CHAPTER 3- Starting the Revenge

127 11 10
                                    

So ayun na nga, nakaupo na rin ako ng tahimik sa upuan ko na napapaligiran ng mga poging nilalang sa mundo. Inumpisan na nung Sir Handsome ung lecture niya about Trigo. Ang cool niya magturo. Napansin ko namang may tumatawag sa'kin sa may kanan ko.

"Psst. Janna?" dahan dahan kong inikot ang ulo ko para makita kung sino ung tumatawag sakin. Si Rain.

"Why? You need something?" tanong ko. At nakita ko namang namula siya bigla.

"Ahmm... Hi? Im Rain Fuentaberde" sabi niya sabay abot ng kamay niya sa'kin. Nakipag-shake hands naman ako sa kanya. "I'm a huge fan" dagdag pa nito. At hindi niya pa'din binibitawan ang kamay ko, nag enjoy?

"Ehem...Ehem..." sabi ni Sir Handsome sa harap namin habang naka-ngisi pa ito, binitawan naman agad ni Rain yung kamay ko at napansin ko namang namumula na siya habang pilit na tumatalikod para itago ang ngiti niya. "Easy fanboy, you have a lot of time later for your idol. Pay attention on my lesson" tas tinapik niya ung balikat ni Rain at bumalik na sa may harap ng room.

Nakatingin pa din yung ibang mga kaklase ko samin, yung iba inaasar-asar si Rain sakin. Hindi ko inintindi yung lesson ni Sir Arreza kasi napagaralan ko naman na iyon. Kaya tahimik lang ako hanggang naguwian na. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Napalingon ako sa likod ko at tinitigan ko si Brent na nakayuko sa upuan niya at natutulog habang may headset sa tenga niya. Natulog lang ba ito ng buong klase? Hindi ko kasi siya malingon sa likod eh, baka mapansin niya ako. Isipin pa niya may gusto ako sa kanya – well totoo naman yun. ^__^

Alam ko na, sisimulan ko na nga pala yung plano ko. *evil smile* Bwahaha. Lalapitan ko na sana siya ng biglang may mga estudyante na pumasok sa classroom naming at dali-daling lumapit sa’kin.

“Hi Janna!! Pa sign naman ng album ko oh!?”

“NO! Janna ako muna, please! I really love you talaga!!”

“Shut Up! Me first! Janna lets take some picture? I really love your songs!”

Haixt… Fans. Hanggang dito ba naman? Pagbigyan. Kinuha ko yung ink pen ko pero hindi ko alam kung kaninong album ang una kong pipirmahan, sa twing kukuha ako ng album sa kamay nila ay may kumukuhang iba at may ibang ibinibigay sakin. Paulit-ulit lang, puro ganon. Nagulat naman ako ng may biglang kumuha ng right hand ko at hinila ako palayo sa mga fans na nagpapapirma ng album. Tinignan ko kung sino yung kumuha ng kamay ko. Hindi ko siya kilala. --____--“

Tumakbo lang kami palabas ng classroom, pero sinilip ko muna ung upuan ni Brent bago makalabas ng room. Wala na siya doon. Nakaalis na yata siya. Tsk, sayang wala na siya.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng babaeng ito. Sumunod lang ako sa kanya, wala naman akong chance noh? Lakas ng kapit niya sa kamay ko eh. Huminto lang kami sa pag-lalakad at napansing nasa may school garden kami at walang tao dito. Biglan naman siyang yumakap sakin ng mahigpit at naramdaman ko naming umiiyak siya. Eh? Bakit? Sino ba ituu?

“I’m so sorry Janna for what my brother did to you! He’s so stupid and a jerk for doing that!” humahagulgol na sabi niya. Binitawan na niya ako sa pagkayakap niya at pinunasan ko naman ung mga luha na tumutulo sa brown eyes niya. She’s sorry daw? Bakit? Sino ba kapatid nito?

“You don’t have to say sorry. It’s alright. Don’t cry, it will make you ugly. Look, your ugly na!” That’s a lie. Sobrang ganda niya pa’din kahit umiiyak siya. Naniniwala lang talaga ako sa sinabi ng ex ko noon nung nakita niya akong umiiyak. ‘Wag kang umiyak, nakakapanget yun. Actually, panget ka na nga pala, mas lalo ka lang pumanget kapag umiiyak ka’ At ang lalaking nagsabi sa’kin niyan ay walang iba kundi si Brent.

Ngumiti naman na siya, buti naman. Mas maganda parin siya pag nakangiti Pero syempre mas maganda ako. ^___^

“Im Princess Shane De Guzman nga po pala Ate Janna.” Sabi niya sa tono na para siyang nagpapakilala sa isang beauty contest. “At isa po ako sa mga die hard fan niyo noh! Ihhh.. mas maganda ka pala talaga sa personal Ate Janna!!” shempre maganda talaga ako noh. Hoho. “Ay, kapatid ko nga po pala si Brent. Yung sira ulong lucky-guy na nabunot mo noong concert mo.” Sarcastic na sabi nito. HA? Kapatid ito ni Brent? Siya ba yun? Talaga?

My Sweet Ironic Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon