We Met Again
Thena's POV
First day of school ngayon at heto ako di mapakali. Excited na kinakabahan. Hay! Sana maging maayos ang araw na ito.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate ng school ay pansing pansin ko na agad ang mga matang nakatingin sa akin. Grabe sila makatingin mula ulo hanggang paa talaga.
Diretso na ako sa classroom ko na nasa second floor. May teacher na kami at ayaw kong mag excuse kasi baka madistract ko yong klase. Grabeng sisipag naman ng mga teacher dito first day of school may klase na agad. Tch -:- Wala man lang bang orientation?
Tumingin ako sa likod at swerte kasi may isang bakanteng upuan ..
Dahan-dahan akong pumunta don. Uupo na sana ako kaso may biglang humila nito kaya ang ending napasalampak ako sa sahig.
" Tae naman oh! Hindi mo ba nakita na may tao .. Bwisiiiiiit!!!! " Sabi ko habang dahan dahang tumatayo at pinapagpagan ang likurang bahagi ng palda ko.
" Miss wag ka ngang feeling dyan. Akin tong upuan na to, kaya chupe "
" Anong sa---- " Natigilan ako sa pag sasalita ng mapatingin ako sa kanya. Waaaa!! Sa dinami dami ng taong makikita ko bakit sya pa!!
" Oh! Miss bakit ka natigilan dyan? Na star struck ka ba sa kagwapuhan ko ? "
" Bi-bitiwan mo yang upuan o sa-sapakin kita" Nangangatal na yong boses ko dahil sa sobrang galit. Makita ko pa lang kasi ang mukha ng Ranz na toh kumukulo na agad ang dugo ko.
"Takot naman ako. Pero infairness ang cute mo talagang magalit Ms. Price Tag " Ngumiti sya na parang nang aasar.
" Anong sabi mo! " Susuntukin ko na sana sya nang biglang sumigaw yong teacher namin.
" The two of you. Proceed to the Guidance Office now! Mr. Coley please assist them"
Pareho kaming napakaripas ng takbo palabas ng classroom dahil sobrang nakakatakot yong mukha nong amazona naming teacher. Sumunod naman yong estudyanteng tinawag ni Mam at inasist nya kami papuntang Guidance Office.
* Sa Guidance Office *
" Ano ba naman kayong dalawa, first day nyo pa lang dito pareho tapos nag away agad kayo at dahil lang sa isang upuan. Kung sinabi nyo na lang sakin ay di sana nag padala ako kahit na sampu pang upuan sa classroom nyo " Napahilamos yong kamay nong Guidance Counsellor sa mukha nya.
" Eh kasi naman po i-tong lalaking i-to, uupo na sana ako eh bigla ba namang hinila yong u-puan kaya ang ending napa salampak ako sa sahig. "
" Sir sya po ang may kasalan, maniwala po kayo sa akin " Nag puffy eyes pa yong loko. Susko! Wag naman sanang madala sa charm nya ang Guidance Counsellor namin.
" Sir sya po tlaga ang may kasalanan. Pls. sa akin po kayo maniwala. " Nagpuffy eyes din ako. Kung kaya nya pwes kaya ko rin.
" Sir sya po ang may kasalanan. " Sigaw nya
" Ikaw kaya!" Sigaw ko
" Ikaw! " - Sya
" Ikaw! " - Ako
" Ikaw! " - Sya
"Ssttooop! Para kayong mga bata. I want to talk with your parents bukas na bukas din " Napuno na yata yong Guidance Counsellor dahil sa katigasan ng ulo namin kaya naman di na nya napigilan pang sumigaw.
" Sir punish me anything wag lang yon " Halatang namumutla sya. That means takot syang ipatawag ang parents nya dito sa Guidance Office? Napangiti tuloy ako bigla. I can't imagine na ang isang Ranz Kyle Viniel Evidente Ongsee ay may kinakatakutan din pala.
" Bakit ka ngumingiti dyan? Ok lang ba sayo na ipatawag dito sa GUIDANCE OFFICE ang parents mo? "
" Ok lang saken pero sayo mukhang hindi " I smirk -.-
" Anong hindi ok lang saken no " Di lang pala sya mayabang sinungaling din.
" I change my mind. Since first offense nyo pa lang to, iba nalang ang ipaparusa ko sa inyo " Ngingiti ngiti yong Guidance Counsellor mukhang may iniisip syang kalokohan.
" Ano naman pong parusa ? " tanong ni Ranz.
" Mag lilinis kayong dalawa ng ground bukas. Simple lang ang parusang yon at alam kong kayang kaya nyo "
" NO WAY " Sabay naming sigaw.
" It is an order. Well mamili kayo, punishment o expulsion . "
" Sige na po. Payag na ako " Pumayag ako hindi dahil sa gusto kong makasama ang mokong na toh kundi dahil sa ayaw kong madisappoint saken si Mommy. Nangako kasi ako sa kanya na lagi akong magbe-behave.
" Sige payag na rin po ako "
" Good! For now , bumalik na muna kayo sa classroom nyo. "
BINABASA MO ANG
Love Beyond Conditions
أدب الهواةAng kwentong magpapatunay na walang pinipili ang pag-ibig.