[53] Chen's story

219 46 3
                                    


Author: Gabi na nang mag dismiss ang class nina. Chen kaya bahalang-bahala ito dahil medyo malayo ang bahay nila sa skwelahan. Wala na ring masyadong jeep ang dumadaan papunta sa kanila.

Napangiti na lamang siya nang may jeep na huminto sa unahan kaya agad siyang tumakbo papunta doon at sumakay.

Nagtaka na lang siya nang tignan siya ng mga taong nakasakay sa jeep na 'yun pero binalewala niya 'yun at dumukot ng pera pambayad.

"Bayad po, paabot."
Sabi niya saka inabot 'yung kanyang bayad pero tinitigan lang siya ng kanyang pinag-abotan.

Sinimulan na siyang kabahan nang tinignan niya 'yung mga taong nakasakay nito. Nakatitig parin kasi sila sa kanya.

Maya-maya pa'y may matandang babaeng umupo sa tabi niya saka bumulong.

"Kailangan mo nang bumaba bago pa umandar ang sasakyang ito kun'di hindi na ulit makakabalik pa."

Napalunok si Chen.

"B-bakit ho?"
Utal niyang tanong.

"INARKILA NAMIN ANG JEEP NA'TO AT MAG NANIGHT SWIMMING KAMI! TANGA LANG?"

_____
HAHAHA Nuba naman Chen😂

EXO Jongdaeness❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon