NAKATANAW si Marione sa labas ng bintana ng bus habang ninanamnam ang ganda ng tanawin sa paligid niya. Hindi niya mapigilang mapangiti nang maisip niyang ilang sandali nalang ay mararating niya na ang lugar na matagal niya ng pinapangarap, ang Puerto Galera sa Mindoro. Matagal niya ng plano na pumunta sa beach na iyon dahil gandang-ganda siya sa mga pictures na nakikita niya sa internet na kinuhanan doon.
Kaya nang makaipon siya ng sapat ay nag-impake agad siya kahit na tutol ang mga magulang niya sa gagawin niyang pagbabakasyon. Nag-aalala kasi sa kanya ang mga ito dahil wala siyang sense of direction. Kuntodo ang ginawa niyang pangungumbinsi sa mga ito para lang payagan siyang magbakasyon. Sa bandang huli ay napapayag na rin niya ang mga ito. Nangako lang siyang babalik siya after one week at lagi niyag tatawagan ang mga ito.
Tumunog ang cellphone niya kaya dali-dali niya iyong kinuha at sinagot ang tumatawag. Iit was her best friend, Corinth. “Hello?”
“Nasaan ka na?” bungad nito. “Kagagaling ko lang sa bahay niyo pero ang sabi ni Tita Gemma, umalis ka daw mag-isa papuntang Puerto Galera? Naku ka talagang babae ka! Ang lakas ng loob mong magbiyaheng mag-isa, ni wala kang sense of direction!”
“Kumalma ka nga,” nangingiting sagot niya. “I’m already 20 years old. I can take care of myself.”
“My God, Marione. Dito palang nga sa atin, lagi ka ng naliligaw. How much more sa isang lugar na unang beses mo palang mapupuntahan?”
Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Corinth dahil maging siya, aminado siyang wala siyang sense of direction at halos araw-araw ay naliligaw siya. Hindi niya nga rin alam kung anong pumasok sa kukote niya at naisipan niya pang pumunta sa malayo. For adventure, maybe? Yeah. That’s it. Gusto niyang maranasang maging adventurous kahit minsan sa buhay niya. Lagi nalang kasi siyang nakakulong sa apat na sulok ng kwarto niya kapag walang pasok. She badly needed a break.
“I know. Pero once in a while, gusto ko ring maging adventurous. Malay mo? Sa pakikipasapalran kong ito ay mahanap ko na ang Prince Charming ko?” napahagikhik siya.
“Lalaki lang bang hanap mo? Bukas na bukas, pag-gising mo, marami kang masisilayang lalaki. You don’t need to go that far.”
“I need inspiration, ok? Hindi na ako makapagsulat ng nobela. Kailangan ko ng new environment. Don’t you get that? I made up my mind. Ako ang bahala sa sarili ko. I’m perfectly fine now so don’t you worry your pretty little head, Corinth. Say ‘hi’ to them for me. Bye.” She touched the end button then smiled victoriously.
She was a romance novelist. Galing sa kinita niya ang ginamit niya para sa pagbabakasyon niya. Halos dalawang taon na rin siyang nagsusulat para sa Seiran Publishing House. High School palang siya ay passion niya na talaga ang pagsusulat. Second year college siya nang simulant niyang magpasa ng manuscript sa publication at awa ng Diyos ay nakakapasa naman.
Ipinagpatuloy niya na rin iyon para makatulong siya sa mga magulang niya. Siya na ang nagbabayad ng tuition niya gamit ang kinikita niya. Graduating na siya sa susunod na taon sa kursong Journalism. Balak niyang mag-full time sa pagsusulat oras na makapagtapos siya ng pag-aaral.
Kaya lang, nitong mga nakaraang linggo ay napapansin niya na lagi na siyang nauubusan ng ideya at wala siyang maisipang isulat kahit maghapon siyang makipagtitigan sa monitor. So she decided to take a vacation. Tutal ay summer vacation naman kaya pwedeng-pwede siyang magliwaliw.
She rested her elbows on the arm chair. Sa ginawa niya ay nabangga niya ang siko ng katabi niyang lalaki. The guy on her side flinched. Nilingon niya ang natutulog na lalaki. Mukhang naabala niya ito sa ginagawa nitong pamamahinga. May sumbrerong nakatakip sa mukha nito kaya hindi niya makita kung anong itsura nito. But one thing was for sure, ang puti ng leeg nito. Umayos ito ng upo and then slowly he removed his cap and turned to her. Saglit siyang natulala nang masilayan niya ang mukha ng lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/9496744-288-k619374.jpg)
BINABASA MO ANG
Journey To Your Heart [COMPLETED]
Teen FictionKahit na walang sense of direction ay tumuloy pa rin si Marione sa pagbabakasyon niya ng mag-isa. Kaya naman hindi na kataka-taka kung maligaw siya. Ang pakonswelo nalang, nakatabi niya ang masungit na lalaking may maputing batok. Ito ang tumulong s...