Fake Kidnapper
- THENA's POV -
2:00 PM palang pero tapos na ang klase ko. After kasi nong music presentation namin ay pinauwi na kami ni Mam Soberano. May meeting daw kasi lahat ng teachers sa dean's office.
Kinuha ko yong payong ko sa bag at nag umpisang maglakad. Trip ko kasing maglakad lang pauwi para na rin makatipid ako. Isa pa gusto ko ring bumili ng banana que sa kanto. Miss ko na din kasing kumain non.
-
-
-
-
Kanina pa ako naglalakad at kanina pa rin ako may
napapansing sumusunod sa akin. Uso pa naman ngayon ang kidnapping. Yong basta ka na lang dadamputin tapos kukunin ang mga lamang loob mo tapos ..
tapos .. isisilid ka sa sako at itatapon sa ilog.
Whaaaaaaa 0____0 bata pa ko marami pa akong pangarap.
Dahil sa takot ay tumakbo nalang ako. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para takasan yong taong sumusunod saken.
*Takbo*
*Lingon*
*Takbo*
*Lingon*
*Tak---
*Boggggsssssss*
Napahinto ako sa pagtakbo ng may mabunggo ako. Ang lakas ng impact kaya napaupo ako.
" Wag po maawa na kayo saken wag nyo po akong kidnappin. Mahirap lang kami. " Pagmamakawa ko don sa nabunggo ko. Nakajacket sya tapos may takip na panyo yong ilong at bibig nya.
" Hindi ako interasado sa ransome money. Lamang loob mo ang pakay ko " Ang laki-laki naman ng boses ng isang to lalo tulo'y akong natakot.
" May sakit po ako kaya pls. wag na lang ako. Marami pa naman pong iba dyan " Hoy wala akong sakit ha. Palusot ko lang toh para lubayan ako ng kidnapper na to.
" Ikaw ang gusto ko dahil *piyok* " Hala nag bibinata si kuya. " Hahahaha Asar naman
pumiyok pa ako "
Naging ganito ang mata ko ng alisin nong lalaki yong panyo sa mukha nya. 0_____0.
.
..
.
- Ranz POV
Kararating ko lang sa gate ng school nang tumawag saken si Mang Caloy. (Family driver
namin). Maaga kasing nadismiss yong klase namin kaya uuwi na ako.
" Hello . Asan na po kayo ? "
" Sir Ranz pasensya na po nasiraan po ako ng kotse. Nandito pa po ako sa talyer pinapaayos ko po yong makina "
" Sige po. Hihintayin ko nalang po kayo dito sa gate ng school "
" Sige po sir Ranz. Pasensya na po ulit "
I ended the call then ibinaling ko ang paningin ko sa mga estudyanteng dumadaan. Through this way medyo maaaliw ko ang sarili ko.
Teka .. Teka ? Si Miss Price Tag ba yon ? Mukhang maglalakad lang sya. Wow ha iba din nag trip nito. Di ba sya takot mangitim ? Ang puti-puti pa naman ng balat nya.
I don't know but I find myself following her. Nagjacket lang ako tapos nagtakip ng panyo sa
mukha para proteksyon sa init.
Maya-maya ay bigla na lang syang tumakbo.Siguro ay napansin na nya yong pagsunod ko sa kanya. Don ako dumaan sa ibang eskinita para unahan sya. Kaso paglabas ko ay nabunggo nya
ako. Ang lakas nga ng impact kasi napaupo sya.
" Wag po maawa na kayo saken wag nyo po akong kidnappin. Mahirap lang kami. " Nagulat ako
sa sinabi nya. Ah ganon iniisip mong kidnapper ako. Pwes sasakyan ko ang trip mo.
" Hindi ako interasado sa ransome money. Lamang loob mo ang pakay ko " Pinalaki ko yong boses ko para di nya ko makilala. Bwahahaha , nakakatuwa syang tingnan. Halatang takot na takot sya.
" May sakit po ako kaya pls. wag na lang ako. Marami pa naman pong iba dyan " Di mo ko
maloloko alam kong nagpapalusot ka lang.
" Ikaw ang gusto ko dahil *piyok*. Hahahaha Asar naman pumiyok pa ako "
I have no choice kundi ireveal na ang sarili ko. Gulat na gulat naman si Miss Price Tag.
" Ranz ? "
" Ako nga. Bakit mukhang gulat na gulat ka ? "
" Bwisit ka. Bakit mo ko tinakot ? Pano nalang kung inatake ako sa puso ? Kaya mo bang bayaran ang hospital bills ko . Ha! Sumagot ka? " Hinampas nya ng sunod sunod ang balikat ko.
" Tama na. " Hinawakan ko yong dalawa nyang kamay. " Bakit ka ba nagagalit eh joke lang naman yon ? "
" Joke mo mukha mo. Sa tingin mo magandang biro yon ? " Tinanggal nya yong pagkakahawak ko sa kamay nya.
" Ganito nalang libre kita para quits na tayo "
" Talaga ? " Biglang nagningning ang mata nya. Sabi ko na eh. Libre lang ang katapat nito.
" Oo. Promise "
" Sige payag na ko pero ako ang pipili ng pagkaing ililibre mo saken "
" Sure " Lagot napasubo ata ako. Buti nalang kabibigay palang ni Mommy ng allowance ko..
.
.
Naglakad na si Ms. Price Tag habang nakasunod lang ako sa kanya. Saan naman kaya magpapalibre ang isang toh.
Maya-maya ay tumigil kami sa isang maliit na tindahan. Ang usok dito ang dami kasing iniihaw.
Tapos sa kabilang side naman ay may mga ipiniprito. If I'm not mistaken saging ata at kamote ang mga yon.
" Dito ka magpapalibre ? " Nagkamali ako ng akala. I really thought na sa mamahaling restaurant sya mag-aaya. Iba talaga ang babaeng toh.
" Oo. Masarap kaya ang pagkain dito. "
" Are you sure ? Baka mamaya magka hepa pa tayo "
" Ang arte mo" sabay roll eyes nya. "Manang Lope apat nga pong banana que "
" Sige hija sandali lang. " Sagot nong matandang babae na nagpiprito ng saging.
" First time mo bang kumain sa ganito ? "
" Oo. Kadalasan kasi sa mga mamahaling restaurant kami kumakain "
" Ikaw ng mayaman "
" Hija ok na tong banana que. " Inabot ni Aleng Lope yong apat na tuhog ng saging kay Miss Price Tag.
" Salamat po. Ranz akin na yong bayad ? "
" Magkano po ? " Tanong ko kay Aleng Lope.
" 28 pesos lang hijo. "
" Heto po " Inabutan ko sya ng 500 pesos. " Sa inyo na poyong sukli "
" Naku hijo salamat. Di ka lang pala gwapo, mabait ka rin "
" Galing talagang magjoke ni Aleng Lope " Singit ni Miss Price Tag.
" Heh! Ewan ko sayo " *pout*
" Pikon! Oh , sayo tong isa " Inabot nya saken yong isang tuhog ng saging.
"Halika Ranz maupo muna tayo don" Pumunta kami sa isang maliit na mesang may dalawang upuan.
Tiningnan ko yong binigay nyang saging saken. Safe kayang kainin ito?
" Sigurado ka bang masarap toh ? "
" Oo. Tikman mo kasi "
Kumagat ako ng konte. Hmmmm.. Tama sya masarap nga.
" Ano masha--rap ba ? " Sabi nya habang puno pa ng saging ang bibig nya. Tss! Para talaga syang bata.
" Don't talk when your mouth is full. Pero tama ka masarap nga "
" Pangaralan ba naman ako. Any way I'm glad na nagustuhan mo. "
" Akin nalang yong isa. Ubos na kasi yong binigay mo saken eh. "
" Manigas ka. Kasalan mo ang bilis-bilis mong kumain "
" Damot mo " nagpout ako
" Teka maalala ko lang bakit mo pala ako sinusundan kanina ? "
Di ko sya pinansin kunwari nagtatampo ako.
" Ui. Tinatanong kita " *palo ng mahina sa braso ko*
" Ui bakit di ka nagsasalita ? " *sundot sa tagiliran ko*
" Tampuhin naman nito. Oh sayo na tong isa "
Kinuha ko agad yong isa pang tuhog ng saging baka kasi magbago pa ang isip nya.
" Total binigyan ulit kita ng banana que sagutin mo na yong tanong ko. Bakit mo ako sinusundan kanina ? "
" Ikaw ? Sinusundan ko. Spell ASA "
" Sus! Kunwari ka pa "
" Di naman talaga kita sinusundan nagkataon lang ng pareho tayo ng daan pauwi "
"Stalker kita noh?" Sabi nya sabay tawa ng malakas.
"Kapal mo. Kunsabagay libre na--" napahinto ako sa pagsasalita ng makita kong tulala si Ms. Pricetag. Diretcho lang syang nakatingin sa may bandang likod ko. Paglingon ko nakita ko ang isang batang babae na masayang masaya habang karga karga ng papa nya. Sila kaya ang tinitingnan ni Ms. Pricetag?
"Ui" I snap my finger sa harap ng mukha nya. Napakurap naman sya. "May problema ba?" Tanong ko.
"Wala. Nainggit lang ako don sa bata kasi kasama nya ang papa nya" She said in a very sad tone.
"Asan ba ang papa mo?"
"HUY! Mr. Ongsee kelan ka ba naging interesado sa buhay ko?!" Pagtataray nya.
"Sagutin mo nalang kasi. Oh baka gusto mong i-upload ko yong picture mo" hahaha. Umpisa na ng pang bablackmail ko.
"Eto na nga oh sasagutin na diba. Ganito kasi yon, bata palang ako ng iwan kami ni Papa. Basta nalang daw sya umalis sabi ni Mama. Wala ako kahit anong ala-ala kasama sya. Kahit mukha nya wala akong ideya kasi kahit picture nya wala akong nakita. Oo, lumaki ako ng busog sa pagmamahal ng isang ina pero" napansin kong may paunti-unting luha na tumatakas sa kanyang mata. "Pero talagang nangungulila ako sa ama. Alam mo ba nong bata ako madalas ako sa may gate ng bahay namin. Umaasang isang *sniff* a-raw daarating si Papa at makukumpleto na ang pamilya namin. Pero araw araw akong nabibigo. Araw araw lang akong umaasa." Dumalas ang pagbagsak ng mga luha nya. Ibang iba ang Ms. Pricetag na kaharap ko ngayon. Ang lungkot ng mga mata nya. Pati yong malapad nyang ngiti nawawala na rin. Hindi ako sanay na nakikita syang ganito. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may kurot sa puso ko.
"Tahan na. Isipin mo nalang na may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Baka hindi pa ito ang tamang panahon para magkita kayo." Pinahid ko ang luha nya gamit ang daliri ko. Ayaw kong umiiyak sya. Ayaw kong mawala ang ngiti sa mga labi nya. "Umayos ka nga yang uhog mo oh tumutulo na" napangiti naman sya bigla.
"Ikaw kasi pinakwento mo pa eh. Tara na nga, umuwi na tayo" Tumayo na sya at nag-umpisang maglakad.
Hay! Bigla ko tuloy namiss sina Mommy & Daddy. Kahit pala nasa Canada sila swerte pa rin ako kasi kumpleto ang aming pamilya kahit malayo ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Conditions
ФанфикAng kwentong magpapatunay na walang pinipili ang pag-ibig.