CHAPTER 2- My Seat

167 12 2
                                    

“Sheryl, Baby? Is… Is that you?” maluha-luhang sabi ni Mommy sa’kin habang yakap-yakap niya ako. I hugged her back.  4 years ko din silang hindi nakita ni papa sa personal. Simula kasi ng umalis ako ng Pinas, hindi ko na’din sila nakita. Tanging Skype at Facebook lang ang paraan ko para makausap sila.

“You look so different in person Sheryl!” my dad said. Pinakawalan na ako ni mommy sa yakap niya then si dad naman ang yumakap sa’kin.

“I’m no longer Sheryl dad, im Janna. Sheryl’s dead” I corrected them. Oh yeah, patay na si Sheryl, physically. But emotionally? I admit it’s a no.

“Whatever Sheryl. Honey, look how beautiful James creation is… James is so unfair! Bakit mas maganda ung gawa niya kay Sheryl kaysa sa’kin!”  then she pouted. You’ve heard it right, nagpagawa din si Mommy kay Tito James since she’s ugly before like me. Actually, sa kanya ako nagmana eh.

“Yup honey, pero nagtatampo pa’din ako sa anak mo, she used Hyeong as her family name instead of using Gomez! Baka magtaka ang mga kumpadre ko kung bakit hindi Gomez and apilido nang kaisa-isa kong anak lalo na’t isa siyang sikat na artista” reklamo ni Dad. He looked pissed and I feel sorry for that. =3=

“Kasi diba Dad, Im Re-Born in Korea. So  if I will have Gomez as my family name, people will be confused why I don’t have a Korean name. That’s why I decided na Hyeong ang gamitin since that mom’s family name. I’m so sorry dad”  My mom’s a Korean while my dad’s Filipino kasi.

“Don’t be stubborn honey,  Mee yahn h-ahm nee dah Sheryl. Don’t listen to you papa” my mom said.

“Oh well, its okay. Its getting late baby, we’ll be going now. Visit our mansion if you have time okay?” he said then he kissed me on my cheeks. “Take care and be good in school tomorrow” My mom also kissed me then they already left.

So magaaral muna ako hanggang matapos itong 2nd sem. Off muna ako ngayon sa showbiz life ko. Pero sabi ko sa manager ko, im open in some photo shoots, endorsements, and guesting. Kasi im about to start my plan na, kaya naman dun ako magaaral sa school niya. Im taking BS Interior Designing pero since BS Civil Engineering ang course niya, nag-Shift nadin ako ng course. Ganon ako ka-Desperada para sa plano ko, na pati course ko ipinusta ko.

~~~

Pagkababa na pagkababa ko ng kotse ko, nakita ko agad ung malaking tarpaulin na may nakalagay na: ‘Welcome to Wellinstone Academy Janna Hyeong’ at may picture ko pa na nakasuot ng uniform. Edited siguro ito?

Nang napansin ng mga estudyante sa ground na nandito ako, agad silang nagtilian at naguunahan lumapit sa’kin.

“KYYYAAHHHH!!”

“HI JANNA ANG GANDA MO!!”

“OH MY GOSH, HELLO JANNA, I LOVE YOU!!”

I smiled and waved at them while saying “hi”,”hello”,”thanks” etc. Pati lalaki nakikipag siksikan na’din. Good thing I have my bodyguards kaya naman nalagpasan ko din sila at nakarating naman akong buhay sa Principal’s office, muntik na kasi akong kainin ng buhay ng mga estudyante ng Wellinstone!

A woman in mid-40’s ung nakaupo sa principal’s table. She looks familiar… “Ah, Janna iha. How are you? I bet dinagsa ka ng mga fans mo sa gate.” I just nodded and smiled. “We’ll you see the principal is not around and I am Mrs. Fuentaberde, the owner of this school and I came here to visit you personally and to tour you in our school. Alam mo kasi sobrang crush na crush ka talaga ng anak kong si Rain eh. I hope you can be good friends since you’re in the same class naman.”

Ahh.. naalala ko na. Siya ung mama ni Rain, kabarkada ni Brent sa Grupong… ano nga ba un?  4eber ata pangalan ng grupo nila?

“Ang school naming ay blah.blah.blah.blah.blah” Im not really paying attention on her. Hehe, it may look rude pero kasi naagaw ng attention ko ang newspaper na nasa may principal’s desk. ‘The Wellin’ News’, must be their school newspaper. Tas sa may headline nakalagay : “4ebermember:Brent De Guzman as the lucky-guy in Janna Hyeong’s concert” tas may malaking picture naming ni Brent nung nasa may stage kami noong concert.

*KRIINNGGG…KRRIIINNNGG…KRIIINNG*

A loud bell rang that made me realize that I was actually talking to the owner of this school.

“Oh, mag-iistart na ang class mo, ihahatid na kita sa may room mo” then we walked out of the office.

I looked around the campus while were walking and she’s telling me the facilities and history of the school. Im not listening kasi alam ko naman na ang lahat ng iyon since dito ako nag 1st year high school, and those years are so miserable. Nagho-home study lang kasi ako together with CC simula pre-school until Grade 6. As long as possible, my parents hide me from the public. At kahit hindi nila sabihin, alam ko naming ikinahihiya nila ako noon kasi nga panget ako. Si CC naman sobrang mahiyain kaya ayaw pumasok sa school at naghome study nalang din kasama ko. Kaya noong mag hi-high school na ako. I decided to go out of my comfort zone and studied here, which I regretted  after the whole year.

We stopped in a room na may nakalagay na ‘Star Section: BS Civil Engineering’. Without knocking, we entered the room at biglang natahimik ang lahat at lahat nang attensyon ay nasa akin. May isang poging teacher sa harapan. Infernes, pero mas pogi parin si Ex. OMG! I can see him from a far. *dug.dug.dug.dug* Ung upuan niya nasa may centre ng room.

“Star section, I would like you to meet your newest classmate Janna Hyeong. A transferee student from Korea. Ms. Hyeong why don’t you introduce yourself?” Mrs. Fuentaberde said.

Biglang nagtilian ang mga kababaihan maging ang mga lalaki sa classroom kaya hindi ako makapag-salita. Pero siya, parang walang nakikita. Nakatingin lang siya sa kawalan at walang kaemo-emotion ang mukha niya.

“Silence please!” sigaw nung Sir Handsome sa tabi ko kaya tumahimik naman sila. “Go ahead Janna” he mumbled.

“Ahn nyawng hah seh yoh, jaw neuhn Janna Hyeong. I hope we can be friends” then I smiled and winked at them. Actually, ung wink para kay Brent pero hindi naman siya nakatingin nung nagsasalita ako. -_______-“

Nagtilian nanaman sila pagkatapos kong magsalita. Seriously? Ngayon lang ba sila nakakita ng artista? Ang alam ko may mga artista rin na dito nagaaral eh.

“Quiet! So, ahmm…. Mr. Mark Anthony Arreza is your advicer. And… Sir saan uupo si Janna?” tanong ni Mrs. Fuentaberde dun sa teacher. Napaisip naman si Sir Handsome dahil wala na ngang available seat at saktong 40 seats lang ang meron sa isang room. That’s a lie, meron pa kasing isang available seat sa harap ni Brent. Gitnang-gitnan pa talaga ung upuan ah.

“Well I think the seat beside my son is available?” she suggested. Well ung upuan kasi na available ay sa may tabi ni Rain at sa harap ni Brent.

“But ma’am that seat is only for the 4eber’s flavour of the week!” reklamo nung isang babae na nakaupo sa may dulo ng room. Oh no, Hater Alert.

Flavor of the week? Wha the effin hell! Ang arte ha. Siguro doon uupo ung sinasabi nilang flavour of the week. I got it, kaya pala sa may right nung seat nakaupo si Rain, sa harap si Eric, sa may left si Erol at sa likod nun si Brent. Ung upuan na iyon ay napapaligiran ng members ng 4eber. (Sa Next Chapter ko ipapakilala ang members ng group :D)

Biglang tumayo si Brent sa upuan niya “ The seat in front of me, is available. Janna can seat here” he said in a very calm voice while wearing a emotionless face. Tapos umupo ulit siya. Grabe lang ha? Simula ng nakita ko ulit siya puro emotionless face lang ang maidescribe ko sa mukha niya! Eh wala talagang kaemo-emosyon ung mukha eh!? Ni hindi manlang makaNgiti!

“Pero Prince Brent. That seat is saved for your flavour of the week! And sa Friday pa ang bunutan para doon! That would be unfair if– “ naputol ang pagrereklamo nung BlushOn girl nung tumayo ulit si Brent, pulang pula kasi ung mukha nung babae dahil sa kapal ng blush on niya. Dahil lang sa upuan ko nagkakagulo ang mga tao dito. Shemay naman! At mukha siyang galit siya ngayon. Sa wakas! May emotion na ang mukha niya! ^___^

“Then she will be our flavour of the year!” he announced.

My Sweet Ironic Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon