Chapter Five

2 0 0
                                    

Practice (Little SPSG)

- THENA's POV -


Sabado ngayon at nandito ako sa park na malapit lang sa bahay namin. Almost one hour na akong nakaupo dito naghihintay sa mokong na si Ranz! Kung iniisip nyo na magde-date kami. NO WAY!! Never as in never akong makikipagdate sa hambog na lalaking yon. Kung hindi lang dahil sa music presentation namin ay hinding hindi ako makikipagkita sa kanya.

Alas dos ng hapon ang usapan namin pero hello? Anong petsa na mag aalastres na wala pa rin sya.

Sa halip na inisin ang sarili ko sa paghihintay sa kanya. Dinivert ko na lang pansin ko sa mga batang naglalaro. Nakakatuwa silang tingnan buti pa sila walang inaalalang problema sa buhay.

"BULAGA!"

"Ay butiking payatot!" Halos mapalundag ako sa pagkaka-upo dahil sa sobrang gulat.

"Iwasan mo kasi ang sobrang kape Ms. Price Tag lalo kang nagiging nerbyosa"

"Ewan ko sayo! Alam mo sumusobra kana. Napakarami mo ng atraso saken. Baka akala mo nakalimutan ko na yong ginawa mo saken sa ground nong isang araw?"

"Haha! Hanggang ngayon natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yon." Ahm-- wait" Huminto sya sandali sa pagsasalita at kinuha ang cellphone nya sa bulsa.

"Tingnan mo oh" iniharap nya saken yong cellphone nya.

"Waaaaahhhh!!!! RANZ KYLE VINIEL EVIDENTE ONGSEE burahin mo yan! o mukha mo ang buburahin ko" Nagpupuyos ako sa galit eh pano ba naman may picture pala sya nong natumba kami sa ground. Kyyaaaaah. Ang epic ng mukha ko don. Nakanguso na parang naghihintay sa halik nya..Waaaaaa!! nakakahiya!!

"Cool ka lang Ms. Pricetag. Wag masyadong high blood. Teka friend ba tayo sa
facebook? Upload ko to tapos itatag ko sayo."

"Subukan mong i-upload yan.Sinasabi ko sayo. Babasagin ko talaga ang mukha mo"

"Magmakaawa ka muna."

"No! Never akong magmamakaawa sa hambog na katulad mo."

"Di wag. Madali naman akong kausap. hay! Mag a-upload muna ako." Waaaa!! baka totohanin nga nya. Marami syang friends at followers sa facebook siguradong magvi-viral yon. Sandamakmak na kahihiyan ang aabutin ko pagnagkataon.

"Ah- eh Ranz nagbibiro lang naman ako. Ah-eh. Ano. Ahm. Ano kasi"

"Ano?! Bilis baka magbago pa ang isip ko."

"Ah. eh. Plea.-se wag mo i-upload. I'm begging you." Sabi ko habang nakatungo. Haist! I'm not into it. Di ako sanay na nagmamakaawa sa iba. I can't believe na gagawin ko toh at sa lalaking kinamumuhian ko pa.

"Sige payag na ako. Nakakaawa ka kasing tingnan eh. Pero may kondisyon" Ngumiti sya na parang nakakaloko. Mukhang may masama syang binabalak.

"Ano namang kondisyon?" Mataray kong tanong.

"Pag-iisipan ko pa. For the mean time magpractice na muna tayo."

Hay naku! Ano na naman kaya ang plano ng mokong na to. Pano ako makakaganti sa kanya ngayong may hawak syang alas laban sa akin? Kailangan kong mag isip. Kailangan kong gumawa ng plano. Hindi ako talunan. Hindi pa tapos ang laban!!

.
.
.
.
.

Mag aalas dyes na ng gabi pero nandito pa rin kami sa park. Nakakainis ang Ranz na to. Kanina ko pa gustong umuwi pero ayaw pumayag. Magpa-practice pa daw kami. hayy!! Hindi ba sya napapagod?!

Nga pala Marry Your Daughter ang kakantahin namin. Sya ang fisrt part, ako ang second tapos sabay kami sa chorus. Ideya nya lahat ng ito. Di naman ako makatangge sa mga suggestion nya kasi nga may pang blackmail sya sa akin. Kainis! Naging sunod sunuran tuloy ako sa kanya.

"Alam mo na yong gagawin mo? Siguraduhin mong hindi kang papalpak sa Lunes" Anong tingin nya saken SLOW igagaya pa ko sa kanya.

"Mahigit twenty times tayong nagpractice tapos itatanong mo saken kung alam ko na ang gagawin ko? Natural! Kabisadong kabisado ko na. Ngayon pwede na ba
tayong umuwi?"

"Hindi pa may pupuntahan pa tayo!"
Hindi ko na nagawang magreklamo dahil hinila nya ako bigla. Bwisit na to, saan kaya ako dadalhin. grrr!!
.
.
.
.
Tuloy pa rin si Ranz sa paghila sa akin. Saan nya ko dadalhin? waaaaa. Baka! Baka! Kyyaaaaahhh. Bata pa ako.. *erase* *erase*

"Hoy? Ms. Pricetag bakit ka umiiling-iling dyan? Anong iniisip mo. Aha! Iniisip mo atang--"

"Hoy! Hindi noh. Manigas ka dyan. Bakit ko naman iisipin yon aber."

"Tingnan mo to napakadefensive. Wag kang mag alala di ka luge sa akin" Bigla syang huminto sa paglalakad. Tiningnan nya ko ng diretso pero umiwas ako. Titig na titig sya sa saken pero ayaw kong sumulyap kasi baka magtama ang mga mata namin.

*Dug

*Dug

*Dug

Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Napakabilis.

Lumapit sya sa akin. Palapit ng palapit. Akala ko susubukan na naman nya akong halikan pero this time tinungo ng mga labi nya ang batok ko. Hindi ito nakalapat sa balat ko pero ramdam na ramdam ko ang hininga nya. Nakikiliti ako at pakiramdam ko ay may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Napalunok ako bigla. Dapat akong magpumiglas pero di ko magawa.
Pakiramdam ko gusto ng sistema ko ang nangyayari ngayon. Mali ito. Maling mali.

Naramdaman ko na lang na nasa tapat na ng kaliwa kong tenga ang labi nya.

"Ms. Pricetag masyado kang FC" Bulong nya sa akin. Hinayupak na to! Bubulong lang pala ang dami pang kaeng-ekang ginawa. Pero teka? Ako FC. Wow ha!

"Ikaw ang Feeling close. Palapit-lapit ka nga saken eh. Bakit friends ba tayo?!" Sabay roll eyes.
Tumawa sya bigla. Teka may nakakatawa ba sa sinabi ko? Nasisiraan na ata sya ng ulo.

"Sabi ko FC ka as in FLAT CHESTED" Sabi nya sabay takbo palayo.

Loaddingggg .......

Ano daw? FLAT CHESTED.
"Kyyaaaahhhh!! RANZ KYLE VINIEL EVIDENTE ONGSEE napakabastos mo!!" Sinubukan ko syang batuhin ng tsinelas pero hindi sya tinamaan. Grrr!! May araw ka rin saken!

Love Beyond ConditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon