Chapter 8

1 0 0
                                    

Dream

- THENA's POV -

Di ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya. Sinubukan kong dumistansya pero hinila nya ko palapit sa kanya.

"Ranz ano na naman ba 'to." Sambit ko ng may pagkahalong inis.

"There's something in your lips na naaakit ako". Hanu daw? Waaaaah! Viniel naman eh.

Ayaw kong mag-assume na hahalikan nya ako nang huli ko kasing gawin yon ay napahiya lang ako.

"Tigilan mo ko Ranz! I have to go may gagawin pa ko." Sabi ko sabay tangkang lumakad palayo.

"Ms. Pricetag remember our deal? I won't upload your picture kung susundin mo ang kondisyon na ibibigay ko. Now handa kana ba sa kondisyon ko?" Napatigil ako sa sinabi nya.

"Handa na ako kahit ano pang kondisyon yan. Gagawin ko na para matapos na to."

Ngumiti muna sya bago nagsalita.

"Kiss me!"

Loa..

Load....

Loadi....

Loadin....

Loading.....

0_0

"Halikan ka?" waaaaah! I kennet hindi pa ko ready. Biglang uminit ang mukha ko sa sinabi ni Ranz. Kiss him! No way! There's no way na hahalikan ko ang mokong na 'to!

"You heard it right, Kiss me now".

"No. I can't" matigas kong sagot habang umiiling-iling pa. Kahit ganito ako pinapahalagahan ko pa rin ang first kiss ko.

"Ok! Madali akong kausap then wait for your picture to get viral" Sabay kuha ng cellphone nya sa bulsa. Waaaah! What will I do? Anong pipiliin ko? Halik o kahihiyan?

"Ranz wag mo namang gawin yan. Maawa ka naman sa akin. Gusto mo bang ibully ako ng buong Elites University dahil sa picture na yan? Gusto mo bang pagtawanan ako ng lahat? Makakaya ba ng konsensya mo kapag nasira ang buhay ko dahil sayo?"

Lahat na halos ng pagmamakaawa ay ginawa ko na pero mukhang wala lang effect sa kanya. Di man lang nya nagawang sumagot at patuloy lang sya sa pagkalikot ng cellphone nya.

"Look" Iniharap nya sa akin yong cellphone nya. Waaaaah! Isang pindot nya lang sa post tuluyan ng kakalat yong picture ko at tuluyan na ring masisira ang pangalan ko huhu. I can't believe this is happening to me.

"Fine! I'll give you what you want". I sighed. Tuluyan na atang mawawala ang first kiss ko. Huhuhuhu Sa future husband ko, Sorry dahil hindi ikaw ang naging first kiss ko huhuhu. My damn innocent and kissable lips good bye to you.

"Do it now bago pa magbago ang isip ko." Mokong na 'to demanding pa. Akala ba nya madali para sa aming mga babae na ibigay kung kani-kanino ang first kiss namin?

I looked straightly on him. Sobrang gwapo talaga ng lalaking kaharap ko ngayon. Diretcho ko syang tiningnan sa mata. Para akong nahihipnotismo. Yong mga mata nya, parang magnet na hinahatak ang katawan ko palapit sa kanya.

"Kiss me now!" He bite his lower lips. OMG! This guy is so freak*n hot!

Inilapit ko ng inilapit ang mga labi ko sa kanya. I can now smell his breath and it gives me chills. Tapos sabay ngiti ng mokong. Kyaaaah! Ranz you are driving me insane.

I was about to kiss him ng biglang........

"T-H-E-N-A" Napabalikwas ako bigla sa kama. Waaaaah! Panaginip lang pala. Kung di ako tinawag ni Mama siguradong nasa panaginip pa rin ako ngayon at... at.... At... kyaaah! Natuloy sana yong halik. Huhuhu Ma kahit kailan panira ka talaga!

"Aba't wala ka talagang balak bumangon! Tapos na ko sa mga gawaing bahay tapos ikaw nakahilata pa rin dito. Pambihira ka talagang bata. Bumangon kana dyan! Tsaka kanina pa tumutunog yang cellphone mo. Magsabi ka nga sa akin, may boyfriend kana noh?

Halos mawindang ang mundo ko sa sinabi ni Mama. Boyfriend agad agad! Hindi ba pwedeng kaibigan ko lang yong tumawag?

"Ma manliligaw nga wala, boyfriend pa kaya! Napakadumi talaga ng utak mo"

"Kung sabagay sino ba naman ang magkakagusto sayo" Sabay takbo nya palabas ng kwarto ko.

"Ma ang hard mo talaga saken! I hate you!!!." Hanggang sa labas ay dinig ko pa rin ang paghagalpak ni Mama. Tuwang – tuwa talaga syang inisin ako.

Grabe talaga talaga sya sa akin. Ganon ba ako kapangit?. Tsaka kung pangit ako edi pangit din sya hahaha. Sa kanya ako nagmana.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla na namang magring yong phone ko.

*May pangit na tumawatag*

*May pangit na tumatawag*

0916********* calling......

I answered the phone.

"Hello?"

"Finally sinagot mo rin!"

"RANZ?"

"Oo ako nga! Kanina pa ko tumatawag bakit ngayon mo lang sinagot? Hindi mo ba alam na ang tagal kong naghintay?"

"Wala akong pake-alam! Tsaka sinabi ko ba na tawagan mo ko?"

"Ah ganon! Gusto mo bang i-upload ko yong picture mo?"

"Ito naman di na mabiro! So ano nga? Bakit ka ba napatawag?"

"Naalala mo ba yong deal natin? I won't upload your picture kung gagawin mo ang kondisyon na ibibigay ko?"

"Oo! Naaalala ko di pa naman ako ganon katanda para maging makakalimutin"

"Good! Kita tayo sa Brews Café mamaya pag-uusapan natin yong kondisyon na ibibigay ko. 3:00 pm sharp! Subukan mong malate and your picture will get viral"

"O---"

*toot*

*toot*

Bastos na yon! May sasabihin pa ko biglang ibinaba yong cellphone grrr!!

Love Beyond ConditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon