Chapter 4.

85 2 0
                                    

Author's PoV

"Nandyan na ba ang mga ka meeting natin?" -Sabi ni Princess na talagang pinaghandaan ang araw na pagkikita nila nang kanyang ama.

"Wala pa.  pero malapit na sila" - cherry

"Ma'am nandyan na po sina Mr. Romualdez" - secretary

"Papasukin mo na sila"- Aniya ni Princess. tango lang ang isinagot nang kanyang secretary sa kanya at pinapasok na nito sina Mr. Romualdez. Pagkapasok nito ay sinimulan na nila ang dapat pag-usapan.

*After the meeting*

Aalis na sana si Princess para umuwi nang biglang may tumawag sa kanya.

"Princess!" nang marinig nya ang pangalan nya at ang pamilyar na boses nang tumawag sa kanya ay napahinto sya at dahan dahang humarap.

"Princess, anak" - Mr. Romualdez

"Excuse me?  anak ? sinong anak? Mr. Romualdez" - Sabi ni Princess na halata mo sa boses na galit at gusto nang umiyak dahil nasasaktan pa rin sya sa ginawa nito at nang kanyang Ina sa kanilang magkapatid.

"Anak, Alam kong ikaw yan. Patawarin mo ko at ang iyong Ina sa ginawa namin" - Mr. Romualdez

"Patawarin? alam nyo ba kung gaano kasakit ang abandunahin nang sarili mong mga magulang? Nung iniwan nyo kami kanila lola at lolo, ni minsan ba nagawa nyo kaming puntahan ni Andrea? Ni minsan ba kinamusta nyo kami kung buhay pa kami kung kumakain ba kami kung kailangan ba namin nang mga magulang na kakalinga sa amin? diba hindi?! kasi ano ? puro pang-sariling kasiyahan nyo lang ang iniisip nyo wala kayong kwentang magulang!!!!" halo-halo ang nararamdaman ni Princess habang sinasabi nya ang mga salitang yan sa kanyang ama. Hindi na rin nya napigilang umiyak dahil nasasaktan sya.

"Anak, Bigyan mo pa sana ako at ang Ina nyo nang isa pang pagkakataon" Sabi ni Mr. Romualdez na nagmamakaawa sa kanyang anak.

"Bakit, kapag pinatawad ko ba kau maibabalik nyo ba ung dati?  hindi kasi kahit kailan hindi na kayo magkakabalikan ni Mama!" Pumasok na sya sa Kotse nya pagkatapos nyang sabihin iyon sa kanyang Ama at pinaandar nya nang pagkabilis-bilis ang kotse nya.

"Bullsh*t!  ang kapal nang mukha!Patawarin ano ako tanga?! pagkatapos nila kaming abandunahin papatawarin ko sila hinding-hindi mangyayari yun!"

**

A/N: sorry sa bad words. feel ko magdrama kaya ganyan update ko ^^ comment and vote pls..

RebeL DaughTer (sLow updaTe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon