ako sa kasungitan mo " Sabay pitik nya sa labi ko.

Ibig sabihin nag assume ako na hahalikan nya talaga ako? My goodness, nakakahiya !!! Sana lamunin na ako ng lupa ngayon ... huhuhuhu

" Tabiiiiiiiiii " Tinulak ko sya at tumayo na ako.

Di ko namalayan na marami na palang nanunuod samen. Tssssk! Nakakahiya talaga ..

Tumakbo nalang ako palayo sa ground para makatakas sa mga mga matang nakatingin sa akin. Mga matang naiinggit at mga matang nang aasar. =____=

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

- RANZ POV -
Nag lalakad na ako ngayon sa corridor pabalik ng classroom ko. Ang sarap sa pakiramdam na
nakaganti na ko sa babaeng kinaiinisan ko. Bwahahahahahaha, napapangiti talaga ako pag
naaalala ko yong mukha nya kanina. Malapit na ako sa classroom pero ngayon ko lang napansin na pinag tatawanan ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Bakit kaya?


" Hoy! Miss " Tawag ko don sa isang babaeng estudyante na tumatawa habang nakatingin saken.

" Bakit ? " Di pa rin sya tumitigil sa pag tawa. Nababaliw na ba sya?

" Bakit mo ko pinag tatawanan ?"


" Try mong magsalamin para masagot mo yang tanong mo. Heto oh, gamitin mo muna tong saken " Sabay abot nya sakin nong salamin nya.

" Ano bang mali sa mukha ko eh ang gwapo gwapo ko nga ... Aaàaaaaaahhhhhhhhhhh ! "
Napasigaw ako bigla eh kasi naman ang kapal ng kilay ko tapos ang daming itim na tuldok sa
mukha ko. Bwisssssssiiiiit talaga ang Ms. Price Tag nayon. Humanda sya saken, di pa kami
tapos.

Love Beyond ConditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon