Chapter 22.

43 2 0
                                    

Princess POV

2 linggo na lang ang iintayin ko para makaalis ng bansa pero di ko pa rin nasasabi sa pamilya ko .. Bahala na basta sasabihin ko din hahanap lang ako ng tyempo para di sila mabigla kahit na alam kong mabibigla sila XD..

Nandito ako ngaun sa mall feel kong mag mall eh bakit ba! init ng panahon kailangang magpalamig ..

"Superman bili mo ko nun dali!!" Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses..

Superman?

hinanap ko kung saan nanggagaling yung nagsabi nung superman parang kilala ko kasi ee ..

Nang mahanap ko kung saan ito nanggagaling ay hindi nga ako nagkakamali kilala ko nga kung kaninong boses yun ..

"Supergirl di ka naman na bata para magpabili nyan"

Supergirl?  ang taray ng Endearment!!!

"Eeh! bakit ba gusto ko nun eeh!!" Sabi ni Charly a.k.a supergirl daw sabi ni Austine a.k.a superman xD!!!

ang kulit ng endearment nila ah!!

"Hoy!! anong ginagawa nyo ditong dalawa huh?!" Ako

Nasa tapat kasi sila ng toy store kaya nilapitan ko sila..

"Ayy hello Ate Princess!" Charly

"Anong ginagawa nyo dito may klase kayo diba?" Ako

"Opo.. Eh ito pong si Charly nag-ayang magcutting eeh" Austine

"Charly nagka-cutting ka na ngaun?" Ako

"Maniwala ka dyan kay Austine -_- vacant time namin ngayon .. 2hours vacant time namin, eh ikaw Ate anong ginagawa mo dito?" Charly

"Ah wala nagpapalamig lang" Ako

"Magpapalamig ka lang pala eh di sana binuksan mo na lang yung ref nyo tapos tumapat ka" Charly

=_______=

"Ewan ko sayo!" Ako

"Haha. pagpasensyahan nyo na po tong si Charly Ate Princess" Austine

"Ubos na pasensya ko dyan xD joke! ^___^v" Ako

"Tawa tayo joke daw ee! =___=" Charly

"Ano bang pinapabili sayo ni Charly?" Tanong ko kay Austine

"Ah yung barbie po" Austine

Barbie?

"Para san bakit ka nagpapabili ng barbie?  ang laki laki mo na naglalaro ka pa nyan?" Ako

"Eh di naman po para sakin para kay Tracey" Charly

"Bakit di mo kasi sinabi akala ko naman para sayo" Austine

"eh di mo naman ako tinanong ee" Charly

"Naku! bahala na nga kayo dyan sige alis na ko" Sabi ko maglilibot muna ko dito sa mall..

"Ayaw mong sumama samin Ate?" Charly

"Wag na maka-istorbo pa ko sa inyong dalawa" Ako

"Ok bye, ingats ;))" Charly

"Geh," Ako

Ang init parin talaga .. magswimming kaya kami? Oo tama ayain ko silang magswimming!! para bago ako umalis atleast may unforgettable moment kami diba!!

Charly's POV

"Balik na tayo sa University!" ako

Nakakabored na kasi dito sa mall ee ..

RebeL DaughTer (sLow updaTe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon