Chapter Four

2 0 0
                                    

Music Partner

- THENA's POV -

Heto ako at tumatakbo ngayon sa corridor. Five minutes nalang kasi at magsisimula na ang una kong klase. Tssss. Bakit ba kasi tinanghali ako ng gising.

" Diba sya yong nag assume na hahalikan sya ni Ranz ? Ewwwww ang kapal ng mukha " Sabi nong isang babaeng estudyante sa kasama nya. First year college students din sila iba nga lang ang course.

" Sya nga yon. Yuck ! Akalain mo yon nagkaroon pa sya ng lakas ng loob na magpakita dito pagkatapos nong nangyari "

Tumigil ako sandali sa pagtakbo at sinamaan ko sila ng tingin. Bigla namang naging spechless yong dalawa. Natakot ata saken. Pasalamat sila at malelate na ako dahil kung hindi baka nakalbo ko silang pareho.

Pagkadating ko sa pintuan ng classroom namin ay nakahinga ako ng maluwag. Wala pa kasi si Mam. Hayyy! Buti naman.

" Good morning Mudra " Bati saken nong seatmate ko. Johnnas Coley ang name nya. Naging magkaibigan kami simula nong sinamahan nya kami ni Ranz sa Guidance Office. Kung tatanungin nyo kung bakit mudra ang tawag sya sa akin. Di ko rin alam. Ewan ko ba sa bekeng to.

"Good Morning. Wala ba si Mam?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita mo bang may teacher sa unahan? Obvious namang wala diba?" Umandar na naman ang pagkapilosopo nya.

Babatukan ko na sana sya nang biglang magsalita yong president ng klase namin.

" Guys wala tayong klase ngayong first period. Absent si Mam, kaya pwede tayong magparty party. "

Hayun ! Naghiyawan na ang mga kaklase ko. Eh pano ba naman itong president pa namin ang promotor sa pag iingay. Sarap pektusan sa pancreas. Tch. -:-

" Mudra narinig mo yon ? Wala daw tayong klase "

" Malamang may tenga ako kaya narinig ko yon." Sabay roll eyes.

"Aba! Natututo ka ng mamilosopo ngayon. I'm so proud of you" Parang timang tong si Johnnas. Ano namang dapat nyang ikaproud don?

Nagkwentuhan lang kami buong isang oras. Ang dami nyang kalokohang alam. Konteng konte nalang at itatakwil ko na to bilang kaibigan.

Maya-maya ay dumating na yong teacher namin para sa next subject. Bata pa sya siguro nasa around 20's palang yong age nya. Nakakatomboy nga kasi ubod sya ng ganda parang pang model yong beauty nya.

" Good morning class "

" Good morning Mam " We said in unison.

" I am Ms. Joan Kiara Soberano. Your Music teacher. "

Ang baklita kong kaibigan titig na titig sa teacher namin. Insecure ata.

" Since first meeting palang natin to, di muna ako magkaklase but may activity kayong gagawin "

" Activity agad , agad. Mam baka pwedeng next week nalang " Umandar na naman ang pagkareklamador nitong si Johnass.

" Next week nyo pa naman talaga ito gagawin. Sasabihin ko lang ng maaga para makapag prepare kayo. Simple lang naman ang gagawin nyo. Ipapartner ko kayong lahat and each partner should present any song sa harap ng klase. The day of presentation would be on Monday next week. So listen para malaman nyo kung sino ang kapartner nyo "

Isa isa ng tinawag ni Mam yong magkakapartner. Sana naman mabait yong maging partner ko. Ayaw ko ng pasaway baka magkasakitan pa kami ng di oras. Ano ba toh, parang nagiging brutal na akong masyado.

" And the last partner would be " Last partner na ? Di pa ko natatawag at di parin natatawag si Johnass so ibig sabihin kami ang partner ? Yiieeehh, buti naman. " Mr. Coley and Ms. Jocson " Whua-aaat? Dba last partner na. Eh di pa ko natatawag ah. Ibig sabihin ba nito, excempted ako ? Assuming °______°

" Meron pa bang di natatawag ? "

" Mam " I raised my hand. Sayang yong grade pag di ako nag present.

" Since dalawa kayong di natawag kayo nalang yong partner "

Lumingon ako para tingnan kung sino yong tinutukoy ni Mam. Anooooo ? Si Ranz ng partner ko ? Sa dinami dami ng classmate ko bakit sya pa. Bakit ang halimaw pang ito. Tsssssss. *pukpok sa ulo* " Malas, Malas, Malas. Arghhh !! "

" Mudra para kang baliw " Siniko ako nang mahina ni Johnass. Doon ko lang napagtanto na pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko. Ahehehehe, nakakahiya . *____*

" Miss may problema ba ? " Tanong saken ni Mam ganda.

" Ah, eh a-yaw ko lang po sa partner ko "

" Bakit ? Gwapo naman sya ah. In fact bagay nga kayo eh "

Etchuserang teacher . AisT.

" Kung makaayaw ka naman parang lugeng luge ka sa akin " Sabat ni Ranz.

" Pag nag uusap ang tao pwede bang wag sumabat ang kabayo "

" Pre oh , tinawag kang kabayo. hahaha " Pang aasar nong isa naming kaklase kay Ranz.

" Ako pa ngayon ang kabayo. Eh sino kaya ang mas mabilis tumako sa ating dalawa. Wait may naalala lang ako. Guys gusto nyo bang ikwento ko sa inyo ang nangyari sa ground kahapon?" Patay. Ako mismo ang nag udyok kay Ranz na ungkatin ang nakakahiyang pangyayaring yon. Tsss. Thena ang tanga tanga mo tlaga . =_____=

" Tama na yan baka magkapikonan pa kayo. So guys you may use our remaining time para pag usapan kung ano ang kakantahin nyo "

Thank you Mam Ganda. Iniligtas mo ako sa sadlak ng kahihiyan. I like you na talaga. Hahaha :)

Nagsipuntahan na yong mga kaklase ko sa kani-kanilang mga partner pero mas pinili kong manatili lang dito sa upuan ko. Never akong lalapit sa Ranz na yon. Bahala sya sa buhay nya . Mag kanya-kanya nalang kami ng ipepresent.

" Ms. Pricetag nong iprepresent natin ? "- Ranz . Sya ang lumapit saken. Concern din siguro sa grade nya.

" May pangalan ako. Thena, if ever na di mo alam "

" Whatever. Dali magsuggest ka na ng kanta "

" Bahay kubo "

" Nice suggestion but mas maganda siguro kung yong Cha Cha nalang ni Ryza. Ako yong kakanta tapos ikaw yong sasayaw. Oh dbah with matching comedy pa yong presentation natin "

" Gawin mo mag-isa. " Tumayo na ako. Tss. Bakit ba lagi nalang akong asar talo sa isang toh. " Johnass tara sa canteen "

" Mudra busy pa ako pwedeng mamaya na lang ? "

"Libre ko kahit anong gusto mo"

" Heto na nga oh tatayo na. " Kita mo toh. Ang galing paglibre.

" Hoy! Ms. Price Tag bumalik ka ditooo. " Pahabol na sigaw ni Ranz.

" Mudra pinapabalik ka ng prince charming mo "

" Prince charming mo mukha mo. Wag mo nalang pansinin epal lang talaga yan " Nagtuloy tuloy na kami sa paglalakad. Kainis talaga ang Ranz na yon. Panira ng araw. Bwisit!!!

Love Beyond ConditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon